Maaga akong nagising para sana maaga ring makaalis. Kaya bago pa man lumabas ng kwarto ay nakaayos na ako. I will just join them in breakfast then I am ready to go.
As usual humalik muna ako sa pisngi nila mom and dad bago umupo sa usual spot ko. Kakatapos lang namin magdasal nang may biglang dumating.
"Good morning everyone." Magalang at masaya niyang sambit.
"What are you doing here?" Hindi mapigilan kong tanong habang nakasalubong ang kilay.
Ang walang modong lalaki ay kinindatan muna ako bago umupo sa tabi ko. Psh. "I will fetch my girlfriend." Nakangisi niyang sinabi sabay sulyap kay ate Spice. "Right Tito?" Dagdag pa niya.
"How sweet of you Greg." Nakangiting sinabi ni mom.
Tinapakan ko siya sa paa sa sobrang inis. Pero ang loko ay tila manhid at walang naramdaman. "Mamaya ka sa'kin." Bulong niya.
We ate in peace. Mapayapa naman kasi tahimik ang katabi ko habang kumakain. Nagpaalam muna kami sa pamilya ko bago tuluyang umalis. Ngumiti lang sa akin ang mga kapatid ko at nagtext lang si Sugar na call them when I need help.
Tahimik kami hanggang sa makapasok kami ng sasakyan niya. I want to use my own car kaso mahirap makipagtalo sa makulit na tao. Mauubos lang ang pasensiya ko.
Bigla bigla siyang lumapit, 'yung sobrang lapit. Pero dahil wala naman siyang epekto sa'kin ay nilabanan ko ang pakikipagtitigan niya. Binasa niya ang kaniyang labi. Then I did the same. "Seatbelt." Pagsuko niya dahil sa ginawa ko. Bigla tuloy akong natawa sa pwesto ko.
Nilingon niya ako habang magkasalubong ang kilay. "What?" Tanong ko habang patuloy na natatawa.
"Nothing. You're still the annoying Sweet." Aniya saka pinatakbo ang kaniyang sasakyan.
Nagsalita lang ako nang mapansing iba ang daang tinatahak namin. "Hey! Hindi ito ang papunta sa condo ko." Pag-alma ko bigla.
"Sino bang may sabi na doon tayo pupunta?" Nakangising siya habang sinasabi ito at sa daan lamang nakatingin.
"Stop the car." Hampas ko sa braso niya. "I said stop the car!" Sigaw ko kaya biglaan niyang naipreno ang sasakyan.
"Gusto mo na bang mamatay ha? Huwag mo akong idamay." Naiinis niyang sinabi. "We'll just go first to my unit and will get my things." Aniya saka muling pinatakbo ang sasakyan.
Inantay ko lang siya sa kotse nang makarating kami sa building kung nasaan ang condo unit niya. Tila wala pang bente minutos nang makabalik siya. Napansin kong may dala siyang isang duffle bag at dalawang sapatos.
"Saan ang punta mo?" Pabiro kong tanong.
"You'll find out later." Kindat niya.
Napairap nalang ako dahil sa ginawa niya. Tahimik kami pareho hanggang sa makarating sa building kung nasaan ang condo unit ko. Hindi ko na inantay pa na pagbuksan niya ako ng pintuan at dali daling lumabas ng kaniyang sasakyan. Nakita kong pailing iling siya dahil sa ginawa ko.
Nakasunod lang siya hanggang sa makarating kami sa condo unit ko. "Nice place." Puna niya rito nang makarating kami. Feel at home ang mokong at bigla nalang umupo sa couch ko habang nakataas ang mga paa sa mesang katapat nito. "Where's your working area here?" Kuryoso niyang tanong.
Matalim ko siyang tinignan bago sumagot. "You don't care."
"Sungit." Bulong niya.
Kumuha muna ako ng makakain at maiinom sa fridge bago umupo sa harapan niya. "So what's the plan?" Sabay abot ko sakaniya ng soda in can.
"Plan? What do you mean?" Kunot noo niyang tanong.
"Yup plan. To stop the upcoming wedding of the year." Sambit ko saka umupo nang sobrang prente.
"To stop the wedding? You gonna be kidding me." Aniya habang natatawa at binuksan ang soda in can na inabot ko sakaniya. "No sugar?" Tawa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh bakit?"
Umiling iling pa siya. "Galit ka ba sa asukal? Ang tamis ng pangalan mo tapos ayaw mo ng matamis?" Pang iinis niya.
"Paki mo ba! Akin na kung ayaw mo!" Naiinis ako habang kinukuha sa kaniya ang iniinom niya.
He just shrugged. "So what's your agenda again?" Tanong niya.
"Let's have a plan to stop the wedding." Diretso kong sagot.
"Why?" Simple niyang tanong.
"Simple lang. Ayokong makasal sayo." Sagot ko sabay irap sa kawalan.
"Ouch." Arte niya na tila nasasaktan habang tila nakakapit sa kaniyang puso. "Then why is that?"
"Kasi una womanizer ka. Tapos womanizer ka. Ulitin ko pa ba? Womanizer ka."
Lumipat siya ng pwesto at tumabi sa akin. "A person can change." Seryoso niyang sambit habang nakatingin sa akin.
"You're not a person. So you won't change." Tinapik ko ang kamay niya na planong hawakan ang aking mukha.
"Then let's see." Sabi niya sabay tayo. "Let's see kung anong kaya mong gawin para pigilan 'to.... You can't do anything about it Sweet." Muli niyang upo sa tapat ko.
"Watch me Greg. Watch me." Matapang kong sinabi.
Iniwan ko siya doon at pumasok sa working area ko. I need to calm my nerves that's why I needed to paint. Lunch time na nang matapos ako at nakaramdam ng gutom. Muli akong lumabas ng kwarto at nakaamoy ng masarap na pagkain. I went straight to the kitchen at nakita ko ang naglulutong si Greg habang naka-apron at topless.
"Magdamit ka nga." Sambit ko nang makaupo ako sa hapag kainan.
"Bakit naiilang ka ba?" Paglapit niya sa akin.
"You wish." Sabay tulak sa kaniya ng bahagya.
"If I know patay na patay ka sa katawan ko." Tawa niya at saka bumalik sa niluluto niya.
"Spell asa Gregorio." Halakhak ko.
Bigla niya akong tingnan ng masama at tila may gagawing hindi maganda dahil sa malaking hakbang niya patungo sa pwesto ko. "You... you didn't call me by that name."
"Oh well I just did." Walang emosiyon kong sinabi.
Inikot niya ang inuupuan ko at tila kinulong ako dahil ramdam na ramdam ko ang lamesa sa likod ko. "You just turn me on honey." Aniya habang patuloy na inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Konting konti nalang mahahalikan na niya ako nang may mag-doorbell. Literal na save by the bell.
Dali dali akong nagpunta sa pintuan upang icheck kung sino iyon. Hindi ko namalayang kasunod ko pala ang topless na si Greg dahil mas nauna pa siyang nagreact nang buksan ko ang pinto.
"Jordan?"
"Kuya?"
Sabay nilang sambit.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet (COMPLETED)
General FictionFuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter love story.