Anim

151 4 0
                                    

Present time

Nagbabad ako ng oras dito sa aking unit. Inayos ko lahat ng mga gamit. Kahit 'yung mga dineliver ay pinagpalit palit ko ng puwesto hanggang sa makuntento ako. Nag order lang ako ng pizza kanina para makain. Hindi ko na namalayan ang oras. Sa sobrang pagod ay nakatulog pala ako. Nagising na lang kasi ako na gabi na pala.

Wala akong planong umuwi kaso 'pag check ko ng cellphone ko ay puro messages coming from Sugar na nandoon na raw ang kotse ko. If I know gusto niya lang makuha itong kotse niya. So I immediately left my office to go home.

Pero kung sineswerte ka nga naman. Iyong taong ayaw na ayaw mo makita eh iyon pa ang sasalubong sayo.

"Sweet." Sambit niya.

Tinignan ko lang siya without showing any reaction. I kept my stoic face.

"Uhm.." Pag aalinlangan niya at halatang hindi siya mapalagay. "Can we talk?" Tanong niya habang sa baba nakatingin.

"About what?" Masungit kong tugon habang nakataas ang kilay.

"About me being the bad sister before." Nahihiya niyang sambit.

"Save it for yourself Salt." I paused. "Jorge explained it to me before. Besides wala na rin namang mangyayari 'di ba? You already hurt me so many times that I lost count." Tumigil ako panandali at saka tumawa. "It's too late for you to be sorry. Wala 'yun sa personality mo. Stop your acting. I know you better." Tinapik ko ang pisngi niya at saka siya iniwan doon.

Dumiretso ako sa kwarto ko upang maligo at magpalit ng damit. After that I went to Sugar's room to get my car keys. Wala siya sa kwarto niya kaya iniwan ko na lang din doon ang susi ng kotse niya. Kinuha ko ang kotse ko at saka sinimulang magdrive.

I don't know where to go. Masiyadong boring dito sa Pinas. Most of my friends were not here. Konti lang naman kasi ang friends ko dito. Nakakatawa. Iyong mga friends ko nga pala dito ay matagal ko ng hindi tinuturing na kaibigan. It's true that your best of friends will be your worst enemy.

I am roaming around BGC nang may makita akong pamilyar na built ng tao. Itinigil ko muna sandali ang kotse para icheck kung siya nga ba 'yung kakilala ko. Nakaupo siya sa tabi ng kalsada at mukang wasted. Alas dose pa lamang ng gabi pero lasing na lasing na ang itsura niya. Kailan pa naging lasinggero ang taong ito?

Bumaba ako sa kotse at tinapik siya. "Hey."

"Am I dreaming?" Aniya habang namumungay ang mga mata.

Tinry niyang tumayo at halos matumba tumba siya kaya inalalayan ko siya. Isinakay ko siya ng kotse. Tumigil ako sandali sa isang coffee shop para bumili ng kape.

"Hey. Drink this up young man." Tapik ko sakaniya nang makabalik ako sa kotse.

"Uhhh." Ungol lang ang sagot niya kaya idinikit ko sa pisngi niya ang mainit na paper cup dahilan para mapamura siya. "Shit."

Ngumiti lang ako at iniabot sa kaniya ang coffee. Tahimik kaming uminom ng kape. Walang bumabasag ng katahimikan hanggang sa matapos kaming uminom ng kape.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ko habang sa kalsada nakatingin at sinimulan na ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Naramdaman kong inayos niya ang sarili sa puwesto niya at humarap sa akin. "Ikaw saan ka nakatira ngayon?" Balik tanong niya.

Lumingon ako sakaniya saglit at napatigil dahil nakita kong nakatitig siya sa akin. Thanks to red light dahil kung hindi ay nabangga na kami.

"Just answer my question. Saan kita ihahatid? Sa inyo ba? Doon ba sa dati?" Dire-diretso kong tanong.

"Stop right there." Bigla niyang sambit.

Naguguluhan man ay itinabi ko ang kotse sa gilid ng kalsada bago siya hinarap. "What? Bakit mo pinatigil?"

"Wala lang. I don't want to go home yet. Balik tayo sa bar?" Anyaya niya dahilan kung bakit napataas ang kilay ko.

"Lasing na lasing ka na nga gusto mo pang bumalik doon. Since when ka pa nanging lasinggero ha bata?" Ngisi ko sakaniya. Napansin ko ang pag simangot niya dahil sa sinabi ko.

"Bata? Bata pa rin ba ang tingin mo sa akin ngayon Sweet?" Naiinis niyang tanong.

"Yeah. Still the same old baby Jordie that I used to know." Ngisi ko. "Nasaan na 'yung Ate Tamis? You used to call me that." Pang iinis ko pa.

"Psh. You talk to me as if nothing happened in Spain." He suddenly paused. "What's wrong with you?" Halata ang iritasiyon sa mukha niya.

I was shocked for a moment pero naka recover din ako agad sa sinabi niya. "Wala naman talagang nangyari 'di ba? Sinamahan mo lang naman 'yung kuya mo para magkausap kami. Para bumalik 'yung pagiging magbestfriends namin." I said while ignoring the hurt that I am feeling.

"Lie to yourself." Tumitig siya sa akin bago patuloy na nagsalita. "We both know what happened there." Pumikit siya panandali at halatang pinipigalan ang inis. Same old Jordie. Laging pinipigilan ang emosiyon.

"Naaalala mo pa? Sige nga ikwento mo nga." Tinawanan ko siya at saka bumaling sa bintana.

Nagulat ako nang hampasin niya ang dashboard ng sasakyan. "Until when will you ignore me Sweet? Kailan mo ako makikita bilang isang Jordan at hindi bilang isang bata lang?"

"Until you stop doing that." Baling ko sakaniya habang pinipigilan ang halo halong emosiyong aking nararamdaman.

"Stop what? Loving you?"

Hindi ko alam pero tila may sariling buhay ang aking mga kamay kaya nasampal ko siya. "Loving me? Nagpapatawa ka ba? Hindi porket muntik nang may mangyari sa atin sa Spain ay sasabihin mo ng mahal mo ko. That's bullshit." Nanginginig kong sambit bago sinimulan ulit ang pagmamaneho.

"Now tell me kung saan kita ihahatid. Stop your nonsense talking and tell me where you live." Dagdag ko pa.

I want to tell him to leave my car pero alam kong babalik siya ulit sa bar kaya mas ayos na ihatid ko siya kesa hindi ako patulugin ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano kung saan siya nakatira. Because he's living next to me. 'Yung kwartong katabi ng office slash condo unit ko ay sakaniya. What a small world!

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon