Apatnapu

139 3 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Pareho kaming busy dahil sa wedding preparations na ginagawa namin. Laking tulong lang din na may wedding coordinator para asikasuhin ang magiging kasal namin. Sobrang excited lahat ng tao sa paligid namin kaya kahit busy ay hindi kami gaanong pagod. Paano naman kasi si mom at mommy Jandra ay sobrang hands-on sa lahat ng pwedeng asikasuhin at gawin para sa kasal. Mukha ngang mas excited pa sila kaysa sa amin.

"Ate Spice... Light will be the ring bearer ha. Little groom sana kaso sa kasal niyo nalang." Inirapan ako nito bigla at saka umalis.

"Problema no'n?" Baling ko kay Salt sa tabi ko.

"Siya ngayon ang naghahabol. Pabebe kasi masiyado si ate kala mo nineteen years old palang." Natatawang sambit nito. "Papahabol 'yung friend mo. Nasa ibang bansa. Mga ilang buwan na. Nagbakasyon kasama si Light. Uuwi lang ata sa kasal mo." Dagdag pa nito nang makitang tila nagtatanong ang mukha ko.

"Sabi may bago daw girlfriend?" Singit naman ni Sugar sa usapan namin.

"Pustahan wala 'yun. Bago kotse mo 'diba?" Ngisi ni Salt kay Sugar.

"Oo bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"Pustahan tayo. Dalawang buwan lang may bago na namang magpropose dito sa bahay." 'Yung ngiti ni Salt ramdam kong may hindi magandang naiisip.

"Sino si Kuya Greg ba?" Kunot noong tanong ni Sugar.

"Oo. Dalawang buwan lang. Next month sa kasal nitong si Sweet kasama na si ate pag-alis ni Greg. Tapos another month naman magpopropose si Greg. Another month pa buntis na ulit si ate. Pero bago 'yun itong si Sweet buntis na. Hindi pa lang niya alam." Nag tinginan kami bigla ni Sugar.

"Wala naman tayong lahing manghuhula 'diba?" Saad ko dito.

"Osige payag ako. Kapalit 'yung isa mong kotse ha. 'Yung matagal ko nang hinihingi sa'yo." Biglang pagpayag ni Sugar.

Ngumiti ulit si Salt. "Pero bago 'yun. Mag PT ka Sweet. 'Pag tama ako, akin na 'yung Audi mo hindi mo na naman ginagamit."

Si Salt pa mismo ang bumili ng PT at dali dali kong tinry dito sa CR. "Sweet." Pagtawag ni Salt sa labas.

Nilahad ko sakanila ang PT sa harap ko matapos kong lumabas. "Nice one. Yari kayo kay dad." Natatawang sambit ni Salt.

"How did you know? Sumapi ka na ba sa kulto at naging manghuhula na?" Naguguluhang tanong dito ni Sugar.

"Simple lang. Madalas akong katukin niyan tuwing gabi para lang kumain ng apples at chocolate na tunaw. Hindi naman 'yan mahilig sa matamis. Chocolate is the biggest enemy of Sweet. How come na kakain siya nito? Sobrang weird pati na tutunawin niya 'yung chocolate tapos isasawsaw ang apples." Ngiting tagumpay ni Salt. "Sa tantsa ko wala ka pang isang buwan na buntis... kasi 'diba nito ka lang naman umuwi at dito na natutulog. Three points si Josh ah." Dagdag pa nito habang natatawa.

Nagulat na lang ako nang ilahad nito ang kanang kamay niya. "Susi. Audi." Binigay ko sakaniya ang susi at sabay sabay kaming nagpunta sa sala. Laking gulat ko nang makitang nandito si Josh.

"Madam ko." Malambing na salubong sa akin ni Josh sabay yakap.

"Alam na niya?" Baling nito kay Salt.

"Oo kanina lang." Sagot naman nito.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Masungit kong tanong dito at saka umupo.

Umupo siya sa tabi ko. "Naalala mo ba kung bakit kita pinilit umuwi dito sa inyo?" Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Oo kasi sabi mo para mas safe ako at para hindi ako mapagod." Sagot ko dito habang nag-iisip. "Saka sabi mo para mabantayan ako nila mom at matulungan. Wait. Don't tell me..." Hinampas ko siya bigla sa braso.

"Kailan mo pa nalaman?" Gulat kong tanong dito.

Tumawa lang siya.

"Siyempre alam niya kasi sinadya niya 'yun." Tumawa rin si Salt. "Lagot ka lang ngayon kay dad. Masiyado kang nanigurado." Iling nito kay Josh.

"Sinong lagot sa'kin?" Biglaang pagpasok ni dad kasama si mom at mommy Jandra.

"Si kuya Josh po." Turo dito ni Sugar.

"Why? Nanigurado ka ba? Gaya ng ginawa nitong dad nila sa'kin." Usisa dito ni mom.

"Hon 'wag mo kong siraan sa mga bata." Tila batang pagmamaktol ni dad.

"Pinakain ng spicy noodles matapos malasing kaya nabuo si Spice." Tatawa tawang saad ni mommy Jandra.

"Seryoso?" Sabay sabay kaming magkakapatid.

Tumango si mom at tumawa. "Oh my! Ayokong marinig kung bakit naging Salt ang pangalan ko." Umalis bigla si Salt.

"Me too. I'm out." Sunod dito ni Sugar.

Aalis na rin sana ako nang biglang magsalita si dad. "Where do you think you're going Sweet?"

"Ah...eh... aalis din po."

"We will talk to the both of you." He said in serious tone.

Umupo kaming lahat ng maayos at magkakaharap. Magkatabi si mom and dad habang nakatayo at hindi mapakali si mommy Jandra at kami ni Josh ay magkatabing nakaupo sa harap nila.

"One month nalang kasal niyo na. What happened?" Concern na tanong ni mom.

"Ano kasi mom..." Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.

"Sorry po daddy Serg and mommy Sol. It's Sweet's fault po talaga." Tumingin silang lahat sa'kin.

"Anong ako!" Hinampas ko 'to sa braso niya. "Hindi naman ako may gawa ah. Gosh." Tinakpan ko ng mga kamay ko ang aking mukha.

And then realization hits me. "Hala sorry mom and dad. Nalasing ako kasi nung bridal shower tapos tinawagan ko si Josh... the rest hindi ko na po maalala." Ramdam ko na pulang pula na ako dahil sa hiya.

"How about you son? What else did you do?" Usisa dito ni mommy Jandra.

"Wala mom. Sinundo ko siya. Kaso lasing na rin ako pero tandang tanda ko po lahat. At si Sweet po talaga ang may gawa." Pilyo itong tumawa.

"Hoy!" Hinampas ko siya ulit. "Pangit mo!" Inis akong humalukipkip sa dulo ng upuan.

"Nandiyan na 'yan. Ikakasal pa rin naman kayo sa susunod na buwan. Manang mana talaga sa'yo ang mga anak mo Soledad." Pang-iinis ni dad kay mom.

"Sergio ikaw 'tong sigurista sating dalawa. Ganda ang namana sa'kin ng mga anak natin pero lahat ng ugali sa'yo." Ganti ni mom dito.

'Yung parents ko nakakatawa. Iniwan namin sila doon nang hindi man lang nila namamalayan. "Hanggang ngayon pala tila aso't pusa pa ring magtalo ang dalawang iyon. Pero panigurado mamaya sweet na naman sila sa isa't isa." Nakangiting saad ni mommy Jandra. "Kaya kayo, tandaan niyo... panahon lang ang lumilipas hindi ang pagmamahal."

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon