Chapter 22: Pain

4 1 0
                                    

Chapter 22

Shetttt! Late akong nagising ngayon! 8:00 am na at kakagising ko lang. Ba't di ako ginising ni mama o maski ni Yaya? Aish!

Absent na ako sa 1st period ko this day. Kainis naman oh. Sayang yung points sa attendance namin.

Nakakapagtaka lang kasi paglabas ko sa kwarto ko may narinig akong naguusap. May bisita si mama? Diba dapat nasa kompanya na sya ngayon?

Di ko nalang pinansin at dumiretso sa kusina para kumain. Gutom filled my senses haha. Kailangan kong magmadali para hindi ako ma absent sa 2nd period. Di bale ng late wag lang absent.

I was about to bid goodbye pero laking gulat ko nung makita ko ang Daddy ni Yen. Anong ginagawa ni Tito Adrian dito? Ah baka about business lang. Pero feeling ko iba eh. Parang iba talaga yung pakiramdam ko dito. Bahala na.

"Magandang umaga po Tito mauna na ako sa inyo. Ma bye na po"
Sabi ko at dumiretso sa parking lot at pinaharurot ko yung sasakyan ko. Aish! Super duper late na talaga ako first time in the record to.

Pagdating ko sa campus walang masyadong students ang nag gagala sa campus malamang may pasok sila ngayon except sa ibang taga college students na napadpad sa building namin.

Kakatok ako? Andito na ako ngayon sa harap ng pinto namin. First time talaga to. Never pa akong na late magisa. Papasok pa ako? O dun na muna ako sa safe room?

Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino ang online sa mga gaga. Si Lisa. Dali dali ko syang ichinat pero andun pala sya sa praktis ng cheerleading nila. Si Yen din nag training yun pati si Quin.

Puntahan ko nalang kaya sila? Ayoko ring makita si Finch ngayon eh. Tama di nalang muna ako papasok.

I already made up my mind. Nagpunta muna akong canteen. Dadalhan ko ng pagkain si Yen for sure magtata talon yun sa saya. Binilhan ko sya ng favorite nyang chocoshake at bigbite burger. Dinalhan ko rin sya ng gatas.

Tanaw ko na yung gym kung nasaan sila nag pa praktis. Nahihiya ako. Parang gusto kong bumalik sa daan. Di kasi ako close sa mga co players nya.

"Uhm, excuse me si Yen?"
Kinapalan ko na talaga yung mukha ko at tinanong ko si Bowen. Kilala ko silang lahat pero di kami close haha.

"Yen! Tawag ka ni Lace"
Pagkasabi nun ni Bowen tumigil sa paglalaro si Yen at naglakad papalapit sakin.

"Thanks"
Malaking ngiti ang kumurba sa kanyang mga labi.
Sinamahan nya akong umupo sa mga seats doon.

"Bakit di ka pumasok? Miss me?"
Pwe! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to.

"Tamang tama ang dating mo Lace kasi nagugutom na ako."
Sabi nya pa. Nagtawanan yung mga kasamahan nya.

"Oo nga Lace. Kanina nya pa ako kinukulit na bumuli ng snacks, pabili na nga sana ako nung nakita kita"
Sabi ni Bowen. Ah kaya pala. Pero di naman sila nauubosan nag pagkain, may marami pa nga silang pagkain dito sadyang picky eater lang talaga si Yen. May maramjng students kasi ang pumupunta sa praktis nila para manuod at bigyan sila ng snacks.

Sana all may maraming die hard fans.

Sa SHU kasi, pag isa ka sa mga jocks sobrang popular ka talaga. They're on top. Pangalawa lang yung mga academic geniuses.

"What brings you here nga pala Lace? This is so surprising"
Tanong ni Yen. Para syang batang masayang masayang umiinom sa choco shake nya.

"Late kasi ako, next period na ako papasok. Kain ka ng marami. Binili ko talaga yan para sayo"
Nanlaki ang mga mata ni Yen. What's the matter?

Never EnoughWhere stories live. Discover now