Sampu

137 5 0
                                    

Tahimik kaming lahat nang makarating kami sa dining area. May dalang pagkain si Jordie kaya ang magaling na si Greg ay inimbitahan ito sa loob na tila sa kaniya itong lugar.

Sobrang weird ng atmosphere namin sa dining. Magkatapat si Greg at Jordie at ako ang nasa kabisera. Panay ang tinginan nilang dalawa simula nang maupo kami. Kukuha na sana ako ng pagkain nang bigla nalang akong asikasuhin ni Greg. "Try this Sweet. Luto ko 'yan." Aniya sabay lagay ng niluto niyang beef caldereta sa plato ko.

"Try this also Tamis. I cooked that." Ani Jordie habang nilalagay ang lasagna sa plato ko.

Both of the dish are my faves lalo na at madaming cheese. I really love cheese that's why I wonder kung bakit Sweet ang ipinangalan sa'kin at hindi Cheese or Queso. That would be better.

Hanggang sa inumin ay tila nagpapaligsahan ang dalawa. Pareho nila akong inabutan ng isang basong tubig kaya sa inis ko ay nagsalita na ako. "Anong gagawin ko sa dalawang basong tubig ha! Para kayong mga bata. Ano bang problema niyo!" Singhal ko.

Parehong tumungo ang dalawa na tila mga batang pinapagalitan. Nang matapos akong kumain ay iniwan ko na sila doon. I went to my room to start another artwork. It took me three hours bago naisipang magpahinga. Naligo muna ako ulit bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay narinig ko ang dalawang lalaki na tila ba may importanteng pinag-uusapan.

"So what's your plan?" Boses 'yun ni Greg. Buti na lamang at may shelf dito na nagsisilbing divider kaya nakakapagtago ako.

"To get what's mine." Simpleng sagot ni Jordie.

"Mine? Wala namang sa'yo kahit dati pa." Halata ang pang aasar sa boses ni Greg.

"Let's just fight for our own Fuentes kuya." Hamon ni Jordie.

Wala na akong narinig na sumagot kaya lumabas na ako. "Oh bakit pa kayo naandito ha?" Taas kilay kong tanong at saka umupo sa bakanteng upuan.

Sabay silang napatingin sa puwesto ko. Nang walang may planong sumagot ay muli pa akong nagsalita. "Magtititigan na lang ba tayo dito?" Pagsusungit ko.

"Let's have a movie marathon." Biglang sambit ni Jordie. "I'll cook cheese flavoured fries and popcorn." Masigla niya pang dagdag.

"That will be great." Palakpak ni Greg bigla.

"Oh I have other plans. Lipat kayo sa condo mo Jordie if you want. Sa'min ako uuwi mamaya." Tumayo ako bigla at plano ng umalis. "So ano tara na labas na tayo ng unit ko." Anyaya ko sakanila.

Nag taxi lang ako since wala akong dala na kotse. Iniwan ko na doon ang dalawang lalaki nang makalabas kami ng unit ko. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta at wala na akong plano pang alamin 'yun.

Mga ilang minuto lamang ay nakarating na ako dito sa site na binili ko. May improvement na pala kahit papano ang pinapagawa kong lugar. I plan to have my own art gallery. Lahat ng ginastos at gagastusin ko dito ay galing sa sarili kong pera. Nung nasa Spain pa lang ako ay nagbebenta na ako ng mga painting at lahat ng pera galing doon ay inipon ko.

Dumating na 'yung araw na lagi kong kinakatakutan simula pa noon. Ang araw na sasabihin sa akin ng parents ko na wala akong mapapala kakapinta lang. Kaya since College pa lang ay iniipon ko na lahat ng nagiging pera ko to have my own art gallery. I wanted to have it not just to earn millions like my parents. But I wanted to prove myself to them and to help people. I plan to have a charitable art exhibit in time.

Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na plano nila akong ipakasal para lang masabi na stable ako. Ilang buwan pa para masabi ko sa kanila na I can live on my own. Na hindi ko kailangan ang pera ninuman para lang masabi na kaya ko. Na hindi ko kailangang umasa kahit kanino at magagawa ko ang lahat kasi pinaghirapan ko. In time people will see all of the fruits of my labor.

Wala pa talaga akong plano para pigilan ang gustong mangyari ng parents ko. Tila wala rin namang plano si Greg para tutulan ito. Siguro ngayon ay pwede kong idelay ang kasal hanggang sa hindi pa natatapos ang pinapagawa kong lugar since next year pa naman ang plano nilang kasalan. It will give me more time to think of the possible solutions to my problems.

Isang malaking sikreto ang pagpapagawa ko nitong art gallery. Nasa Spain pa lang ako ay kumausap na ako ng mga tao at mahigpit na ibinilin sa kanila na huwag na huwag makakarating ito sa aking mga magulang at pamilya. At first, it's very hard to find a team that will accept to do my art gallery. Sobrang dami kong taong nakausap when finally someone accepted it. Someone that I knew in College, the guy that was the reason why Salt became so distant to me. None other than Mr. Charles Calderon, an old lover and a new found friend.

"So what do you think?" Tanong niya nang makatabi siya sa akin.

"Ilang buwan bago 'to matapos?" Balik tanong ko.

"Up to you. Do you want me to rush it?" Ngiti niya at saka sinimulang maglakad.

"Less than a year, kaya ba?" Ngiti ko sa kaniya habang sinasabayan siya sa paglalakad.

"Of course. In one condition." Biglang tigil niya at lapit sa akin.

"What's that?" Seryoso kong tingin sa kaniya.

Lumapit pa siya lalo at saka bumulong. "Pretend to be my girlfriend." Straight to the point niyang sinabi.

Lumayo ako sa kaniya. "What? Are you serious?" Kunot noo kong sambit.

Tumawa muna siya bago nagsalita. "Never been this serious. Please?" Pagpapa cute niya sa harap ko. "I'll give you a discount." Dagdag pa niya habang magkadikit ang kamay at tila nagdadasal.

"Bakit? Anong meron?" Natatawa kong tanong.

"Fixed marriage sucks." Simple niya lang sinabi.

"Seryoso ba?" Tawa ko. "Akalain mo nga naman. You just gave me an idea." Halakhak ko pa.

Kita ko ang pagtatanong sa kaniyang mukha. "Oh well. You came to the right person." Ngiti ko pa sa kaniya na tila nanalo sa lotto. "It's a deal then." Abot ko sakaniya ng aking kanang kamay para makipag-shakehands.

It was a good deal and sealed with a shakehands.

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon