Tatlumpu't pito

90 2 0
                                    

The dinner went well. Inihatid lang ni Josh si Tita Jandra sa hotel na tinutuluyan nito bago pumunta dito sa unit ko.

"I missed you." Yakap nito pagkadating.

Tinapik ko siya sa braso. "Magkasama lang tayo kanina. Anong miss ka diyan." Kumalas ako sa yakap niya.

"Busy kaya kayo ni mom magkwentuhan. Kala niyo wala ako sa paligid." Tila batang pagtatampo nito matapos umupo.

Nilapitan ko siya at sumiksik sa braso niya. "Hala. Nagtatampo ata." Pang-iinis ko dito. "Mom mo 'yung kausap ko kanina. Para kang ewan." Kinurot ko siya bigla sa braso.

"Mom likes you so much." Biglaang sambit nito at saka ako inakbayan. Humilig ako sa dibdib niya at nakinig lang dito. "She told me that you should be my wife... as if naman may iba pa kong gusto." Tumawa ito sandali. "How about you? Is it okay with you to be my wife?" Bigla akong napatingin sakaniya dahil sa sinabi nito.

"Oo naman." Gulat kong sagot. "Hindi naman kita sasagutin kung another series na naman 'to ng lokohan lang. I trust you so much... to the point na pati buhay ko kaya kong ipagkatiwala sa'yo." Niyakap ko siya patagilid.

"How about Charles?" He asked.

"What about him?" I asked back.

"What if he tells you his reason for being an asshole before? What if he still loves you, wants you back and asks for your forgiveness?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Honestly... I don't care anymore. Kasi 'diba kung mahal mo magtitiwala ka. That's the thing that you taught me... to trust the people that we love. If he truly loves me before he'll tell his reasons right away not when it's too late. Don't be bothered... kasi kahit pangit ka ikaw 'yung love love ko." Hinigpitan ko ang yakap sakaniya.

"Hindi ako pangit." Palatak nito. "But when that time comes... that you need to choose." Biglang sumeryoso ang boses niya. "Always choose what makes your heart happy... always choose..."

I cut him. "You're the one that makes me happy. Kaya ikaw lagi ang pipiliin ko. Stop over thinking." Hinarap ko siya at hinawakan ang mukha niya. "Alam kong walang sigurado... pero sigurado ako na ikaw 'yung mahal ko. And I am very sure that whatever happens... it will always be you that I will love. You've been there when no one else could understand me. When the world stopped for me. When I was just barely breathing and existing. You've been there since day one of my healing... you let me heal on my own by staying by my side." Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya. "Minahal mo ko kahit alam mong hindi ko pa ulit kayang magmahal noon. You've seen my worst... you're there and stayed... and loved me with all your heart. Kaya ngayon you have no choice but to deal with my love for you... 'pag ayaw mo na ako naman 'yung lalaban para sa'tin... gaya ng ginawa mo dati nung mga panahong ikaw lang ang panay na nagmamahal." He cupped my face and kissed me.

I woke up feeling sore and with clear images of what happened last night in my head. Tatayo na sana ako pero nakadagan sa'kin ang binti at braso ng pangit na katabi ko. "Let's sleep muna." Ungot nito.

"I'll cook our food. Sleep ka muna dito tatayo na ako." Tapik ko dito.

"Five more minutes. Let me serve my Madam later." Mas hinigpitan niya ang yakap sa'kin.

I didn't expect that my first would be like this. Akala ko dati gigising ako ng nakahubad at didiretso sa CR para magbihis. But Josh is a true gentleman dahil binihisan niya ako kagabi o kaninang madaling araw matapos lahat ng nangyari. "I can undressed you and can get you dressed also... I won't let you sleep feeling the cold air in your skin." That's his exact words earlier.

"So... kailan mo gustong ikasal? Ngayon o bukas?" Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Why? Nagbago na ba ang isip mo?" Tawa nito. Hindi ko siya kinibo at pinagpatuloy lang ang pagkain.

"Madam..." Sundot nito sa tagiliran ko. "Umoo ka na kagabi. Wala ng bawian. You've answered with a loud yes last night. Gusto mo bang... ipaalala pa sa'yo lahat ng nangyari?"

Tinignan ko muli siya ng masama. "Isa. Patapusin mo muna akong kumain. Pangit mo. Nang-iinis ka na namang pangit ka."

"Pangit na naman. Samantalang kagabi mahal na mahal ako tapos ang gwapo gwapo ko daw. Pagkagising pangit na naman ako." Bulong-bulong nito.

"Try mong lakasan pa 'yung bulong mo. Hindi ko rinig eh." Sarkastiko kong irap dito.

"Masungit. Napakasungit. Pasalamat ka mahal kita." Irap nito pabalik.

"Inirapan mo ba 'ko ha?" Taas kilay kong tanong dito.

"Ah hindi. Hindi ba obvious?" He said sarcastically.

"Joshua Calderon." Tawag ko dito. "I love you." Kindat ko dito.

"I love you too Madam kahit napaka-toyo mo." Aniya at nag-peace sign.

"Nga pala dad wants to meet you again." Dagdag nito.

"Again?" Gulat kong tanong. "Never ko pang na-meet ang dad mo 'diba?"

"Ah... you already met him. Hindi nga lang ako 'yung anak niya na kasama mo." Nawala ang ngiti niya sa mukha.

"Huh?" Naguguluhan kong sambit.

"You've met him before with his wife... Tita Cathy Calderon... Charles' mom." Seryoso nitong sabi.

Ibinaba ko ang kubyertos at bigla siyang tinignan dahil sa gulat. "You heard it right Madam. I am Charles Calderon half brother."

Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang niyakap. Napansin ko kasing lumungkot bigla ang mga mata niya. "Don't pity me." Simple nitong sabi.

"Hala hindi gano'n... pangit mo talaga. Pwede naman sigurong hindi siya imeet 'diba? Nakilala ko na naman ang mom mo. Tingin mo?" Ngiti ko dito matapos kumalas ng yakap.

"Ayos lang. Let's meet him together. Basta... kung ano mang sabihin niya sa'yo 'wag na 'wag mo kong iiwan ha?" Ramdam ko ang takot sa boses nito.

"Edi sana dati pa. Kahit nga pangit ka nagstay ako eh. Kahit sarap mong tirisin madalas." Pagbibiro ko dito.

"Promise me Madam. Baka kasi matulad na naman 'to sa dati. Na pinalayo niya 'yung babae para kay Charles. Baka hindi ko na kayanin at... Maging pangit na talaga ko at mapunta sa mental." Biro niya pero ramdam ko pa rin ang takot sa boses niya.

I held his hands. "Mababaliw ka lang kasi kasama mo ko hindi 'pag 'yung mawawala ako sa tabi mo. Kasi never na mawawala ako sa tabi mo. Hindi lulutang ang ganda ko 'pag wala akong pangit na kasama." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. "Isa pa. Parents ko nga walang nagawa sa gusto ko. Siya pa? Don't worry. I'll respect him kasi he's your dad. Pero sasagot ako 'pag gustuhin niyang iwan kita."

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon