Chapter 26: Friday night

5 0 0
                                    

Chapter 26

Christmas season is fast approaching. Next week December na. Ang bilis talaga lumipas ng panahon.

Busy ang lahat ngayon dahil mamaya ay may party na magaganap sa SHU. Homecoming party daw kaya naman wala kaming klase sa lahat ng subject.

Lahat ng mga teachers and students ay sobrang busy sa pag dedecorate. Pati si Quin at Alas andun din. Nakalimutan ko pala na kasali si Quin sa students council ng SHU si Alas naman alam nyo na dun sa school article syempre kailangan nya ng magandang cover and so.

Naisipan kong lumabas muna ng room, wala rin naman akong magawa. Si Ari kasi andun sa tambayan nya sa rooftop. Gumawa ata sya ng sariling bahay nya dun. Ilang buwan na rin sya andun tumatambay eh.




Habang naglalakad ako sa hallway, may nakita akong pamilyar na postura. Wait, teka di ako nagkakamali. Si Finch to at si Lisa? Ba't sila magkasama? Sila na ba?

I have a lot of questions to ask pero di na ako nagabala. Napatakbo ako sa sakit ng naramdaman ko. This isn't right anymore. Akala ko ba walang chance si Finch? Ano yung nakita ko Lisa? Ha? Ano yun!?


Ang sakit sobra. Para na akong baliw. Wala talaga akong karapatan na pagbawalan sya kay Finch. Of course Finch love her dearly. Ewan ko lang kay Lisa. I just don't want Finch to get hurt. I know Lisa. Marami syang lalaki kahit na di nya naman mahal she dates them. Jowable kasi sya. Yan yung advantage nya sakin.



Napunta ako sa likurang bahagi ng school. Wala ng mga studyante dito kasi pinagbabawal ito ng school na puntahan. If I would to describe the scenes, it's super disturbing. Parang yung mga nakikita ko sa mga palabas sa tv. May malaking warehouse na sa pagkakaalam ko sobrang tanda na talaga nito. May maraming puno, di mo nga halos aakalaing sakop pa pala to ng SHU. I wonder if Ari knew this place exists.


Tinanggal ko yung sign na 'no one is allowed to enter' feeling ko ako lang yung naka alam nito. Di ko na nga alam kung saan ang daan pabalik. Fuck! It creeps me out. Puta pano ako makakabalik nito? Marami rami rin yung mga rooms dito na kinakalawang na. May iba nakasara yung pinto ang iba naman nakabukas. shet! Baka may multo dito. Fuck!!!


Kinuha ko yung phone kosa bulsa para makahingi ng tawag. Buti naman at umayon sakin ang panahon. Nag ring ang phone ni Yen. In times of this she's the only one I can call without any worries. Kasi alam ko kahit na anong busy nun kahit na galit yun sakin gagawa at gagawa sya ng paraan.

"Hello Yen! Thank god!"
Nabuhayan talaga ako ng loob nung sagutin nya ang tawag.

[You only have 10 seconds to speak]
Bwesit!

"Puta ka Yen! Nawala ako Yen please help me. Di ko alam kung nasaan ako. Basta nasa school campus parin ako"

[Find your way home]
Wala ka talagang hiya Yen!

"Yen please, I'm not kiding here. Send ko sayo yung picture kunt nasaan ako"
Inopen ko yung messenger ko at sinend ko sa kanya yung itsura ng lugar kung nasaan ako.

[Whoa! Anong klaseng lugar ba yan?]

"Yen please help me. Puntahan mo ko dito sige na please. Napa ka creepy ng lugar. I want to go back"
Halos mangiyak ngiyak na ako. Inend ni Yen ang tawag kaya napa iyak na talaga ako ng tuloyan.

Bwesit ka Yen! Papatayin talaga kita pag nakita kita. Naglakad ako palayo ng palayo. Kahit na di ko alam kung saan ako papunta. I need to be back.

Ilang minuto rin yung nilakad ko hanggang sa may narinig akong sumisigaw sa pangalan ko.

"Lace!"

"Lace!!"

"Lace!!!"

Yen! Lumiwanag yung mukha ko at dali dali kong hinanap ang pinamulan ng boses. Asan ka Yen?

Takbo dito, takbo doon. Sigaw dito, sigaw doon. Hanggang sa nakita ko na si Yen na nakatalikod sa akin. Tumakbo agad ako sa direksyon nya at niyakap sya.

"What the heck Lace! You scared the shit of me"
At niyakap nya rin ako ng mahigpit. Napa hagolgol na naman ako. Napa ka emotional ko these days. Ewan ko na sa sarili ko.

"Ano bang nangyari? Spill everything"
Sabi nya at pinaupo ako sa bato na andun.

Di ko na kayang ikom kom ang nararamdaman ko kaya naman sinabi ko na lahat sa kanya yung totoo. Shock si Yen sa narinig nya. Ako rin naman nung una. I want to confirm if talagang totoo ba yung nararamdaman ko. Upon feeling this right now masasabi ko talagang totoo.



"Legit?"
Di makapaniwalang tanong ni Yen. Tumango lang ako habang umiiyak.





"Since when did you knew it was love?"
Nagkibit balikat ako. Di pa ako sure if talagang mahal ko si Finch basta yung sa akin is nasasaktan ako.




"You have nothing to worry naman Lace. Lisa doesn't have a thing for Finch. Ako mismo makakapatunay nyan"
I sigh in relief pero kahit na. Si Finch yung may gusto eh.




"Puta Yen si Finch yung may gusto. Pano nalang if ma fall si Lisa kay Finch?"
I sound so selfish and I literally hate it.





"Lisa and Lark were dating"
Parang wala lang sa kanya yung sinabi nya. She also used to date Lark. Ngayon andun na kay Lisa. Isn't it awkward for her?




"Kamusta na kayo ni Danish? Still on?"
Tumango lang sya saka tinaasan ako ng kilay.






"Bakit mo iniba?"
Di ko sya sinagot.







"You mean walang idea si Finch sa nararamdaman mo? And Oh, I almost forgot sya pala yung first kiss mo no"
And memories bring back memories. Na alala ko na naman yung nangyari as if it was fresh from yesterday.







"Siguro kaya ganito yung nararamdaman ko Yen no? Dahil sa first kiss?"
Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya. Sabi nga nila napakalaki ng impact ng first kiss sa mga babae.






"Can I ask? Sino yung first kiss mo?"
Tanong ko. Sa dinami dami ba naman ng naka relasyon nitong bruha impossibleng walang first kiss sya.






"My dad"
Simpleng sagot nya saka ngumiti. Malungkot ang kanyang mga mata.




"He was my first in everything. I never experienced kissing someone to be honest. They kissed me sa forehead lang or sa cheeks but never sa lips"
Sabi nya. Nafefeel ko na miss na miss nya na yung Daddy nya.







"Iniyakan mo na ba si Danish?"
Umiling sya. Strong woman ang gaga.






"Bakit ko naman sya iiyakan?"

Sabi ni Yen saka nagpaalam na aalis na muna sya.



Guess who's lucky to have her as a friend? Me! It's fucking me!  I'm blessed having Yen is my life. My other half. My everything. She's the most freaking important thing to me.

Never EnoughWhere stories live. Discover now