Maaga akong nagising kinabukasan. Wala na si Charles nang magising ako. May damit at tuwalya na nakapatong sa isang upuan sa gilid ng kama. Kinuha ko ito at nagpasyang maligo. Nagpapatuyo na ako na buhok nang may kumatok.
"Kakain na daw." Silip ni Charles at saka umalis. Hindi na niya ako inantay kaya lumabas na rin ako matapos kong ayusin ang sarili ko.
"Magandang umaga ho." Magalang kong pagbati sa kanila.
"Hija maghugas ka na ng kamay riyan at tayo ay kakain na." Ani Lola Lupe kaya naghugas na ako ng kamay tumango lang ako bilang tugon.
Dito kami sa likod bahay kakain. May dahon ng saging sa ibabaw ng lamesa at nakalagay rito ang mga pagkain gaya ng nilagang talong, okra, talbos ng kamote, sariwang kamatis, bagoong alamang, itlog na pula, pritong isda, hinog na mangga at kanin. It's a boodle fight style kaya kaming lahat ay nakatayo sa palibot ng lamesa.
We pray then eat silently afterwards. Nakatayo ako sa tabi ni Kat at Marga habang nasa tapat ko naman si Charles. Hindi ko alam kung anong trip niya dahil kagabi pa niya ako hindi pinapansin. Nakikipagtawanan siya sa mga pinsan niya pero 'pag nagagawi ang tingin niya sa akin ay bigla itong nagiging seryoso. Ewan ko sa kaniya bahala siya.
"Buti marunong kang kumain nang nakakamay at kumain ng gulay." Nakangiting puna sa akin ni tita Marg nang malapit na kaming matapos kumain.
"Ah opo naman po. Ganito po ang madalas naming gawin ng family ko 'pag nagcecelebrate kami ng birthday." Nakangiti rin ako nang sumagot dito.
"Birthday ate?" Medyo gulat na tanong ni Kat sa gilid ko.
"Yup. Sa orphanage kasi kami lagi nagpupunta tuwing birthday namin. Tapos sila mother superior mas gusto nilang kumain kami ng sama sama. Kaya 'yun." Masaya kong kwento.
"Ang galing naman. Since when niyo pa 'yun ginagawa ate." Tanong naman ni Marga.
"Since mga bata pa kami. Naiba lang nung nag debut kami kasi nagpa buffet kami that time. Ang saya saya nung mga bata everytime na pupunta kami dun. Nakakataba ng puso lagi." I said while smiling.
Kahit nang matapos na kaming kumain ay patuloy lang kaming nagkwentuhan ng girls habang si Charles ay patuloy pa rin akong hindi pinapansin.
"Anong nangyari dun sa pinsan niyo kagabi?" Kuryoso kong tanong sa mga ito matapos makarating ng girls dito sa tree house.
"Inasar ng inasar nila kuya Marcus. Eh pikon pa naman 'yun." Sagot ni Marga na nasa tapat ko. Nakaupo kami ngayon nang pabilog.
"Paanong inasar?" Muli ko pang tanong.
"Not sure ate. Medyo lasing na kasi kami that time." Ani Danna. "Nagulat nalang kasi kami nung hampasin bigla ni kuya Charles 'yung lamesa. Tapos tumahimik lahat then nagdecide na kaming umuwi." Dagdag paliwanag pa nito. "Bakit ate?" Tanong niya bigla.
"Ah wala naman. Hindi namamansin eh." Matipid kong sagot.
"Yaan mo na 'yun ate. Hindi 'yun makakatiis." Ngiting sabi ni Kat.
Makalipas pa ang ilang sandali ay bigla na lamang umakyat si Josh dito sa tree house. "Baba na kayo. Uuwi na sila." Sambit nito at saka umalis.
Sumunod kami at dumiretso sa harap kung saan nakatayo ang mga kamag anak nila at naghihintay.
"Babalik kayo dito ha." Bilin ni Lola Lupe matapos niya akong yakapin.
"Opo naman po. Kahit po ako lang mag-isa." Biro ko pa.
Nagtawanan ang lahat bukod kay Charles na seryosong nakahalukipkip sa tabi ng kaniyang sasakyan. "Group hug." Sigaw ni Marga kaya niyakap nila akong lahat bago tuluyang magpaalam.
I bid my last goodbye bago tuluyang sumakay ng kotse. Iniwan lang ni Charles na nakabukas ang pinto kasi kanina pa siya nakasakay dito. Nag seatbelt ako agad matapos kong isara ang pintuan.
Sa bintana lang ako nakatingin hanggang sa makapasok kami ng expressway. Dalawang oras pa ang nakalipas at patuloy pa rin ang tahimik na ambiance sa sasakyan. Wala ni isang nagsasalita. I don't have anything to say that's why I chose not to talk. But this silence is defeaning. It's not funny.
"Let me drive." Basag katahimikan kong sinabi.
Hindi siya sumagot dahilan upang mainis ako. "I said let me drive." Ulit ko pa.
Lumiko siya sa isang gasolinahan na nadaanan namin at saka lumabas ng kotse. Lumipat ako sa driver's seat habang inaantay siya.
Nagulat siya nang makita ako dito sa dati niyang pwesto matapos niyang makabalik. Umiling lang siya bago umikot at pumunta sa pwesto ko kanina. Napansin kong may dala siyang mga take out na pagkain at HT na bigla niyang inabot sa kamay ko.
"Thanks." Simple kong sinabi dito habang sinisimulang paandarin ang kotse. I didn't hear any response kaya nagfocus nalang ako sa daan.
Took another hour nang maamoy ko ang pagkain sa sasakyan. Lumingon ako saglit kaya nakita kong nagsisimula na siyang kumain at laking gulat ko ng may kutsarang may lamang pagkain sa harap ko. Tinanggap ko ito at kumain ng tahimik habang nagmamaneho.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin ay hindi kami nagkikibuan. Nagsabi lang ako ng salamat at ingat bago lumabas ng sasakyan.
I immediately run inside the house and went to the pool area. Hinubad ko ang saplot ko sa katawan bago tumalon sa pool. Inis na inis ako. Nang makaramdam ako ng pagod paglangoy ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagbanlaw. Nagbabad ako sa bathtub at nagrelax.
Lagpas dinner time na nang lumabas ako at nagpunta sa terrace. Bitbit ang sketchbook, lapis at cellphone. Sa sobrang tutok ko sa pag sketch ay hindi ko namalayan na kanina pa pala nakaupo sa harap ko ang mga kapatid ko habang kinakain ang dala dala nilang pizza.
"Kanina pa ba kayo diyan?" Tanong ko nang tumunghay ako.
"Wala pa namang isang oras." Si ate Spice ang sumagot.
Kumuha lang ako ng pizza at kumain rin nito. "Ano pong mapaglilingkod ko sa inyo?" Pagbibiro ko sakanila.
"Nice sketch." Puna ni Sugar sa sketchbook ko na nakapatong sa lamesa.
"Kuhang kuha mo ah. Pati 'yung pagkunot ng noo niya." Ani Salt nang bigla niyang hablutin at tignan ng malapitan ang sketchbook ko.
Umirap lang ako bago 'to hinablot sakaniya. "So tell us what happened." Seryosong sambit ni ate Spice.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet (COMPLETED)
General FictionFuentes Series #1 Her name tastes like berry but her life seems misery. She loves to paint red but her heart seems dead. Meet Sweet and her bitter love story.