Naging sobrang busy namin pareho ni Charles sa kaniya-kaniya naming buhay. Pero nagkikita pa rin kami tuwing gabi at weekends or 'pag hindi talaga kaya facetime facetime nalang. He's working now for a big project kaya inintindi ko nalang. Magkikita kami ngayon kasi aalis siya bukas papuntang Singapore para doon sa project na ginagawa niya. Ilang araw lang naman siya doon kaya wala namang kaso sa'kin. Besides it's work naman saka marami rin akong ginagawa para sa exhibit ko next month. Isasabay ko kasi 'yung exhibit sa anniversary nitong art gallery.
"Ayaw mo ba talagang sumama?" Bungad nito sa akin matapos naming makasakay ng sasakyan niya.
"Hindi na. Ayos lang. Inaayos ko rin kasi 'yung para sa exhibit." Ngiti kong tugon dito.
"Saka ilang araw ka lang naman doon 'di ba? Magkikita naman tayo pagkauwi mo." Dagdag ko pa.
Dumiretso kami dito sa unit niya para makapag-lambingan bago siya umalis bukas.
"What do you want for dinner?" Lambing ko dito.
"Carbonara baby." Aniya habang yakap yakap ang bewang ko.
Nagluto lang ako ng carbonara at garlic bread para sa hapunan. Yakap yakap ako ni Charles habang nagluluto ako. Kahit nung kakain na kami ay sobrang sweet namin sa isa't isa.
"I'll miss you baby." Lambing nito matapos niyang mahiga sa tabi ko.
"Ako rin naman. Uuwi ka rin naman agad. Saka 'wag kang mambabae doon ha. Bahala ka diyan. Sige ka." Yumakap ako sa kaniya at inamoy amoy ang leeg niya.
"Mas natatakot nga ako sa mga lalaking umaaligid sa'yo. Don't worry about me baby. Never naman akong tumingin sa iba. Sobrang mahal kaya kita." Aniya habang nilalaro ang buhok ko.
"Basta behave ka do'n ha. Tapos mag-iingat ka. Then kain ka on time. Tamad tamad mo pa namang kumain 'pag busy ka. Then tell me kung tatawag ka or what ha. Iiwanan kong online 'yung phone ko." Paalala ko dito.
"Yes po baby. Ikaw din ha mag-ingat ka dito. Then iwasan mo muna 'yung kapatid mo habang wala ako. Baka kung saan ka ayain eh." Aniya habang natatawa.
Bigla akong napatingin sa kaniya. "Don't worry. I'll be a good girlfriend po."
Yumakap ulit ako sa kaniya. Natulog kaming magkatabi at naglambingan. Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil maaga ang flight niya. Hinatid niya lang ako sa bahay bago siya tumulak papuntang airport. Hindi na siya nagpahatid sa akin dahil baka daw mahirapan lang siyang umalis.
Maayos naman ang lahat ng nasa Singapore si Charles. Madalas kaming mag-video call lalo na 'pag tapos na ang work niya o kaya ang meeting niya. But I feel that something is wrong. Parang may nag-iba sa kaniya. Mas nakumpirma ko iyon nang makauwi na siya.
"Hi baby." Malambing kong bati dito matapos niyang makauwi. Hinalikan lang niya ako at saka kami tahimik na naglakad.
"Pagod?" Tumango lang siya.
"Sleep over?" Ngiti ko dito nang makasakay na kami ng kotse.
"Will have an early meeting tomorrow. Maybe next time?" Walang gana niyang sagot.
"Uhm... okay. I'll just cook you a food then uwi nalang ako after."
Nagbyahe kaming tahimik. Seems like parang ibang Charles 'yung kasama ko. He's acting strange at parang hindi siya masaya na kasama ako. Siguro pagod lang siya kaya I just shrugged the thought.
Ilang araw at linggo ang lumipas na tila wala akong boyfriend. Walang text o kaya tawag mula kay Charles kaya sa inis ko ay pinuntahan ko na siya sa opisina niya.
Nginitian ko lang ang secretary niya at tila alangan itong ngumiti pabalik sa akin. Nang nasa malapit na ako sa pinto ng opisina niya ay rinig na rinig ko dito mula sa labas ang tawanan. Wow naman. Ang happy naman pala.
Kumatok lang ako ng ilang beses at saka pumasok.
"So uhm. Surprise." Walang gana kong sagot at nagpatuloy maglakad sa loob.
Gulat na gulat siya nang makita ako. Pati na rin ang babaeng kaharap niya at katawanan kanina.
"What are you doing here?" Nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Paying a visit?" I sarcastically said.
"Uh. Hi Sweet." Awkward na sabi ng babae.
"Hi there Sheena." Tipid kong ngiti.
Lumapit ako sa table ni Charles at inilapag ang invitation para sa art exhibit ko. "Punta ka kung tayo pa. Pero kung hindi na. Ayos lang." Tumawa ako ng peke.
"Sorry isa lang 'yung dala ko. Punta ka din kung gusto mo." Baling ko sa katabi nito.
"So. Pa'no. Alis na ko. Sorry sa abala. Tuloy niyo na tawanan niyo. Sorry for intervening." Nilagyan ko ng bawat diin ang mga salita bago umalis.
Alam ko namang hindi niya ko susundan. Sobrang kabisado ko na. Kaya kalmado lang akong naglakad hanggang sa makarating ako dito sa kotse ko. Gustuhin ko mang magmadali kanina ay hindi ko magawa. Sobrang nanginginig ang buong katawan ko at nanghihina.
Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa naisipan kong itabi ang kotse ko sa isang gilid. Tinawagan ko ang secretary kong si Alena para sabihing hindi na ko makakabalik sa art gallery at kung sakali mang may maghanap sa akin ay sabihing umalis ako. Matapos kong tawagan si Alena ay tinawagan ko ang kapatid kong si Salt. Isang ring palang ay sinagot na niya ito.
"Oh Sweet bakit?" Gulat nitong tanong sa kabilang linya.
"Where are you?" Nanghihina kong balik tanong dito.
"Office. Working kunwari." Tawa niya.
"Busy?" Naiiyak kong tanong.
"Hindi naman. Bakit ba? Kinakabahan ako sa'yo ha. Hindi ka naman mahilig tumawag. Anong problema?" Halata ang concern sa boses nito.
"Samahan mo kong uminom. Let's get wasted." Tumawa ako ng peke habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.
"Hala. Tell me where you are." Tarantang sambit nito.
"Sunduin na lang kita. Malapit lang ako sa office niyo. Be there in five." I said before hanging up.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya matapos niyang makasakay ng kotse ko.
"Wait. Palit tayo. Ako na magmaneho." Aniya saka muling lumabas kaya umikot na rin ako para lumipat ng upuan.
Sinabi ko sakaniya lahat ng nangyari kanina pati na rin nung nasa Singapore si Charles.
"Did you already talk to him?" Tanong niya matapos akong abutan ng tissue at tubig.
"Hindi na siya nagparamdam. So I guess 'yun na ang sagot. Tapos kanina wala naman siyang sinabi. Sabi niya lang why are you here. Ang sakit sakit Salt. Ano 'yun walang explanation? Walang kahit ano? Gaguhan lang?" Muli na naman akong naiyak.
"Don't worry. We'll make sure na pagsisihan niya 'to." She said then started driving.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet (COMPLETED)
General FictionFuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter love story.