Tatlumpu't anim

85 3 0
                                    

If there's one thing na hindi namin masiyadong napag-uusapan ni Josh ay ang tungkol sa parents niya. It's like an off topic kasi. He always talk about things. Like his family pero puro cousins niya lang madalas. I just know that his mom was not here. Besides that wala na. I don't want to ask him. Kasi magsasabi naman siya if feel niyang sabihin. Pero 'pag hindi. Ayos lang. I trust his judgment over things and I understand his silence regarding things and the likes.

"Mom wants to meet you." He uttered while we're cleaning his pad.

"When?" I simply asked.

"Tonight." He answered.

"Tonight? As in mamayang gabi na?" Gulat kong tanong dito.

Tumango lang siya at tinuloy ang ginagawang paglilinis.

"Do you think she'll like me?" Lumapit ako sakaniya.

"Of course. She'll love you for sure." He assured me then pat my head like a kid.

I am not nervous. I am more than nervous. Nanlalamig ako kahit naka-long sleeved dress naman ako. Feeling ko binabalot ng lamig ang buong katawan ko. Sa sobrang kaba ay napasigaw ako dito sa kwarto ko.

"Oh anong nangyari?" Tarantang tanong ng humahangos na si Sugar.

"Do I look fine?" Inda ko sa tanong nito.

"What?" Napailing ito. "Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo." Palatak niya.

"Sorry. I was... freaking nervous. I'll meet his mom later. Ayos lang ba ang soot ko? Ang make-up ko? Kamusta naman ba ang itsura ko?" Sunod-sunod kong tanong dito.

"Whoo. Hang in there. Sweet Fuentes is nervous? Oh c'mon sis. Kumalma ka nga." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. "Breathe in breathe out... kumalma ka. Walang wala ka 'yan sa mga recital mo dati. Kaya wala kang dapat ikatakot. You're a Fuentes." Dagdag pa niya bago ako ihatid sa kotse ko.

Josh wants to fetch me but I told him not to. I want him to spend more time with his mom dahil kakauwi lang nito from US. I just ask him about the details of the dinner para alam ko kung saan ba ako pupunta. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa kotse ko.

Sakto lang ang dating ko dahil nakita kong kakaupo lang ng mom niya.

"Good evening po." Bati ko dito.

Laking pasalamat ko na ngumiti ito sa akin at bumati pabalik. Nakaupo ako sa harap ng mom ni Josh. Josh is beside me at hawak hawak niya ngayon ang nanlalamig kong kamay.

Kumain kami ng tahimik at nag-usap lang nang malapit na kaming matapos.

"So hija. Are you nervous?" Tumawa ito ng tipid.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Honestly po. Sobrang kabado po ako."

"Why? Do I look like the wicked witch in a fairy tale?" Halata ang pagbibiro sa tono ng boses nito.

"Hindi po. Sobrang amo po ng mukha niyo at sobrang ganda niyo po. Wala pong halong biro. Hindi po ako mahilig pumuri ng tao. Pero kayo po. Sobrang ganda niyo po talaga. Halata pong hindi sa inyo nagmana si Josh." Tuloy tuloy kong sambit.

"I think I like her na." Natatawang sambit ng mom niya. "By the way... call me tita or mom. Kung saan ka mas komportable. I am friends with your mom and dad before... way back in College. Tell them my name... Jandra Saavedra." Ngumiti ito sa aking ng matamis dahilan upang mawala kahit papano ang kaba ko.

"I told you she'll like you." Biglang sabat ni Josh sa usapan.

"Hala. You're here pala. Kanina ka pa dito?" Pang-iinis ko dito.

"She's right son. Kanina ka pa diyan?" Pang-iinis din dito ng mom niya.

"Whatever ladies. I have to answer this call first." Sabi ni Josh bago kami iwan.

"I can see that you're happy being with him. And you're very much in love with my son." Biglang hinawakan ni Tita Jandra ang mga kamay ko. "But promise me that you won't leave him... he've been through a lot. I am not always here to be with him. Please take care of my son for me."

Tumingin ako dito at ngumiti. "I don't usually saying promises po. Pero I promise po tita na aalagaan at mamahalin ko po si Josh kahit pa anong mangyari. Mananatili po ako sa tabi niya maganda man o hindi ang panahon. Gaya po ng ginawa niya noong hindi ko alam kung paano magsimula ulit." Hinawakan ko din ang mga kamay nitong nakahawak sa akin. "He's there at my worst po pero hindi niya ako sinukuan. Sobrang nagpapasalamat po ako dahil kahit wala akong binibigay na assurance sakaniya noon ay nanatili siya sa tabi ko. Kaya po ngayon tita... ipaparamdam ko po sakaniya araw-araw lahat ng pagmamahal kasi po sobrang deserve niya 'yun. Sobrang mapagmahal po niya to the point na kahit wala ng matira sakaniya. And I am thankful po everyday na ako ang minahal niya. Sobrang swerte ko po."

"I can feel that my son is also lucky to have you. He told me a lot of stories about you. And I can feel his happiness every time he tells your name. Your past with Charles is not a secret to me. So please... no matter what happens please choose my son over anything. It's about time for him to be truly happy."

Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina dahil sa sinabi ni Tita Jandra. Like any other mother that wants their child to be happy. I was about to answer it when Josh came all of a sudden.

"How's the two most important lady in ny life?" Tanong nito matapos umupo.

"We're doing fine here son." Ngiti ni Tita Jandra dito. "Next time that we'll meet is about the wedding na ha. Wedding muna before the baby. 'Wag mong pipikutin itong si Sweet anak." Nakasimangot bigla si Josh dahil sa sinabi nito.

"Don't worry po tita. Kahit po patay na patay 'yan sa'kin... good man naman po siya madalas." Hagikhik ko.

"Seems like he's head over heels nga sa'yo hija. Keep it up." Tawa nito.

"Hey ladies I am here. In case that you're not aware." Irap ni Josh sa kawalan.

Tumawa lang kami ni tita at hindi ininda ang sinabi niya.

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon