Chapter 25
Kakarating ko lang sa bahay galing airport. Andito yung sasakyan ni mama. Napa aga ata yung uwi nya ngayon. Yeyy. Nagmadali akong pumasok sa loob. Gusto kong yakapin si mama. Na miss ko sya eh.
"Ma!"
Sigaw ko pagtapak na tapak ko sa bahay namin. Umakyat agad ako sa taas para tignan si mama sa kwarto. Pero di paman lang ako nakapasok sa kwarto narinig kong sumigaw si mama."Wala ka talagang kwentong lalaki bwesit!"
Na curious tuloy ako kaya instead na pumasok ako ay hinayaan ko na muna si mama sa loob. Biglang bumukas yung pinto. Pareho kami ni mama na nagulat pero agad din syang naka bawi."Kanina ka pa ba dyan Lace?"
Tanong nya. Umiling lang ako. Tumango si mama saka ngumiti."Anong nangyari ma?"
Umiling lang si mama saka bumaba.Ang weird. Tawagan ko kaya si papa. Feeling ko kasi nag away na naman sila. Na miss ko rin yung papa ko.
Pumasok ako sa loob saka chinat si papa. Nag leave lang ako ng message di sya online eh. Kailan kaya kami mabubuo ano? Pwede naman sanang dito nalang tumira si Kim sa Pilipinas pero ayaw nya kasi mas gusto nya raw ang States. Tss. Arte arte talaga ng batang yun.
Papunta na sana ako sa veranda ng kwarto ko nung marinig ko ang sasakyan ni mama kaya dali dali akong nagtungo dun. Si mama umalis. San kaya punta nun? Di man lang nagpa alam.
Ilang araw ko ng napapansin si mama na may kausap lage sa phone nya. Minsan binabaan sya kaya magagalit sya. I wonder who.Bumaba ako, baka may alam si yaya hihi.
"Yaya sino po yung palaging kausap ni mama sa phone? Bakit parang galit na galit sya? At san yung punta nya ngayon?"
"Ewan ko lang Lace. Di kasi binangit ng mama mo sa amin basta kahapon, andito yung daddy ni Yen. Nag usap sila ng mama mo. Di ko lang alam basta paglabas ng daddy ni Yen lukot na yung mukha. Parang nag away ata sila. About business na naman yun"
Sabi ni Yaya. Di na naman bago para sakin ang balitang yan. Sabi kasi ni mama sakin simula pa daw highschool sila ni Tito Armel ay palagi na silang di nagkakaintindihan but that doesn't stop their friendship."Siguro client lang yung kausap ng mama mo. Alam mo naman masyadong busy sa work yang mama mo"
Tumango tango nalang ako. Tama din naman kasi.Feeling ko ba mabubulok ako sa kwarto ko. I'm bored. Maglakad lakad na muna ako sa labas kundi punta muna ako kina Yen sa kabilang village.
"Yaya alis muna ako kina Yen lang ako"
Sabi ko. Nag bike lang ako. Malapit lang naman dito. Di na kailangan mag kotse.Binati ko lang yung guard nila. Diretso na ako pasok dahil kilalang kilala na ako ng mga tao dito. Actually they own this village at lahat ng nakatira dito ay pamilya lang ni Yen. From her great grandfather up to her generations.
"Hi ate Lace"
Bati ni Aliah sakin. Kasama nya si Denmark papasok rin sila sa mansyon."Sabay ka na samin Lace"
Sabi nya sumabay na rin ako. Hinatid nya lang pala si Aliah dito. Sweet."Dito ka matutulog kina ate Yen mo Aliah?"
Tanong ko. Tumango lang sya saka naunang pumasok sa loob. Sabay kami ni Denmark. Pagpasok namin sinalubong kami ni Ash, kapatid ni Yen."Ba't ngayon ka lang bumisita ulit dito Lace? Na miss ko yung pagmumukha mo"
Mana talaga sa ate. Magkapatid talaga silang dalawa. Hay naku po.Nagpunta nalang ako sa game room nila kasi andun daw si Yen naglalaro ng computer. Di ko na kinatok diretso kong binuksan yung pinto. To my surprise ang dami pala nilang naglalaro. halos kompleto ata silang magpipinsan dito.
"Game over"
Malakas na sabi ni Yen. Halata sa boses nya ang saya marahil siguro ay natalo nya yung mga pinsan nya."Isa pa Yen. Kami naman ni Demetrio yung kalabanin mo"
"Tss gutom na ako kayo na muna"
At tumayo si Yen. Nagulat sya nung makita ako."Whoa! What are you doing here?"
Tanong nya sakin saka nilampasan ako. Tignan mo nga tong bruhang to.Sinundan ko sya hanggang sa kwarto nya. Dumiretso sya sa mini fridge nya at kumuha ng mainom para saming dalawa. Umupo kami sa sofa set nya. Himala at di sya sa kama dumiretso.
"Hinayaan lang kita na sarilihin yung problema mo. I'm not fortune teller kaya sabihin mo sakin kung anong bumabagabag sayo"
Nagulat ako dun. Di ko ine expect yun ah. Akala ko bale wala lang talaga si Yen dun."Wala Yen"
Ayokong magsabi kasi ewan ko. Pero nakakahiya lang."Okay, alis na wala ka rin naman palang sasabihin"
Sabi nya saka tumayo at mag unat. Bwesit ka talaga Yen!"Nakakamatay ang ganyan Lace. Try mo."
Lakas magpa konsensya ng gaga! Di paman sya nakalayo ay hinawakan ko yung kamay nya. Tinignan nya ako saka ngumiti sya ng malawak. Bwesit na pagmumukha yan Kayenne!"Okay, so here I'll start-"
Naputol yung sasabihin ko nung biglang pumasok si Ash."Ate, I heard something disturbing"
Sabi nya habang karga karga si Lukas sa bisig nya."Ano na naman ba? Ganyan ba ka importante yan para pumasok ka dito?"
Inis ma singhal ni Yen sa kapatid. Napairap si Ash. Ang cute.I feel you Ash. Minsan talaga ang sarap sapakin ng malditang ate mo.
"Si Daddy daw kasi may anak sa labas. Nabasa ko yung text message galing sa unknown number"
Sabi nya. Ito rin yung narinig ko nung isang araw na pumunta ako dito. Legit pala talaga."HAHAHAHA EDI MASAYA!"
Sabi ni Yen. Minsan talaga di ko maintindihan ang mood ni Yen."Ayaw mo nun madadagdagan tayo. Sana nga lang babae para may nakababatang kapatid na babae na ako."
Makikita mo talaga ang galak sa mukha nya. Seryoso?? Sa ganitong sitwasyon nakuha nya pang magsaya? Napa face palm nalang tuloy si Ash dahil sa ate nyang abnormal."Kung tapos ka na makakaalis ka na. I'll not mad, I'm happy tho"
Sabi nya. Walang nagawa si Ash kundi lumabas na din bago pa sya mapikon kay Yen."Sige spill it. You have the whole time here Lace"
Umupo na sya ulit sa couch at saka ipinag cross nya ang mga paa nya habang seryoso na nakatingin sa akin."Ewan ko lang Lace. Di pa naman ako sure sa nararamdaman ko. But I promise you na sasabihan talaga kita. Ikaw ang pinaka una na makaka alam"
Inubos nya ang chuckie nya saka tumingin ng diretso sa mga mata ko."I'm in pain Yen."
Pagkasabi ko nun biglang tumulo luha ko. She's used to it naman."Bakit?"
Tumayo at at nkyakap ako. I miss this kind of feeling. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat nya.I just couldn't stand seeing Finch asking for my help for Lisa. Ang sakit lang po.
"Dito ka na natulog Lace. Sabay tayo bukas. Please"
Wala sa isip kong tumango ako."Pero promise me Yen. Wag na muna nating pag usapan to. You'll know later wag na muna ngayon"
Di naman ako intentionally na sinaktan ni Finch. Di ko lang ineexpect na ganito ka sakit yung impact sakin.
YOU ARE READING
Never Enough
RandomI did everything for you to love me but I guess my efforts we're never enough. Sobrang tanga ko na nagpadala ako sa mga banat mong nagpahulog sakin ng lubos sayo. -Dulcinea Solace Quijano (On-going)