Kinabukasan ay maaga kong dinalaw si ate Spice sa ospital. Isasama ko dapat si Charles kaso may meeting siya. Masiyadong busy ang taong iyon lalo na ngayon na siya na ang halos namamahala ng kumpanya nila. At hindi naman porket boyfriend ko siya ay lagi ko siyang aabalahin para sa mga lakad ko. We still have our own life. We just inform each other about our whereabouts for today.
I am already starting the engine of my car when Charles called. "Babyyyyy....." Malambing nitong bungad kaya bigla akong napangiti. "Saan ka na niyan?" Tanong nito.
"Car. How about you?" Balik tanong ko dito.
"Office.... mag-ingat ka ha. Text me when you get there." Kahit kailan talaga ay napaka lambing ng taong ito.
"Yes po baby." Hagikhik ko. "Ikaw din ingat ka diyan at 'wag kang pakapagod." Paalala ko dito.
"Awww. Ang sweet naman ng baby Sweet ko." Tawa nito pero biglang lumungkot ang kaniyang boses. "As much as I want to talk to you... my meeting will be in five minutes. Just text me okay. I love you."
"Yes po boss. I love you too. Don't over work. Sige na. Bye bye." Paalam ko dito at saka ibinaba ang tawag.
Bago ko pa man ilagay sa bag ang cellphone ko ay nakatanggap ako ng text mula sa kaniya.
CC
Baby. I forgot to give my kiss to you. Sending lots of hugs and kisses.Napa-iling na lang ako dahil sa text niya. I just replied him "Silly and a kiss emoticon" then started driving.
Nagtext ako kay Charles na nasa ospital na ako nang makarating ako dito. Dumiretso agad ako sa kwarto ni ate Spice at nadatnan ko na kakatapos niya lamang magpadede ng kaniyang anak.
"Kamusta?" Tanong ko dito matapos lumabas ng nurse na naka assign sakaniya.
Umiwas siya ng tingin. "Ayos naman."
"Nagkausap na ba kayo?" Muli ko pang tanong dito.
"Kagabi. Nag-usap lang kami tungkol sa bata." Walang emosiyon nitong sagot.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin ate?" Naglakad lakad ako sa loob ng kaniyang kwarto. "Kung nagkataon... ikakasal ako sa ama ng anak mo." Dagdag ko pa.
Ilang sandaling katahimikan bago siya nagsalita. "Kasi ayoko... kasi galit ako. Hindi ko matanggap sa sarili ko na may nangyari sa'min... na hinayaan kong may mangyari sa'min. Iniwan ako Sweet. Iniwan ako ng boyfriend ko dahil sa kaniya... iniwan ako ng boyfriend ko since College." Aniya at halatang umiiyak siya dahil sa boses niya.
"Tapos hahayaan mong mawalan ng ama ang anak mo kung nagkataon dahil sa galit mo?" Inis kong tanong dito. "Gaya ng hinahayaan mo lang lahat ate. Kahit maging secret girlfriend ka sa mahabang panahon. Alam mo... ayos na din na nabuntis at nagkaanak kayo ni Greg. Atleast nakawala ka na sa relasyon mo noon na ginagawa ka lang tanga. Nasaan na 'yong laging nag-iisip na ate namin? Hindi ko man alam lahat ate pero kahit nasa Spain ako alam ko ang ibang nangyari. Greg became my friend. At hindi ko 'to sinasabi sayo dahil kaibigan ko siya. Sinasabi ko 'to dahil may anak ka na ngayon. Every decision you'll make ay may maaapektuhang bata." Mahaba kong sambit dito.
"So what do you want me to do? Tanggapin na lang basta si Greg kasi may anak na kami? I still hate him for those things that happened. I still hate him." Aniya sa papahinang boses.
