Labing isa

133 3 0
                                    

The best way to do this act well is to be friends with each other. Kaya bago pa man ako ihatid ni Charles sa bahay ay nagkwentuhan muna kami sa isang coffeee shop.

"Oh alam mo usual order ko?" Pagtatanong ko matapos niyang ilapag ang inorder niyang kape at hibiscus tea.

Umupo muna siya bago sumagot. "Who wouldn't know? Eh tambay ka madalas sa café sa tapat ng campus nung College at isa lang lagi mong inoorder." Aniya saka ininom ang kape niya.

Tumaas lang ang kilay ko sa kaniyang sinabi. "So who's the unlucky girl Mr. Calderon?" Pang iinis ko sabay inom ng HT ko.

"Sheena Tuazon." Walang emosiyon niyang sagot.

"Oh. The great Sheena Tuazon of College of Business. Maganda 'yun ah. Bakit ayaw mo?" Natatawa kong tanong.

"She already had a boyfriend." Panimula niya. "And it's my bestfriend. Ayokong saktan ang bestfriend ko so I have to save them to have a broken heart." Kibit balikat niya.

"Wow. Heroic act." Pumalakpak ako ng mahina.

"Ikaw bakit ka pumayag?" Tanong naman niya habang nakataas ang kilay.

Uminom muna ako saglit bago sumagot. "Simple lang. Like your reason. Fixed marriage sucks." Kibit balikat ko.

Nag-apir kami at saka nagtawanan. Ihahatid na sana niya ako nang makaramdam kami pareho ng gutom kaya naisipan naming kumain muna sa tapat na resto nitong coffee shop.

We just ordered light meal. Habang nag-aantay ng order ay nagkwentuhan ulit kami.

"How's Spain?" Tanong niya.

"Ayos naman. Mas masaya nga doon kesa dito." Pagbibiro ko. "Ikaw? Kamusta naging buhay mo dito?" Balik tanong ko.

"Same old. Same old." Tumigil siya at tila nag-isip. "When Salt played with my feelings... I became the better version of myself." Nakangiti siya habang nagke-kwento. "But honestly, I should have tried harder when I pursue you before."

Ngumiti lamang ako at laking pasalamat na dumating na ang order namin. I really feel awkward when the topic is like that. We ate silently and since the night is still young, we ordered dessert. Two blueberry cheesecake for the both of us.

"Happy tummy for me." Masaya kong usal nang papalabas na kami ng resto habang tinatapik tapik ang tiyan ko at natatawa.

Nakangiti siyang lumingon at saka nagsalita. "Now I know where to bring you everytime."

Ngumiti lang ako bilang tugon. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kaniyang sasakyan bago siya umikot at sumakay. "So saan ko ihahatid ang aking... 'girlfriend'." He said while quoting the word girlfriend.

Hinampas ko siya sa kaniyang braso at saka umiling. Tumingin muna ako sa aking relo bago sumagot. "It's still early. Hmm... road trip?"

"Sorry pero.... Iuuwi muna kita ngayon tapos sunduin kita bukas para diyan sa plano mong road trip." Paumanhin niya.

Bigla akong natahimik at napatungo kaya nagsalita muli siya. "I just don't want to have a bad impression to your parents. Malay mo..." Hindi ko na narinig ang mga huli pa niyang sinabi.

Maganda ang gising ko kinabukasan. Naligo na agad ako at nag-ayos. Plano kong tapusin ngayon ang pinipinta ko kahapon. Pero lahat ng ngiti ko sa mga labi ay naglaho ng makarating ako ng dining. Greg and Jordie were here and joining my family in breakfast. Humalik muna ako sa pisngi nila mom and dad bago ako nakareceive ng tawag.

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon