Dalawampu't anim

71 3 0
                                    

Lumipas ang anim na buwan ng relasyon namin na sweet pa rin kami sa isa't isa. Nagkakatampuhan pero wala pa naman kaming pinag-awayan na malala. Charles is a very understanding boyfriend. Basta magsabi ka lang sakaniya ay naiintindihan na niya. He trusts me so much kaya gano'n din ang ginagawa ko para sakaniya. That's one of the important keys to keep a relationship... is to trust each other.

"Baby." Bungad ko dito nang tawagan ko siya.

"What's that baby?" Malambing nitong tanong sa kabilang linya.

"Busy ka mamaya?" Tanong ko dito.

"Yup. Why?" Simple niyang sambit.

"Salt is inviting us. She wants to celebrate in a bar." Panimula ko. "She closed a big deal that's why she wants to celebrate." Dagdag ko.

"You have your car with you?" Tanong nito.

"Yes." Simple kong sagot.

"Una ka na mamaya okay lang ba? Susunod ako may tinatapos lang ako." Halata ang pagod sa boses niya.

"Gusto mo bang sunduin kita diyan? Halatang pagod ka eh. We can ditch and just stay in your place." I suggested.

"Baka magtampo ang kapatid mo." Aniya.

"I'll just send a gift for her. She'll understand for sure." Hindi siya sumagot kaya nagsalita pa akong muli. "What do you want for dinner? For sure hindi ka pa kumakain."

"Anything baby." Ramdam ko ang pagod sa boses nito.

"Sige work ka na baby. I love you. Bye bye." I said then dropped the call.

Tinawagan ko si Salt matapos kong kausapin si Charles. Tinatawagan ko siya habang papaalis ng opisina.

"Where are you na?" Tanong nito at may maingay na background sa paligid.

"I can't come. I'm sorry." Sambit ko dito matapos kong buksan ang pintuan ng kotse ko.

"Seriously? You're ditching me? Pero parang nasa kotse ka na. Narinig kong kakasara mo lang ng pintuan ng kotse mo. Don't surprise me Sweet." Aniya at napansin kong humina ang ingay sa paligid nito.

"Hindi talaga ko pupunta. Pero nasa kotse na nga ako. Sobrang pagod si Charles. Ayoko namang ako lang mag-isa ang magpunta. I'll just send a gift. What do you want?" Inayos ko ang wireless earphone ko and started driving.

"Pinagpapalit mo ako sa boyfriend mo Sweet? Ikaw ba 'yan?" Tawa nito sa kabilang linya. "A new painting will do. Send it to my office okay? And no baby muna ha. Wear a protection." Muling tawa nito.

"Gaga ka. Mauuna kang magkaanak bago ako. Mas matanda ka pa rin sa'kin. Sige na. Enjoy your party ha. Don't drink too much baka mamaya baby na laman niyang tiyan mo." Ibinaba ko na ang tawag dahil paniguradong sasagot pa ang isang iyon. Knowing Salt, hindi iyon mahilig magpatalo.

Bumili lang ako ng pagkain sa nadaanan kong resto. Nginitian ko ang secretary ni Charles bago pumasok sa opisina nito. Naabutan ko siyang seryosong nakatutok sa laptop niya. Ni hindi niya namalayan na dumating na ako.

Inilapag ko muna ang pagkain sa maliit na mesa bago naglakad papunta sa pwesto niya. Yinakap ko ito sa likod at hinalikan sa pisngi. "Kain ka muna."

Tumayo siya at yinakap ako ng mahigpit. "Charging. Thanks baby."

Sinabayan ko siyang kumain at hinayaan siyang magtrabaho muli matapos naming kumain. Lumipas ang dalawang oras bago niya naisipang umuwi. "Let's go." Pag-aya niya.

"I'll order pizza and buffalo wings. What else do you want?" Ngiti niyang tanong.

"Bakit anong meron?" Pang-iinis ko dito.

"You said earlier that we'll stay in my place. Kaya nga tinapos ko agad ang work ko. Besides it's friday night. Walang pasok bukas. We can watch a movie and drink beer." He said while wiggling his brows.

"Can we have a cheesy fries? Pwede tayong bumili sa madadaanan natin." Nakangiti kong sambit dito.

"What else does my baby wants?" Akbay niya.

"Anything with cheese." I happily said.

Bumili kami ng cheese flavored chips and ice cream sa nadaanan naming bukas na convenient store. We also bought some beers. Nag-order lang siya ng fries, pizza and buffalo wings since wala kaming nadaanan na bibilhan nito.

Actually this is my first time here in his unit and a first time to sleep together in one place... na kami lang ang tao. "I'll change first. And will take a bath. Ikaw ba?" He asked after we entered his unit.

"I don't have spare clothes." Sagot ko. "But don't worry about me. Sige na ligo ka na." Dagdag ko pa.

May dalawang kwarto sa unit niya. Kulay gray at itim ang loob nito. Gray ang kulay ng paligid at itim naman ang mga gamit dito sa loob. Inaayos ko sa kusina ang mga pinamili namin nang matapos siyang maligo. Dumating na rin kasi ang inorder niyang pagkain kanina.

"Uhm. Ligo na ko." Naiilang kong sabi dito. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya kasi topless siya. Nakita ko na siyang topless noong nasa probinsiya kami pero iba ngayon dahil kaming dalawa lang ang tao dito.

"Nasa kwarto iyong c.r." Aniya at dali dali na akong nagpunta dito.

May nakapatong na isang tuwalya, puting shirt at boxer shorts sa kama sa loob ng kwarto. Kinuha ko lang ang mga ito at saka pumasok sa loob ng banyo. Naligo ako sandali. Since sobrang haba naman ng shirt sa akin ni Charles kaya ito na lang ang sinuot ko.

Lumabas ako at naabutan siya sa may living room, nakaupo sa sahig. Inilipat niya doon ang mga pagkain na inilagay ko sa may kusina kanina. Nag-iwas bigla ng tingin si Charles nang makita ako.

"What movie do you want to watch?" Tanong nito habang sa malayo nakatingin.

"What do you have there? We can just drink and play music. Alam ko namang wala kang movie diyan." Tawa ko dito bago umupo sa tabi niya.

Napakamot siya ng ulo at tumawa. "A music then."

Uminom lang kami at nagkwentuhan. "Kailan ka pa nakatira dito?" Tanong ko sakaniya.

"Since College. Mas malapit ito sa campus compare sa bahay namin at..." Pambibitin niya. "Mas malapit 'to sa inyo." Nahihiya niyang sabi.

"Patay na patay ka talaga sa'kin no!" Tawa ko dito.

"Sino bang hindi? Sweet Fuentes? Dami ko kayang kaagaw sa'yo." He said seriously.

"Kaagaw? Wushu. Jamming ka. Wala nga akong manliligaw nung College." I said while drinking beer.

"Wala daw. Dami dami mo ngang binasted. Sungit sungit mo pa. Laging nakairap, hindi marunong ngumiti. Parang laging galit sa mundo." He said.

"Baka naman hindi ako ang dinedescribe mo. 'Di ba niligawan mo din si Salt dati?" Taas kilay kong tanong dito.

"Did I?" Maang maangan niya. "I make friends with her to be close to you. I didn't know that you have a silent war that time. It's like a torture you know. Akala ko kasi... sabi niya kasi may gusto ka daw sa'kin kaya inisin ka daw namin. We didn't know na lalayo ka lang pala lalo. But you know what... it's better that things happened that way. Kasi kung hindi baka wala ka dito ngayon sa harap ko. Baka hindi kita girlfriend ngayon kung nagkataon."

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon