Binibining Isley Monban's POV
"Kumusta sa inyo?!". Masayang bati ko sa mga mamamayan na bumalik muli sa gitna ng pagtitipon.
Kahapon ay hindi muna kami nagsimula dahil gusto naming ipahinga muna ang utak ng mga mamamayan na naninirahan dito sa bayan ng Hatib. May mga maliliit lang na detalyeng pinausapan ang dalawa kong kuya ngunit pagkatapos din noon ay pinabalik muna nila sila sa kanikanilang mga bahay upang magsiayos.
Wala pa ako nang mga oras na iyon ngunit nagmamasid ako sa kanila kaya ngayon ay bumisita ako sa kanila para kamustahin ang mga nangyayari sa paligid. Wala lang talaga akong magawa dahil hindi ko naman masyadong ginagamit ang katawan ko dahil mas gamit na gamit ko ang utak ko.
"Magandang umaga po, Binibining Isley. Ayos lamang po kami". Magalang na balik pabati ng mga tao sa harap namin.
Nandito na rin sila Morti at Tiust. Buong araw silang nandirito simula kahapon para simulan ang pagsasaayos sa bayan ng Hatib. Maliban sa paguutos nila sa mga Peregrinantes namin ay nais din nilang malaman kung paano gagawing maaliwalas ang paligid.
Kung papansinin mo ay napakadumi ng daanan at mga pader ng bahay. Tila bahay talaga ng mahihirap. Ibang iba sa bahay ng mga Sireba, Honan, Covah, Lubido, at Binah na sobrang linis ng bawat sulok dahil sila ang may pinakamaunlad na bayan. Lahat ng mga nakatira doon ay mga mayayaman kaya malaking pagkakaiba ang makikita mo sa bayan nila sa bayan ng Hatib. Hindi ko halos maisip kung paano lumaki si Ischyros sa ganitong lugar na dapat ay lalaki sana siyang nakatikim ng kasiglahan.
Kung hindi lang dahil sa pagmamahalan nila Kuya Morti at Eefe---
"Isley!".
"Hehe, sorry naman". Biglang usal ko nang suwayin ako ni kuya Tiust mula sa pagiisip ko.
Let's go back na nga lang sa ginagawa nila. So ayon nga, kahapon pa wala si Ischyros at hindi na kami nagalala dahil alam ko na naman kung nasaan siya ngayon. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Nakakagulat lang na marunong pala uminom ang batang iyon. Nakakatuwa lang at naging masaya siya nang nakabalik na siyang muli dito.
Bigla kong naalala ang kalagayan ng iba't ibang bayan. Sana ay nagsasaya na din sila dahil makakasama na nilang muli ang kanikanilang mga asawa. Mabuti nalang at kakaunti lang ang may magasawa sa bayan ng Hatib at iba't ibang bayan. Hindi nga lang namin sila pinayagan na magsama dahil kailangan naming ayusin ang pagsasama nila. Kailangang matapos muna namin ang pagsasaayos dito bago sila magsama. Nakakahiya naman kasi sa kanila kung napakadumi ng pagsisiyahan nila.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako ngayon ay magdedeklara na maaari nang simulan ang pagsasaayos ng ating bayan na Hatib. Naway samahan ninyo ako sa pagsasagawa ng kalinisan at kaayusan sa ating bayan. Sa lahat ng nandirito ay batid kong lahat kayo ay sumasang-ayon na sa akin na panatilihing maayos at malinis ang bayan na ito. Tutugunan ang kakulangan, pangangailangan, at nais na ipatayo upang mas maging maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan sa bayan ng Hatib". Mahabang paliwanag ni Kuya Morti.
"Maaari na---". Napatigil sa pagsasalita si Kuya Morti nang biglang may nagtaas ng kamay sa kagitnaan ng talumpati.
"Ano ang saiyo?". Tanong ni Kuya Morti dito.
"Magiging maayos nga ang ating pamumuhay ngunit paano na ang magiging katawagan sa amin? Mananatili pa din ba itong Adynamos? Napakalaking insulto pa din ang katawagan na iyon para sa amin kahit matagal na kaming namumuhay dito". Paliwanag ni Manong Karcio base sa nakikita ko sa mantab ko.
"Sang-ayon!".
"Tama!".
"Paano na nga ba ang mangyayari?".
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...