"I'm not in the position to answer that ate. I just want you to think first before having any decision. And think for your child." Lumapit ako dito at hinawakan siya sa kaniyang kamay. "I know that it's hard to just forgive someone especially when he's the reason why you're hurting. Kahit ano mang maging desisiyon mo ate... always remember that we're here... tutulungan ka namin. 'Wag mong hayaan at isipin na mag-isa ka lang. Kasi masakit ate... kaya hayaan mong may tumulong sa'yo." I said then kissed her in the cheek.
"Alis na 'ko. Tawagan mo lang ako o kami 'pag kailangan mo ng kausap." Tumalikod na ako at sinimulang maglakad.
I drove away from the hospital and decided to visit someone. Dumaan ako sa isang food house bago magpunta dito. I decided to go here since wala naman akong gagawin. Nakapag hire na ako ng tao para sa art gallery ko para magbantay doon. Siguro pupunta ako doon mamaya o kaya bukas. Nailipat na rin naman kasi ang mga painting ko kaya hindi naman kailangan na lagi akong nandoon. So I decided to go here. Simply because I want to see him. Oh yeah. Being inlove sucks sometimes.
Dumiretso na agad ako sa opisina niya since nasa meeting pa 'yon for sure. Inihanda ko sa mesa ang mga dala kong pagkain. Kahit hindi pa kami ganoon katagal na nagkakasama ay alam kong hindi mahilig kumain sa labas ang isang iyon. Madalas lang siyang magpabili sa secretary niya o kaya aayain akong kumain. Kaya sa ilang buwan kong madalas kausap at kasama si Charles ay nakabisado ko na ang ugali niya.
Tinakpan ko muna ang mga pagkain matapos kong ayusin ang mga ito sa mesa niya. Buti na lamang at may maliit na mesa dito kung saan pwedeng kumain. Naupo ako sa couch at nag-antay. Hindi ko namalayan ang oras at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naramdaman ko na lang kasi na may humawi ng buhok sa mukha ko.
"Sorry nagising kita." Aniya.
"Uhm. Hi. Surprise." Nahihiya kong sambit dito at saka umayos ng upo.
Nagulat ako kasi bigla nalang niya akong yinakap. "I missed you baby. Thank you for going here. Sobrang stressful kanina nung meeting. Buti na lang at nakita kita agad." Malambing nitong sabi.
I hugged him back. "I brought food. Initin ko lang then kain na tayo. It will make you feel alot better."
Kumalas siya ng yakap at biglang tumayo. "Ako na. Let me serve my queen." He said then winked at me.
"Then let me help my king." Nilapitan ko siya at tinulungan.
Matapos naming initin ang mga pagkain ay sinimulan na naming kumain. Nagkulitan lang kami hanggang sa pagkain dahil 'pag sinusubuan niya ako ay sinusubuan ko lang din siya. Kaya medyo natagalan bago kami natapos dahil sa panay kaharutan ni Charles.
"May meeting ka pa ba mamaya?" Tanong ko dito matapos naming ayusin at linisin ang pinagkainan namin.
"Wala na. I'll just review some of the new designs. Bakit?" Aniya nang makaupo na siya sa harap ng mesa niya.
"Wala naman. Pwedeng pa'stay dito?" Nahihiya kong tanong bago maupo sa couch.
"Ayoko nga. Lakas mong maka-distract. Punta ka na lang sa gallery mo." Biro nito.
Sumimangot ako. "Tinataboy mo ba 'ko?" Malungkot kong sambit. "Ayaw mo na ba agad sa'kin? Gusto lang naman kitang makasama eh." Dagdag ko pa.
Nilapitan niya ako at biglang kinandong. "Bakit hindi kita matiis?" Palatak niya. "Gusto mo bang maglambingan at magharutan lang tayo maghapon?" Bulong nito.
Naramdaman kong hinihipan niya ang tainga ko. "Joke lang kasi. Alis na nga ko. Magwork ka na. See you when I see you na lang." Tumayo na ako bigla at tila nagtatampo. "Bye na." Hinalikan ko siya sa pisngi niya at saka tumakbo palabas.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet (COMPLETED)
General FictionFuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter love story.