Hyat Sireba's POV
Napalibot ako sa loob ng silid namin, ang Admeta. Malungkot man ay kailangan. Habang abala sa pagmamasid ay bigla nalang pumasok sa isipan ko ang nangyari noong nakaraang araw kung saan saktong sinambit saamin ni Binibining Isley ang tungkulin namin.
*Flashback*
Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto namin ay bigla nalang ako hinarang nang isang gwardia sabay sabing, "pinapahanap po kayo ni Binibining Isley". na kinagulat ko.
Bakit nya ko hinahanap?
Nagtataka man ay sumunod na lamang ako. Pagkarating ay bumungad saakin ang isang lalaki at dalawang babae na pamilyar saakin. Isa ang babae na nakaaway ni Phab at ang isa ay si Airicon na kasamahan namin. Bakit sila nandirito?
Tinulak ako ng marahan ng gwardia at pinahilera sa tatlo. Napabaling naman ako kay Binibining Isley na prenteng nakaupo sa upuan nito habang may lamesa na nakapagitan saamin. Nakangiti itong hinarap kami at nagsabi, "kamusta sa inyong apat. Alam kong hindi nyo alam kung bakit ko kayo pinapunta, tama?". walang sumagot kaya nagpatuloy ito.
"kayo ang napili bilang tagapagpahilom". napakunot ang noo ko at hindi napigilang magtanong.
"bakit po ako kasama?, ang alam ko po ay pakirandam lang po ang kakayahan ko?". takang sambit ko kahit na kinakabahan sa pagsabat.
"marahil ay hindi mo pa nga kilala ang sarili mo. Naalala mo pa ba ang ikalawang lebel?". nagtataka man kung paano nito nalaman ay napatango nalang ako sa sambit nya. "bago ka lumabas sa sarili mong pedoma ay naranasan mo ang matinding sakin, tama?". tumango ulit ako. At nagpatuloy ito.
"isa iyong senyales na hindi mo pa gaano nailalabas ang buo mong kakayahan. Ngayon ay sasabihin ko saiyo'ng kaya mong magpahilom ng mga sugat". kumuha si Binibining Isley ng isang cultro (maaaring kutsilyo o ibang bagay basta may tulis ang dulo) at hiniwa ang balat sa pulso nito.
Nagulat man ay nagawa pa nitong ngumiti at magsalita. "gamutin mo ang sugat ko". nakangiting sambit nito na kinagulat ko. Sasabihin ko na sanang hindi ko kaya ngunit biglang sumeryoso ang mukha nito. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang lumapit sa kanya at walang ano ano'y hinawakan ang pulso nito na may sugat para sana pigilan ang pagagos nito at maghanap sana ng panali para tumigil sa pagdaloy ngunit nagulat ako ng dugo nalang ang nakita ko at saradong balat na nito pagkatanggal ng kamay ko.
"salamat. Ngayon ay ikaw na ang bahalang umalam kung paano mo pa mapapalakas ang kakayahan mo". huling sambit nito bago niya pa sabihin ang iba pang impormasyon.
*End of Flashback*
Nagulat man ay hindi ko ito pinahalata sa lalaking kumalabit saakin. "ikaw ang tagapagpahilom namin hindi ba?". sambit nito bago ako tumango. "pasensya na po sa abala ngunit kailangan na nating magensayo". mabait na sambitn ito saakin.
"pasensya na...sige". sambit ko at sumabay palapit sa kanila.
Hindi lang ang pakikipagtulungan ko sa kanila ang kailangan ko ngayon kundi pati narin ang alamin pa ng panandaliang oras ang kakayahan ko. Sana matulungan nila ako.
*******
Adora's Group
Phab's POV
Ang lahat ng kagrupo namin ay may kanya kanyang kapangyarihan ngunit iisa lang ang puntirya namin. Nagumpisa kaming lahat sa isang maze. Sinubukan naming lahat pasukin ang isang maze ngunit pinalakasan namin ang hirap nito. Mas maganda nadin ito para machallenge ang lahat.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasiIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...