Labing dalawa

113 4 0
                                    

"Nice act, nice show." Bulalas ko nang makasakay na kami ng sasakyan.

Nag-apir kami at saka tumawa. "Didn't know that you have a talent to be an artist." Dagdag ko pa.

"Well." He shrugged. "Perks of being a member of the theatre club before." Halakhak niya bago sinimulang paandarin ang sasakyan.

"Member ka rin? Bakit hindi tayo nagkita dati?" Bigla siyang tumigil sa pagmamaneho.

Bumaling ako sa kaniya na tila nagtatanong. "Seatbelt madam."

Umirap ako sa kawalan at saka nag seatbelt. "Naging member ako after you stop joining any clubs." Sambit niya nang simulan muling paandarin ang kotse.

"Oh. A sem after or a year after?" Usisa ko dito habang nakaupo ng tila naka-indian seat at bahagyang nakaharap sa kaniya.

Umiling iling siya bago sumagot. "A day after." Aniya nang natatawa.

"A day after? Seriously?" Kunot noo kong tanong.

"Yup.... I was one of the new screened member that time." He said still looking at the road.

"Ah 'yung mga pinahirapan nila Ate Keixha?" Tawa ko dito kaya bigla siyang napabusangot. "'Yung mga nagcross dress." Pang iinis ko pa.

"Tapos wala naman pala 'yung rason ng pagsali ko." Bulong niya kaya hindi ko naintindihan ang sinabi nito.

"What? Anong sinabi mo?" Hindi niya ako pinansin. "Huy. Ano 'yun." Tusok ko sa braso niya.

"Nothing. I said that were matchy matchy." Biro niya dahilan para mapatingin ako sa mga soot namin.

I was wearing a short and a gray crop top with a denim jacket plus my fave sneakers. My usual get up everytime I go out. While Charles is wearing a simple cargo shorts and a gray shirt plus a sneakers also.

"Coincidence." I simply said.

Ngumiti lang siya at tahimik na nagdrive habang ako ay umayos ng upo at nakatingin lang sa bintana.

Makalipas ang halos isang oras ay muli siyang nagsalita. "We have snacks at the back. If you want to eat get some."

Lumingon ako sa likod at nakita ang madaming pagkain dito. Kumuha ako ng isa at saka muling bumaling sa kaniya. "Where are we going?"

"Dunno." He simply said.

"Anong dunno? Hoy Charles!" Hampas ko bigla sa braso niya.

"Chill. Joke lang." Kinapitan niya ang kamay ko gamit ang kanang kamay para pigilan ang paghampas sa kaniya nito habang ang kaliwa naman ay nakakapit sa manibela.

Binawi ko ang aking kamay at saka binuksan ang cheese flavored chips na kinuha ko sa back seat. "So saan nga tayo punta?" Muli kong tanong at saka nagsimulang kumain.

Lumingon siya sandali at saka sumagot. "Diyan lang." Bigla siyang nagpout na tila bata. "Penge." Aniya nang makita akong kumakain.

"Oh." Subo ko sa kaniya ng chips na kapit ko, natigilan saglit sa aking ginawa. "What?" Umiling lang siya at ngumiti.

Tahimik akong kumain at patuloy siyang sinusubuan kasi nagmamaneho siya. We've been in the road for about more than two hours nang mag stop over kami sa isang gasolinahan. May mga kainan rin sa paligid kaya nag take out lang kami at bumili rin ng frappe para sakaniya  at milktea naman para sa'kin.

Maaga pa naman for lunch time kaya nilagay ko na muna ang food sa gilid ko then we hit the road again. We're heading north I think sobrang tagal ng biyahe namin eh.

Another two hours came nang magutom ako, we're already in the end of expressway this time. "Kain na 'ko ha. It's lunch time na rin eh." Paalam ko sa kaniya. "Don't worry subuan nalang ulit kita." Nakangiti ko pang sinabi.

Kaya habang kumakain ako ay sinusubuan ko rin siya. Nilagyan ko ng straw 'yung bottled water para naman makainom siya ng maayos. "Sweet ka pala no Sweet. Your name suits you well." Biro niya matapos niyang uminom.

"It's not being sweet. I'm just being a human. Let me drive sige then you'll do the same." Pagsusungit ko rito.

"Sabi mo eh." Tawa niya. "Nga pala bukas na tayo makakauwi ha." Aniya.

"Bukas? Ano 'to tanan?" Biro ko dito.

"Pwede ba?" Tumawa siya ng malakas.

Kumunot ang noo ko at hinampas siya sa braso. "Baliw."

"Pero seryoso kasi. Bukas na tayo makakauwi?" Tanong ko rito.

"Yup. Gagabihin tayo masiyado sa daan if we try. And we're still not there... in our destination." Paliwanag niya.

"Hmm. Okay." Sagot ko dito.

"Okay lang sa'yo? Kahit magshare pa tayo ng room?" He said playfully.

"Yeah. As long as sa sahig ka matutulog." Tawa ko sa kaniya.

"Okay for me. Atleast we're sharing one room. You and me. Me being with the super bitter Sweet Fuentes." Pang iinis nito.

"Grabe sa super bitter. Hindi kaya ako bitter." Tila nagtatampo kong sambit.

"Really? Kaya pala mga post mo dati up to now puro hugot." He suddenly paused like remembering something. "Ano nga ulit 'yung sinabi mo sa tinry manligaw sayo nung College?"

"I will never give you a chance to break my heart. There's no happy ending that's how cruel the world is." Aniya na tila ginagaya ang aking boses habang tumatawa.

"Paano mo 'yun nalaman ha? Stalker ka ba?" Akusa ko rito.

"The Fuentes siblings had their fair share of breaking the hearts of men." Muli pa siyang tumawa. "From the eldest to the youngest. All of you were too popular for breaking someone's heart." Dagdag pa nito.

Sasagot pa sana ako nang tumigil na ang kaniyang sasakyan. Telling me na nandito na kami sa pupuntahan namin. Ni hindi ko namalayan na nakaparada na pala siya sa isang bakuran. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at nang makababa ay nag inat inat muna ako. Mahabang oras rin ang pagkakaupo ko kanina.

Matapos kong mag inat inat ay saka ko lang napansin ang bahay na nasa harap ko. Isang simpleng bungalow ang aking nakikita ngayon. May paradahan ng sasakyan, may maliit na terrace at may isa pang katabing bahay na tila karugtong ng bahay na ito. Tinitignan ko pa ang paligid nang bigla akong kalabitin ni Charles.

"Tara pasok na tayo." Anyaya niya sa akin.

Sinalubong kami ng mga manok at ng isang matandang babae. "Ikaw na ba iyan CC?"

Biglang itong niyakap ni Charles at tinawag na Lola. "Aba'y pagkalaki mo ng bata ka. Sino na naman ireng magandang babae sa tabi mo?" Usisa ng matanda nang kumalas ito sa yakap. "Ito ba ay iyong nobya?" Dagdag pa nito.

"Sweet Fuentes po." Magalang kong pagmano rito.

"Maganda na mabait pa. Kagaling pumili ng aking apo." Narinig kong sambit nito bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon