Oneiro Twenty: Balak

14 0 0
                                    

Ischyros's POV



Takte!



Arrrggg!!!!



Kanina ko pa sinusubukang lumabas sa walang kwentang Pedoma (level room) na ito pero may pumipigil saakin na kung sino dahilan kung bakit nakakunot ako habang nakaupo at nakasandal dito sa punong ito nang kalabitin ako ni Hyat, hayyy....

Nakita kong napaatras ito dahil siguro sa agad na patitig ko dito ng may matatalim na tingin. Kanina pa ako naiinis dito sa babaitang ito, eh. Anong akala niya, hindi ko alam na lagi niya akong binabantayan, tsk!

Kahit anong layo ko ay siyang lapit naman nito na kinairita ko. Maski sa tagong lugar ay nakikita niya ako. 

Magsasalita na sana ako nang biglang makaramdam ako ng kaunting lamig at pagkakurap ko ng mata ay iba na ang inuupuan ko habang nagiba ang imahe sa likod ni Hyat Sireba at naging mapuno sa likod nito. 

Napakunot parehas ang noo namin at hula ko ay napansin niya din ito kaya nilibot ko na ang paligid at nagulat nang una kong natanawan si Phab na gulat nakatayo malayo sa pwesto ko. Tila nagliwanag ang mundo ko at natuwa ang mga kalamnan ko. 

Lalapit na sana ako pero nakita kong agad itong umupo at pumikit dahilan upang si Tia at Hyat nalang ang nagyakapan. 

Naglakad na ako pero agad na lumapit sakin si Kuile at tila agad akong nakakita ng itim na kapaligiran at naramdaman ko ang sarili ko na tumalsik. Takte! Malakas iyon at hindi pa ako nakapaghanda. tsk!

Tatayo palang ako ay agad na akong sinakal ni Kuile. "putik ka, pre! Akala ko pa naman ay kaibigan mo si Phab pero anong ginawa mo!, Anong ginawa nya sa'yo at nagawa mo siyang lasunin, hah?!". galit na galit na sambit nito at binigyan pa ako ng isa pang malakas na suntok, takte talaga!

"Kuile tama na yan!". narinig kong awat ni Hyat at maya maya lang ay naramdman ko na ang gaan sa itaas ko dahilan para makakuha ako ng lakas para makatayo.

Ramdam ko ang pagkalamog ng mukha ko at dugo sa nginpin ko, putek! Napapunas ko nalang tuloy ang braso ko sa bibig ko at medyo ginalaw galaw ko ang panga ko dahil sa pagkasuntok. Muntikan na ko maging bangag, tss.

Feeling ko tuloy ang pangit na ng mukha ko dahil sa namamanhid kong mata at ramdam kong bumubukol na ito. Baka mukha na akong isda kapag nakita ako ni Phab, bwiset kasing Kuile Honan na yan, eh.

"halika, gagamutin na kita". agad na sambit saakin ni Hyat at hindi na ako kumilos at hinayaang gamutin ang pangit kong mukha.

Napansin ko namang lumalayo na sila Tia at Kuile habang si Phab ay nakaupo parin at nakakunot ang noo. Ano kayang ginagawa nun?

Hindi ko alam pero kahit nakapikit ito ay maganda parin siya.

Napahinga nalang ako ng malalim at tinanggap na kung anong mangyayari sa buhay ko. 

****



Hyat's POV

Nang matapos ko nang pagalingin si Ischyros ay tumayo na ako at saktong ito ang pagmulat ni Phab at pag tayo. 

Naglakad na ako palapit sa kanila ni Tia nang biglang may nagsalitang babae. "nawala na ang limitasyon na pumipigil sa kakayahan natin".

Napalingon sa kanya ang lahat na parang nagtatanong at kung tumingin ay nagiisip kung baliw ba ang nakikita nila pero hinayaan ko nalang sila at hinintay ang mangyayari. Kanina pa kasi ao nakakaramdam ng kakaiba na hindi ko maipaliwanag. 

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon