Isa

414 8 0
                                    

"You came bestfriend."

Kahit ang sakit at ang hirap ay pinilit kong lumingon. I plastered a smile. One fake smile that can save me from this life and death situation.

"Of course. I won't miss this."

One big lie. Ayoko naman talagang magpunta kaso ang makulit kong sarili ay kailangan ng closure. Closure para sa masakit na pag-ibig gaya nito.

"By the way congrats." Dagdag ko pa kahit pilit na pilit ang aking mga ngiti.

"So see you at the reception?" Nakangiti niyang mga tanong.

"Uhm. Sige."

"Alright then. Namiss kita." Yakap niya sa akin bago ako iniwang nakatunganga.

Pwedeng pamura lang ng isa? Shit. Bakit pa kasi ako nagpunta dito. Dali dali akong naglakad at pumasok ng aking sasakyan. Ghad! Buti na lamang at hindi ko hinubad 'tong salamin ko. Kung hindi naku.

Sinapok ko ang aking sarili dahil sa katangahan.

"Bakit naman kasi nagpunta ka pa ha. Alam mo namang game over na 'di ba. Naku. Pagkatanga mo talagang babae ka. Kahit kailan."

Para akong tanga na kinakausap ang aking sarili. Buti na lamang at heavy tinted ang kotse ko kung hindi ay pagkakamalan akong baliw ng mga tao sa labas. Naku. Ano ba naman kasi 'tong pinasok ko. Tch.

Inayos ko ang sarili. Nag retouch ako para kahit papano ay matakpan ng concealer ang pamamaga ng aking mga mata. Hingang malalim then smile. Nang matapos ay pinatakbo ko na ang aking sasakyan at nagpunta kung saan ang reception.

Pwede naman akong umuwi na lang 'di ba? Pero bakit nga ba ako nandito. Una, kasi tanga ako. Panghuli, kasi masokista ako. Can you feel the sarcasm there self? Ghad.

Kaso bago pa man ako makalabas ng sasakyan ay hindi ko na kaya. Sino bang niloloko ko ha? Kitang kita ko dito sa labas kung gaano sila kasaya. Alam ko. Sa tagal kong kakilala ang taong iyan alam na alam ko kung kailan siya masaya o hindi. Sobrang kabisado ko.

So being my weak self. I drove away. I can't take it. Ang hirap magpanggap na okay lang. Ang hirap sabihin na ayos lang. Kasi alam kong hindi eh. I know myself better. So I chose to save it again and drove away. This is the closure that I need. Kasi ngayon I'll move on na. Actually this was long overdue already.

I went straight to my so called office. This is my home. Mas makakapag relax ako dito kesa magpunta pa sa kung saang lugar. I actually planned to go to a bar kaso hindi naman ako mahilig mag-inom. Mamaya kung ano pang mangyari sa akin. So that's a big no no for me. This is the safest place that I can run to. Besides may mga finishing touches pa dito sa bago kong personal space na kailangang ayusin. I hit two birds in one stone. Great!

I fixed some areas and painted the wall. Sobrang nakaka-relax talaga para sa akin ang pagpinta. Another art was done. Sobrang bagay na bagay para sa aking working area slash kwarto sa lugar na ito.

I clean myself bago naisipang magpahinga sa couch. Wala pa kasi ang mga ibang gamit kaya magtitiis na lamang muna ako sa couch. Komportble naman ako dito kesa umuwi pa ako. Kukulitin lamang ako ng mga kapatid ko para magkwento. I am still not ready. Wala pa akong lakas ng loob after nung encounter kanina. Maybe tomorrow I'll pay a visit. Besides alam naman nilang nandito na ako. I just need an alone time for now.  Hindi naman siguro masama iyon 'diba?

"Yes hello?" I immediately answered the call.

"Ateeeeeee."

Agad akong napatingin sa caller ID ng tumawag.

"Oh my ghad Sugar. Plano mo bang basagin ang eardrums ko?" Iritable kong tanong.

"Namiss ka lang po. Hindi ka kaya nagpasundo sa amin nung nakaraan." Tila nagtatampo niyang sambit habang natatawa.

"Where are you?" Pag-iiba ko ng usapan dahil sa maingay na paligid sa background.

"I am telling you Sugar Fuentes umuwi ka na....Or else susunduin kita kung nasaan ka man." Pagbabanta ko at halata ang iritasyon sa aking boses.

"Hey akin na 'yan." Rinig ko sa kabilang linya na tila nag-aagawan.

"Hi there ateng matamis. Can you go here? She's wasted." Ani ng boses lalaki.

"Hoy kung sino ka mang lalaki ka! Don't you dare touch my sister or else I'll kill all of your organs na nagpapasaya sayo! I am telling you! Tell me the details now or else puputulin ko ang kaligayahan mo." Pagbabanta ko.

"Still the feisty ate." Aniya sabay baba ng tawag.

Inis na inis ako. Hindi lang dahil sa nasa bar ang kapatid ko kundi dahil binabaan niya ako ng tawag at tinawag niya kong ate? How dare him! Magtutuos kami ng lalaking iyon makita niya.

After five minutes I received a text message coming from an unknown number telling me the details of their exact location. Meaning pati area kung nasaan sila sa loob ng bar. Sobrang complete details. Natakot ata sa pagbabanta ko kanina.

Kahit na inis na inis ay dali dali akong umalis at mabilis na pinaandar ang aking sasakyan. Buti nalang I am around the area.

Usok. Ingay. At amoy ng alak. 'Yan ang mga bumungad sa akin nang makarating ako sa bar. I've been here when I was in College. Twice siguro pero hindi talaga ako sanay magpunta sa mga lugar gaya nito. Nakakapunta lamang ako sa ganito kapag kasama ko ang mga pinsan at kapatid ko. I really don't like crowded area like this.

I went straight to the VIP area kung nasaan sila.

"Akalain mo nga naman. Ganito pala tayo ulit magkikita Sugar!" Inis kong bulyaw nang makarating ako sa puwesto nila.

"Ate naman!" Protesta niya habang nakapout. Oh c'mon sister that won't afffect me.

I don't see any familiar face. Ni hindi ko kilala kung sino ang mga kasama ng kapatid ko. Mukang mga lasing na rin sila dahil halos hindi nila naramdaman ang pagdating ko at wala silang pakiaalam sa paghatak ko sa kapatid ko.

"Let's go." Hatak ko dito.

"Ate wait. Inaantay ka kasi niya.... teka lang." She's mumbling kaya hindi ko naintindihan ang iba niyang sinabi.

"Huh? Nino? Don't make an excuse. Hindi porket twenty-three ka na at working na ay nagpupunta ka sa mga ganitong lugar. You're still a kid Sugar. Stop being pasaway." Pagalit ko rito habang patuloy ang paghatak sa kaniya.

Medyo mabagal ang lakad namin dahil sa lasing na kasama ko kaya bago pa man din kami makaalis sa linya ng VIP area sa bar ay may biglang humawak sa balikat ko.

"Don't move." Aniya.

The voice seems familiar. Oh tanda ko na. Siya 'yung lalaki sa phone kanina. Lilingunin ko sana siya kaso naramdaman ko ang pagdaan niya sa gilid ko upang mapunta sa harap ko. He's now facing me. I can't see his face clearly dahil sa ilaw at dahil sa lasing na hawak ko.

"Ako na 'yung nag adjust. Alam ko kasing mahilig kang umalis agad. Namiss kita Tamis. I missed you so much Sweet." He said then hugged me.

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon