Chapter 20
Dami kong iniisip ngayon dahil sa dararting na finals. It's a hell week for us. Masyadong nakaka istress. Buti na nga lang at sinamahan ako ni Finch ngayon mag library kasi yung mga loka loka kung kaibigan may kanya kanyang issue sa buhay.
"Pikturan mo nga Lace para may reference tayo"
Ani Finch. Gusto kong kasama si Finch mag aral kasi he's into studying talaga. Sya lang yung nagaaral sa mga boys kasi may kanya kanya rin silang inaasikaso."Sige wait"
Maikling tugon ko saka inilabas ang phone ko at pinikturan yung nakasulat sa libro. My mom must be proud of me dahil ginalingan ko na yung pag aaral ko.Tahimik lang kaming dalawa. Syempre busy kami sa pagaaral eh hahaha. Kung kasama ko pa sina Yen malamang sa malamang wala kaming natutunan tas tawa lang kami ng tawa.
Siguro isang oras rin kaming nakatambay sa library bali mga isang period rin namin kaya nung time na para sa next subject pumasok na kami ni Finch. Dumaan muna ako sa locker ko si Finch nauna na.
While busy ako sa locker ko may narinig akong mga babaeng nagbubulungan.
"My ghad si Finch at Lace na ba?"
"Ewan ko diba si Lisa at Finch yun?"
"Slut talaga si Lace."
"Oo nga sayang sya pa naman yung gusto ko sa buddies kasi napa ka angelic nya tignan"
"Oo nga kala mo walang tinatagong baho manloloko naman pala ng kaibigan"
Ewan ko but upon hearing those words it tears me. Biglang tumulo yung luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero di ko pinahalata na ako yung nasa may locker. Hinintay ko munang makaalis sila baho ko isinara ang locker ko.
Bakit ganito? Di naman yun totoo pero ang sakit lang sa pakiramdam na ganon pala ang tingin ng mga tao sayo. I just can't take ut. Nakarami na sila. Sobrang sakit na talaga. should I distant myself?
Instead of going to my class I immediately rush home. Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko. Ayoko munang pumasok. Gusto kong mapagisa. Just wanna freshen my mood for today. Bakit ba kasi napaka sensitive kong pagkatao. Madali talaga akong masaktan.
Sinalubong ako ni Yaya pagdating ko pero di ko sya pinansin kasi kung maka interrogate yun parang detective. Kakagaling ko pa naman iyak. Diretso sa kwarto as always.
At dun ako humagolgol ng humagolgol. I have many questions. Bakit ba kung magkasama kami ni Finch? Ganon na ba talaga ako ka panget para di kami magustuhan ng lahat? Why do I deserve this kind of pain?
Halos mapatili ako sa sobrang gukat ng biglaang mag vibrate ang phone ko. Bwesit! Tinignan ko kung sino yung tumatawag. It's Yen.
Kayenne wants to join a video call with you.
Inend ko lang yung tawag. Sunod na tumawag na naman sakin si Quin. Ganon parin gaya ng ginawa ko kay Yen. Di ko sinagot. Bakit palagi nalang ganito yung nangyayari sa akin?
Nung una dahil kay Zach ngayon naman dahil kay Finch. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako na nasa tabi ko si Mama.
"Anong nangyari sayo?"
Tanong ni Mama sakin. Di ko sya tinignan sa mata alam ko kasing alam nya na galing ako iyak."Lace sinong kaaway mo? Ba't ka umiiyak ha?"
I tried not to give her an eye contact."Ma wala ano ka ba na stress kayo kaya umiyak ako ang dami ko pang ipapasa na mga paper works kasi"
please bumenta ka. Tinignan ako ni mama gamit ang mapanuri nyang mga mata.
YOU ARE READING
Never Enough
RandomI did everything for you to love me but I guess my efforts we're never enough. Sobrang tanga ko na nagpadala ako sa mga banat mong nagpahulog sakin ng lubos sayo. -Dulcinea Solace Quijano (On-going)