Oneiro Fifty!

3 1 1
                                    

Gumising ako ng maaga upang magensayo. Wala akong nakuhang balita kay Mom at Dad at wala naman dapat akong aasahang balita. 

Pagkabukas ko ng pinto ay isang malakas na pintig ang naramdaman ko sa dibdib dahilan upang mapahawak ako dito nang makita ko si Daumier Honan na nasa harapan na ng bahay ko.

Papasikat palang ang araw kaya't agad akong nagulat nang makita ko ito. Kumunot din ang noo ko kalaunan lalo na noong ngumisi na naman siya. "Mabuti naman at inagahan mo".

"Kakadating ko lang, Madam".

"Hindi ko tinatanong".

"Hahah!". Nakangising halakhak lang ang ginawa niya at rinig ko ang pagkalat ng boses nito sa kagubatan.

"Tss". Mahina kong singhal at nilagpasan ito.

"Ang ganda ng suot mong habitu (pandigmang suot), madam ah! Bagay na bagay sa katawan mo, wow". Papuri pa niya habang sinusundan ako.

"Tss, don't call me 'madam', it sucks". Ramdam ko ang pagsusuri niya sa likod ko maski ang pagngisi.

"Sure, babe!". Nilingon ko ito at binigyan ng umaapoy na mata na kinataas ng dalawa niyang kamay ngunit hindi manlang natigil sa pagngisi. 

Balak ko pa sana itong takutin upang manahimik at magkaroon man lang ng hiya ay hindi ko na ginawa dahil napakaisip bata ng gawaing iyon. Mas pipiliin kong ituon ang pageensayo kaysa sa presensya niyang nakakabanas.

Tumigil kami sa kalagitnaan ng kagubatan na may matatayog na puno. Nilingon ko ang lalaking sumusunod sa akin na dahan-dahang ngumisi mula sa pagkakaseryoso niya kanina.

"Maaari ko bang malaman ang kakayahan mo?".

"Bakit madam?".

"Mananatili tayo sa kakayahan mo at papalakasin pa ito".

"Sige madam, subukan mo ako". Mababaw itong ngumisi na tila ayos lang sa kaniya at walang halong kayabangan.

Maghahanda pa lang siya ay agad ko nang sinipa ng paangat ang kaliwang paa ko patama sa panga niya ngunit nakaiwas siya at hinawakan ng mabilis ang paa kong nanatili sa hangin. Umikot ako para sipain siyang muli gamit ang kanan kong paa ngunit hinawakan niya din ito ng malakas at mabilis na hinila ang dalawang iyon palapit sa kaniya habang nakalutang pahiga ang katawan ko sa hangin na kinabigla ko dahilan upang mapaangat ako ng katawan at mapakapit sa leeg niya. 

Nakita ko pa ang pagngisi nito bago pinayakap ang mga hita ko sa bewang niya na muntikan ko ng kinamula ngunit bumalik ako sa wisyon dahilan upang malakas ko itong itulak sa dibdib at kita ko ang epekto nito sa kaniya. 

Tumagos siya sa halos limang matatayog na puno na kinagulat ko na naman mabuti naman at mukhang napigilan niya ito at mabilis na lumapit sa akin. Binigyan niya ako ng kunot na noo na kinahakbang ko ng isa.

"Hindi mo pa ata kayang kontrolin ang kakayahan mo, madam at mukhang ikaw ang nangangailangan ng guro". Binalik ko ang kunot sa kaniya.

"Sinadya ko iyon kung hindi mo pansin--- Dawmyer".

"Mukha ngang sadya dahil sa pagkagulat ng mata mo, hmm". 

"Anong ibig mong iparating?".

"Phab...". Dahan-dahan itong lumalapit sa akin habang binibigyan niya ako ng seryosong ngisi.

Mabilis itong nawala sa harapan ko.

"Ang ganda mo, Phab". Mabilis na naglakbay sa buong mukha ko ang panlalamig nang bulong ito sa tainga ko sa likod.

Libo-libong ala-ala ang nagpakita sa isip ko sa sinabi niya. Upang matigil ako sa pagkagitla at agad ko itong nilingon ngunit wala na siya sa likod ko. Nilibot ko ang mata ko at nakita ko siya sa malayo. Kitang-kita ko ang ngisi niya habang mabalis pa din sa pagtibok ang puso ko.

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon