Apat

170 6 0
                                    


Inantay ko si Jorge dito sa kanilang kusina habang iniinis ang kaniyang kapatid. Nakakatuwang inisin eh sobrang pikon. Akala ko ba sweet ito pero bakit ang sungit?

"What's wrong baby Jordie?" Tinabihan ko siya nang makitang ito ay nakasimangot.

Tinignan niya lang ako ng masama at saka ipinagpatuloy ang paghahanda ng meryenda. Umupo na lamang ako kesa lalo siyang mapikon. Baka masapak pa ako.

"Oh Sweet what brought you here?" Tanong ni Jorge nang makita niya ako.

"My car." Simple kong sagot na tila normal lang at hindi namimilosopo.

Nakita ko ang pagbungisngis ni baby Jordie kaya kinindatan ko siya. Ngunit ang pabebeng bata ay inirapan lamang ako.

Ginulo ni Jorge ang buhok ko bago tuluyang umupo sa tabi ko. "So bakit ka nga nandito?" Muli niyang tanong.

"Gusto ko lang. Masama ba?" Pagsusungit ko.

"Bakit chocolate cake 'to Jordan? Hindi kumakain si Sweet ng sobrang tamis." Bigla niyang baling sa kapatid niya nang ihain nito ang meryenda. "You already know that 'di ba? I already told you that." Dagdag pa niya.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni baby Jordie. I know that smile. He's trying to annoy me.

"That's okay Jorge. Huwag mo ng pagalitan si baby Jordie baka kasi nakalimutan niya lang." Malambing kong sambit habang nakangiti.

Bigla nalang napatawa ng malakas si Jorge at muntikan pa niyang maibuga ang juice na iniinom niya. "What? Baby Jordie? Did you just had a nickname to my brother?" Bulalas niya habang natatawa.

Kitang kita ko ang pagsalubong ng kilay ni baby Jordie. "Why not? Ang cute kaya. Saka baby pa naman 'yan. Look ang bata pa. Totoy na totoy." Natatawa kong sambit habang sumusubo ng chocolate na inihanda niya para sa akin.

Nang makailang subo na ako ay bigla nalang tinabig ni baby Jordie ang kamay ko at inabutan ako ng tubig. "Stop eating."

Pareho kaming natigilan ni Jorge dahil sa ginawa niya. "That's rude brother." Ani Jorge.

"She's not supposed to eat too much sweet po 'di ba. It will affect her voice and her weight."

Nagkatinginan lang kami ni Jorge at patuloy na nagkwentuhan.

We always talk about things. Lalo na doon sa super crush daw niyang ballerina. It was a Filipina daw kaya he chose to stay here in the Philippines. Ewan ko doon. Inlove ata ang mokong. Nagbaballet din kaya ako naku. Psh. Pero may crush pa daw siyang isa. Liligawan daw niya pag graduating na kami. Ang daming alam.

Naulit pa ang ilang beses kong pagpunta sa bahay nila Jorge. Doon kami madalas mag hangout. Siyempre kasama doon ang kapatid niya na madalas kong inisin at kulitin. Madalas rin kasi siyang makipag asaran pero lagi naman napipikon kaya nakakatuwa. Mas okay na nandito kami sa kanila kesa naman doon ko sila papuntahin sa amin eh nandoon ang kapatid kong maalat ang ugali.

After one sem ay muli kaming nagkita ng kapatid kong asin. Magkalaban kasi kami sa Miss Intramurals. Wala naman sana akong planong lumaban dito kaso ang mga kaklase ko ay pinilit ako besides bibigyan rin ako ng additional points ng Professor ko kapag nanalo ako dito. And I want to prove to Salt na hindi lang ako nakilala dahil kapatid ko siya. Ang hirap kasi minsan na parang tinanim na niya sa utak ko na Sweet is nothing without Salt. Parang tanga kailan pa kaya naging matamis ang asin. Naku. One corny joke there Sweet. Psh.

Ilang beses niya akong pinaulanan ng mga masasakit na salita at matatalim na tingin. Ewan ko ba sa babaeng iyon hindi ata nahihilo kaka irap sa akin.

Then Q&A came. Ang ganda ng tanong. Tanong na alam kong magpa panalo sa akin. It says "Paano kung pareho kayo ng mahal ng kapatid mo, magpaparaya ka ba o pipiliin mong sumugal sa taong mahal mo?"

Alam kong ito rin ang tinanong kay Salt kanina pero hindi ko naman narinig ang sagot niya dahil sa takip namin sa tainga. And I am very sure na hindi niya pipiliin ang kapatid niya. She won't ever choose me.

Huminga muna ako ng malalim at lumingon saglit kay Salt bago tuluyang sumagot. "Good evening everyone, thank you for that question. Blood is always thicker than water. I will always choose family over anything else. So the answer is I will always give way for my sisters. It will hurt me for sure but that's okay. Because at the end of the day. The happiness of my family is also my happiness. Thank you."

Nahagip ng mata ko ang pagpipigil ni Salt na maiyak. Wala naman akong sinabing masama. Bahala na.

And I won that night. Nanalo man ako ay hindi ko magawang tuluyang maging masaya. This is Salt's last year here in the campus. Alam kong ito lang ang kaya niyang ipagmalaki sa amin. Being the beautiful face and the pageant queenbee. Madalas kasi siyang pasaway at alam kong ayaw niya ng kaniyang kurso kaya madalas mababa ang mga marka niya.

No pressure naman kasi sa bahay. As long as hindi ka bagsak at hindi ka uulit ng subject ay masaya na sina mom and dad. Magaling naman si Salt. Kaso ayaw niya ng kursong may kinalaman sa pagguhit. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nag Architecture.

Ate Spice is an interior designer. Our family owns an Architectural firm. Siguro gusto ni Salt na iprove sa parents namin na she's more than just a pretty face. Kasi wala kahit isa sa amin ang gustong maging Architect kagaya nila mom and dad. Si Sugar kasi gusto niyang maging Civil Engineer.

While me, I am taking up Fine Arts. I really love to draw and mix colors together. Nagba'ballet rin ako at kumakanta. Kasali ako sa mga nag-theater sa campus man o hindi. Kaso mas priority ko ang pag-aaral kaya focus ako sa course ko. Hindi naman madaling magdrawing at mag paint. Madalas kasi sinasabi ng iba na sobrang dali lang daw nito kasi daw hindi daw masiyadong ginagamitan ng utak. Hindi nila alam na kagaya rin naman kami ng ibang students. We draw, we paint and we put all our emotions there. Laging may parte ng pagkatao namin ang aming arts. Mahirap ring mag isip ng concept lalo na 'pag may projects. There's no easy course. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan to learn better things and to have better life.

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon