Dalawampu't lima

78 3 0
                                    

Iniwanan ko si Charles na gulat at dumiretso dito sa art gallery ko. Pinatay ko ang cellphone ko para kunwari ay nagtatampo talaga ako. I spent my whole afternoon painting anything that I want. I have my own space here just for painting. Kaya nang makarating ako sa opisina ay laking gulat ko ng may nakaupo sa aking swivel chair.

"So what are you doing here?" Mataray kong tanong dito.

Tumayo siya at sinalubong ako. "Sorry na baby." Yakap nito sa akin. "Let's have dinner." Dagdag pa niya.

"Busy ako eh. May tinatapos pa 'ko." Kumalas ako sa yakap nito at saka tumalikod habang pinipigilan ang pagtawa.

"Antayin kita." Aniya habang nakasunod sa akin.

"Wala kong ganang kumain ngayon... kasi 'yong boyfriend ko tinaboy ako kanina." Pigil tawa kong sambit dito at nanatiling nakatalikod.

Niyakap niya ako nang makalapit siya. "Sorry na kasi baby. Busy lang ako kanina." Paglalambing nito.

"Ayaw mo lang talaga kong makasama. Bago pa lang tayo pero nagsasawa ka na." Kunwaring pagtatampo ko.

"It's not like that. Never kaya akong magsasawa sa'yo. May tinapos lang talaga kong design kanina. Sorry na baby." Lambing nito.

Hinarap ko siya at nginitian ng pagkatamis tamis. I leaned closer then kissed him. "Let's go. Let's have our dinner." Lumakad na ako at kinuha ang gamit sa aking mesa.

"Hindi ka na galit?" Habol tanong nito.

"Hindi naman ako galit." Sagot ko habang papalabas kami ng opisina.

"Tampo? Hindi ka na nagtatampo?" Tanong niya nang nasa gilid ko na siya.

"Hindi din." Iling ko dito.

"Seryoso 'yan?" Muli niyang tanong bago tumigil at hinarap ako.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Ninakawan niya ako ng halik bago patuloy na naglakad.

Kumain lang kami sa isang steak house bago niya ako inihatid sa bahay. Nagkulitan kami sa facetime bago nagpasyang matulog.

Isang buwan na halos paulit-ulit lang ang ginagawa namin. Nagkikita kami madalas sakabila ng kaniya kaniya naming ginagawa at trabaho. Pinupuntahan ko siya 'pag hindi ako busy o kung kailan ko man maisipan. Siya naman ay sa gabi madalas magpunta pagkatapos ng trabaho niya. Isa sa mga bagay na napansin ko kay Charles na kapag tungkol sa trabaho ay seryoso talaga siya. Lalo niyang pinapatunayan sa lahat na karapat-dapat siyang mamuno ng kumpanya nila dahil sa pinapakita niyang sipag. Sobrang hands on ito kaya naiintindihan ko na gabi lang ang kaya niyang ibigay sa akin bukod sa weekends. And I admire him more because of that.

Kahit busy siya ay never kong naramdaman na wala siyang oras para sa'kin. He always text or call me and update me everytime. Kaya kapag sobrang busy niya ay ako ang nagpupunta sa office niya. That's why I didn't expect that he'll come here today because I know that he's working on a big project right now.

"For you." Abot niya sa akin ng isang bugkos na tulips sabay halik sa aking pisngi.

"Anong meron?" Tanong ko dito matapos kong tanggapin ang mga bulaklak.

"Nothing. I just missed you." He said after he sits in front of me.

"Talaga ba?" Biro ko dito habang kinukuha ang maliit na kahon sa drawer ng table ko.

Tumango lang siya at ngumiti. "Walang something?" Biro ko dito. "Baka naman may ginawa kang kasalanan ha?" Dagdag ko pa habang natatawa.

"May something... hindi mo ba naalala?" Tila malungkot nitong sambit. Umiling lang ako habang pinipigilan ang tawa ko. "Nakalimutan mo talaga?" Muli nitong tanong.

"Anong something? So may ginawa ka ngang kasalanan?" Usisa ko dito.

"Kasalanan na bang mahalin ka ng lubusan? Pero nakalimutan mo ba talaga baby?" Parang bata nitong pagtatampo.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa kandungan nito at isinuot dito ang binili kong bracelet. "Tampo ka na? Ako pa makalimot?" Tumayo ako at lumipat sa upuan na nasa harap niya.

Hinatak niya ko para maupo muli sa kandungan niya. "Akala ko nalimutan mo na. Malapit na talaga kong magtampo." Aniya habang hinahaplos ang buhok ko. Naramdaman ko na lang na may malamig na dumampi sa leeg ko. "Kala mo ikaw lang may regalo ha." Sambit niya matapos isuot ang kwintas sa leeg ko. "Happy first monthsary baby. This will be the first of our many months together. I love you baby."

Niyakap ko siya ng mahigpit at sumandal sa may dibdib niya. "Thank you Charles. I love you too."

"Love mo ko pero lagi mo naman akong pinagtitripan." Aniya habang hinahalikan ang tuktok ng buhok ko.

"Gano'n ako maglambing eh. Saka hindi naman kita pinagtitripan... hindi naman madalas." Natatawa kong sambit dito.

"Kawawa na ko sa'yo baby." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Pero okay lang na ako ang pagtripan mo lagi kaysa iba. Tapos... lalambingin na lang kita at ikikiss gaya ng ganito." Unti unti niyang inangat ang mukha ko at saka hinawakan sa magkabilang pisngi. He gave me soft kisses.

"Para-paraan din." Natatawa kong sabi dito matapos niya akong halikan.

"Ayaw mo ba? Ibalik mo na lang." He said while pouting.

Kinurot ko siya sa pisngi at saka hinalikan. "'Yan nabalik ko na." Tawa ko dito.

"Ibabalik ko ulit." He said then kissed me again. Mas matagal itong halik niya kumpara kanina. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong kinagat sa lower lip ko.

"Uy si baby... nag-enjoy." Pang aasar nito.

Tumayo ako at hinampas siya sa dibdib niya. "Ako pa? Kapal mo po." I sarcastically said.

"Tampo ka? Ibalik mo na lang ulit." Muli pa niyang pang aasar.

"Ibalik kaya kita sa pinanggalingan mo. Tama na kiss. Kumain na tayo. Namimihasa ka na po baby." Irap ko dito bago kunin ang bag ko.

Natatawa itong umakbay sa'kin at sumabay paglalakad. "Salamat dito sa regalo mo." Pakita niya sa bracelet na ibinigay ko. "Compatible talaga tayo. Tignan mo. Matchy 'yong gift natin sa isa't isa."

Bigla ko tuloy hinawakan ang binigay niyang kwintas sa akin at tinignan sa salamin dito sa opisina ko. It was a gold necklace with a curve plate pendant. His name was engraved in the front side of the plate while my name is at the back side of it. "Bakit nasa likod ang pangalan ko?" Tanong ko dito nang sinimulan na naming lumabas ng opisina ko.

"Para alam ng lahat na sa'kin ka. Tapos sa likod ko ay may isang magandang babae na minamahal ko ng sobra pa sa sobra." Ngiti niyang sagot.

"Corny mo po." Tawa ko dito.

"Parang siya hindi corny. Tignan mo nga 'tong bracelet na niregalo mo. Kitang kita 'yong pangalan mo. Kunwari ka pa. Patay na patay ka din sa'kin eh."

Inirapan ko lang siya. I gave him a gold bracelet with a rectangular plate in the middle. Pinalagay ko ang pangalan ko sa harap noon at pangalan naman niya sa likod nito. Matchy nga 'yong regalo namin sa isa't isa. We never talked about it. Pero sakto naman na magkapareho kami ng ibinigay sa isa't isa.

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon