Simula

480 7 0
                                    


"You may now kiss the bride."

At isang happy ending na naman ang naganap ngayong araw. Pero sa tabi ay may mga puso ring nawasak. Konti na lang at alam kong babagsak na ang luha na kanina pa niya pinipigilan. The bestman. The guy bestfriend. Nakakatawang isipin na sa kabila ng lahat ay nakuha pa niyang umattend ng kasalang ito. He's so brave unlike me.

Kaya bago pa man nila ako makita ay tumalikod na ako. Nagsimulang lumakad palayo sa mga tao. Suot suot ang salamin upang matakpan ang aking mga mata. Mga matang magdamag umiyak. Mga matang siya lamang ang nakikita. Mga matang kahit kailan ay hindi niya magawang titigan.

Sa pagtalikod kong ito alam kong wala na 'tong balikan kagaya noon. Kagaya noong una ko siyang iniwan para unahin ang sarili ko. Kasi ngayon alam kong masaya na siya. Kasama ang taong dati pa man ay pinapangarap na niya.

Dito naman ako magaling eh ang umalis at tumalikod. Lalo na kapag alam kong hindi ko na kaya. Kapag alam kong kailangan kong isalba ang sarili ko. Ito kasi ay mas madali kesa harapin ang mga bagay na alam mong masasaktan ka lang. Kaya habang maaga pa umalis ka na kesa makulong ka sa isang bagay na sa huli ay madudurog ka.

One step closer. Sobrang lapit ko na. Kaso bigla akong natigilan. That one word. Ganiyang ganiyan ang salitang ginamit niya noon. Ang salitang madalas kong marinig lalo na at alam kong matutulungan ko siya habang ako ay lubog na lubog na. Ang salitang hanggang ngayon ay pinapamukha sa'kin ang isang katotohan na kahit kailan ay mananatili lamang akong ganoon. Na hanggang doon lamang ako. One simple word that easily can break me apart.

"You came bestfriend."

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon