Tia's POV
Nagtataka na ako ngayon kung bakit hindi ko pa nalalaman ang kapangyarihan ko. Grabe kaya ang pamimilipit ko nang ikalawang lebel.
Kinakabahan tuloy ako sa mangyayari.
Nandito lang ako sa gilid ng pedoma habang pinagmamasadan ang lahat kung paano nila pagaralan ang kanikanilang mga kakayahan.
Bigla nalang pumasok sa isipan ko si Hyat. Ano na kayang nagyari doon sa mga kagrupo nya. Nakakalungkot dahil hindi namin siya nakasama dito.
**********
Admeta's Group
Hyat's POV
Mayroong nakalagay na pagpipilian saaming lahat bago kami nagsimula sa pagsasanay. Nandoon ang mga kategorya kung gusto ba namin ng isang maze, simpleng kagubatan, battle, at military. Ngnunit mas pinili namin ang simpleng kagubatan dahil lahat kami ay napapaisip sa bagay na iyon.
Ngayon ay magkakasama kaming lahat maliban nalang kay Ischyros na pansin kong nawawala.
"bakit?"
Napalingon ako kay Bin nang tanongin nya ako.
"hah?"
"sino hinihanap mo?"
"a-ahh... si Ischyros. Nahiwalay ata saatin". nahihiyang sambit ko sabay layo sa kanya.
"ahh". sambit nito habang tumatango.
Nagpatuloy na kaming lahat sa paglalakad habang ako naman ay naiirita na sa kakadikit saakin ni Bin na parang nagkukunwaring binabangga ako.
"ano ba?!". sigaw ko dito. Nagulat man ay parang nagkunwari itong inosente.
"bakit? Anong ginagawa ko sayo?"
"ewan ko sayo!". sabay nagpahuli sa lakad. Randam ko nang pinagtitinginan kami kaya hindi na ko nagkulit pa.
May ibang umakyat sa puno para magmasid habang ako naman ay nakikirandam. Wala akong nararandaman ni isang trahedya na naganap dito sa lugar na'to pero may nararandaman akong isang tao na malapit saamin. Si Ischyros na siguro ito.
********
Ischyros Hatib's POV
Pasimple akong lumayo sa kanila nang walang nakakapansin pero alam kong nararandaman ako ngayon ni Hyat Sireba.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil maski ako nagulat sa nasaksihan ko kagabi. Hindi ko inaakala na kaya kong maglabas ng ganoong kakayahan.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...