Chapter 19
Pag uwi ko sa bahay, same old lonely shit welcomed me. Yun padin dating gawi. Pasok sa kwarto higa. Wala na naman si mama. I miss my mama so much. Na miss ko na yung mga sandaling inaalagaan nya ako.
"Lace may bisita ka"
Dinig kong sabi ni Yaya sa labas ng pinto ko. I'm not in the mood to face anyone kaya di ko na binaba pa.It could be just Yen, Lisa, Emma or Ari for sure. Wala rin akong panahon makipagtalo kay Ari kaya bahala sya dun.
"Lace iha! Si Bry daw andito"
Napabangon ako sa narinig ko. Anong hinagawa nya dito?"What are you doing here?"
Maypagkamataray kong tanong sa kanya. Nginitian nya lang ako saka pinakita ang baso ng tubig."Nakikiinom ng tubig kasi nauuhaw ako. I didn't know ma dito ka pala nakatira. Not untill I saw your Mustang Hurrican Evo mo."
Whoa! I didn't know he's that good at cars. Nakaka amaze."Ano bang ginawa mo dito?"
Tanong ko ulit sa kanya. Ngayon pareho na kaming nakaupo habang kumakain ng cookies."Galing sa bahay nila Yen. Natakot ang Finch sa Daddy ni Yen kaya umuwi kami agad. Hinatid lang naman namin yung notebook nya kasi sabi nya paki hatid. Di naman namin inakala na andun daddy nya eh magkalapit lang naman pala kayo ng subdivision"
Tinaasan ko sya ng kilay."Eh? Anong connect dun? Ba't ka napadpad sa amin para humingi ng tubig?"
Natawa sya ng bahagya."Pumasok ako dito kasi dito nakatira yung kaibigan ko. Naglaro kami ng basketball kasama yung iba nyang barkada. Pauwi na ako nung makita ko yung sasakyan mo and that's when I decided to stop by and checked on you"
"Para paraan mo lang yung tubig. Umalis ka na nga gustong kong magpahinga"
Tinaboy ko sya. Wala naman palang kwentang kausap to at talagang umalis."Bye ingat!"
pahabol ko pa sa kanya saka bumalik sa kwarto. Nakakapagod ang ganito. Napatingin ako sa isang shelf kung saan naroon ang mga pictures namin magbabarkada nung mga bata pa kami. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko basta kinuha ko.I sat on the sofa here in my room and started to open the album. Bumungad saakin yung picture naming anim nila Lisa, Ari, Emma, Yen, Thalia at ako.
Those were such happy times. Nakahiga si Thalia habang si Yen ay nakapatong sa kanya hawak hawak yung candy na nakuha nya sa trick or treat. Si Ari sa side ni Yen nakahawak sa coat ni Yen while eating some chocolates. May maraming chocolates pa yung labi nya. Ako at si Emma nakatayo sa harap nila wearing our princess's costumes. Ako si Snow white si Emma si Cinderella. And Lisa is wearing her Princess jasmine costume sa likod ni Yen.Ang saya naming tignan dito. Who would have thought that we'll separate ways. I mean si Thalia. Sobrang close namin para kaming pinagbiak na buko na anim. Iisang trip yung sinasakyan naming anim. Go anywhere kahit na mapagalitan pa kami.
The next picture, andun na si Quin ang laki ng ngiti nya habang si Lisa ay umiiyak. I can still remember what happened like it was just yesterday. Kakagaling lang namin school nung paguwi namin ay may dinner date daw kami sa bahay nila Thalia kaya ayun dun kami dumiretso. Pag dating namin dun si Lisa may crush kay Victor. Pinsan ni Thalia eh si Quin sobrang mapangasar kaya inasar nya ng inasar si Lisa sa harap ni Victor hanggang sa umiyak sya sa harap namin. Di namin alam na kinuhanan pala kami ng picture ni Mama.
Sa isang picture naman kaming tatlo lang ako, si Yen at si Thalia. Naliligo kami sa backyard nila Yen. May dala² kaming hose. Ang saya naming tignan dito oh.
Ano kaya kung hanggang ngayon andito parin si Thalia kasama namin no? Siguro napakagulo namin at the same time napakasaya. Si Thalia kasi yung parang nanay naming lahat, aside sa mas matanda rin sya sa amin. Sya talaga yung pinakamatanda saming lahat. Palagi nya ngang napapagalitan sina Yen at Ari dahil sa pagiging malikot. Kung ano ano lang ang maisip gawin.
YOU ARE READING
Never Enough
RandomI did everything for you to love me but I guess my efforts we're never enough. Sobrang tanga ko na nagpadala ako sa mga banat mong nagpahulog sakin ng lubos sayo. -Dulcinea Solace Quijano (On-going)