Umalis si Marga sa pwesto niya at wala ni isang sumunod dito. Lahat kami ay tila nabato sa pwesto namin. Walang gumagalaw at nagsasalita. Tanging tunog ng hangin at paligid lang ang maririnig. Naging tahimik ang gabi hanggang kinabukasan. Kaarawan na ni Lola Lupe pero tahimik pa rin ang lahat.
Naging emosiyonal ang matanda sa simpleng mensahe niya. Niyakap namin siya at kinantahan ng happy birthday. Hanggang maggabi ay tila nagkakailangan ang lahat. Kung hindi pa nagsalita si Rob ay patuloy na maghahari ang katahimikan.
"Iinom pa ba ulit tayo? Pero iinom lang ha. Walang labasan ng sama ng loob." Pagbibiro nito.
Inakbayan siya ni Eli. "Oo inuman lang. Pero kaunti lang ha. Tamang chill lang gano'n."
Sumunod ang lahat sa likod at tahimik na nag-inuman. May manaka-nakang tawanan pero ramdam pa rin ang awkward atmosphere sa paligid. Nang maubos na ang alak ay sinamahan ko si Josh sa kusina upang kumuha ng mga inumin. Iba kasi ang pagiging tahimik niya ngayon. Karaniwan kasi ay makulit siya at madaldal.
"Is everything okay?" Concern na tanong ko dito.
Tipid siyang ngumiti. "Oo naman." Pero hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti niya at agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Mas lumapit ako sakaniya. "You can tell me anything. Isang taon na lagi tayong magkasama. Alam kong may problema. Pero kung ayaw mong sabihin ngayon... ayos lang naman. Just tell me when you're ready."
Aalis na sana ako pero bigla niyang kinapitan ang braso ko. "Natatakot ako Sweet." Panimula niya dahilan upang humarap ako dito. "Ngayong bumalik na siya pa'no na 'ko?"
Pumikit siya ng panandali at tila hirap na hirap sa gustong sabihin. "Alam ko kasi na siya pa rin ang laman niyan." Turo niya sa kaliwang dibdib ko. "Kaya nga hindi mo ko mabigyan bigyan ng chance 'diba?" Tumawa siya ng pagak. "Kasi siya pa rin... hanggang ngayon siya pa rin." Tumingin siya sa'kin at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Umiling ako at tinignan rin siya sa kaniyang mga mata. "Sa tingin mo ba sasama ako sa'yo kung siya pa rin?" Ngumisi ako dito. "Sa tingin mo ba magtitiyaga ako sa kakulitan mo kung siya pa rin? I am not vocal with my feelings Josh pero ramdam mo naman na mahalaga ka sa'kin 'diba... na ikaw 'yung pinakaunang tao na hindi ko kayang mawala sa'kin ngayon. Sa loob ng isang taon... hindi ko naramdaman na naging malungkot ako kasi nandiyan ka. Hindi ko namalayan na isang taon na pala ang nakalipas. Ano naman ngayon kung bumalik na siya?" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. "I don't care anymore now. He used to hurt me. Why would I allow myself to be hurt again? Kung nandiyan ka naman para patawanin ako at inisin araw-araw?" Dumausos ang mga kamay ko at yumakap sakaniya.
"You don't have to worry. Kasi kung papapiliin ako between you and him... I'll choose you. Kasi alam kong hinding hindi mo ko sasaktan gaya ng ginawa niya sa'kin noon."
"Paano kung masaktan kita?" Yumakap siya pabalik.
"That won't happen. Maybe unintentionally. Pero 'yung sasadyain? Malabo 'yun. Alam mo kung bakit?... kasi pangit mo eh." Tawa ko dito.
"Kung dumating man 'yung oras na kailangan mong mamili. Always choose what makes your heart happy. Okay?" Aniya habang nilalaro ang buhok ko.
"And that includes you. Pero kung ayaw mo. Bahala ka. Pangit mo." Kumalas na ako ng yakap dito at saka nagmadaling lumabas.
"Si kuya?" Tanong ni Kat matapos kong maupo.
"Tinatry gumwapo. Masiyado na kasing pangit eh." Pagbibiro ko.
"Sinong pangit?" Biglang sulpot ni Josh sa gilid ko.
"'Yung mabaho po. 'Yung Joshua ang pangalan." Tawa ko dito.
"Okay lang. Atleast... mahalaga sa'yo." Kindat nito at halos pabulong ang mga huling salita.
I just rolled my eyes.
—-
Tatlong araw na ang lumipas nang manggaling kami kina Lola Lupe. Nasa gallery lang ako at may bwisita madalas gaya ngayon.
"What do you want for lunch?" Tanong nito habang nakaupo sa sofa na nasa opisina ko.
"Kakakain lang natin. Nagtatanong ka na agad para mamaya." Pagsusungit ko dito.
"Got bored eh. Just thinking about foods." He shrugged.
"Magtrabaho ka kasi nang hindi ka laging bored." Irap ko dito.
"I have my work you know...." He said while wiggling his brows.
"And what is that?" I asked.
"Be with you most of the time. Sarap mong bantayan at alagaan eh." Ngiti nito.
"Uyyy. Kilig." Hirit pa niya nang hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya.
"Red flag dude. Isa pa. Mainit ulo ko." Pagtataray ko dito.
"Don't me. Anong red flag? Kinikilig ka lang. Umamin ka na." Lumapit ito sa akin at sinundot sundot pa ang tagiliran ko.
"Bakit naman ako kikiligin sa'yo?" Taas kilay kong tanong dito.
"Kasi... ano... mahalaga ako sa'yo." Tawa niya ng malakas.
"Dream on dude. Layo ka nga ng konti mga tatlong building. Hindi ka ba nagsasawa kakapunta dito? Hindi ka naman bumibili panay pa tambay mo dito." I said.
"Libre naman lagi pagkain mo pati ng staff mo. Bakit ayaw mo ba akong nandito?" Tila lumungkot ang kaniyang mukha.
"Kapag sinabi kong oo aalis ka ba?" Pigil tawa kong tanong.
"Osige. Alis na ko. Sabihan mo na lang ako kung gusto mo kong makita." Pagtatampo nito.
"Subukan mong tumayo diyan at umalis." Pagbabanta ko dito pero bigla siyang tumayo. "Isa Joshua Calderon! Sinasabi ko sa'yo. Ihakbang mo lang 'yang mga paa mo." Humakbang siya ng isa. "Don't test my patience. 'Pag umalis ka ngayon 'wag ka nang babalik. Bahala ka. Pangit mo." Inis kong sambit.
"Hindi mo ko hahabulin?" Seryoso nitong tanong.
"Why would I? I won't beg for someone to stay. Kung ayaw edi ayaw. Walang pilitan." Inikot ko ang swivel chair ko at tumalikod. "Sinabihan na kita na 'wag umalis kanina... pero kung hindi ka papapigil... ayos lang. Siguro nga ayaw mo na kong kasama."
Nagulat na lang ako na nasa tabi ko na siya. "Tayo!" Sa gulat ay bigla akong napatayo. "You don't need to say that you want me to be with you. You also don't need to say that I must stay. Kasi kahit ayaw mo na... kukulitin lang kita ng kukulitin hanggang sa mainis ka at hayaan mong makita ang gwapo kong mukha. Besides hindi pa kita napapasagot. Giving up is never an option. You don't have any choice but to deal with my handsome face."
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet (COMPLETED)
General FictionFuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter love story.