Rinig ang ingay at hiyawan ng mga taong nagmula sa iba't ibang bayan na dumayo pa papunta dito sa bayan ng Sireba. Kitang kita sa mukha nila ang pagasang manalo at makakuha ng panalo mula sa tinayaan nilang manlalaro.
Kahit na ilegal ay masaya naman dahil mas naipakikita ng mga manlalaro ang kakayahan nila. Lalo na't wala pang nagaganap na initan ng magkabilang mananaya dahil alam nilang kapag may umangal sa tinaya nila ay maaari silang maialis sa Mopisio kapag nagkataon ngunit marami kang maririnig na malalakas na pagbabara ng bawat isa o pangiinsulto.
Mabuti nalang at malawak ang loob ng Mopisio maski na ang Momerom (tayaan at panuoran) nito. Sa loob nito ay may bilihan na din ng pagkain. Kapag nasa loob ka nito ay bumabagal ang takbo ng oras kaya kapag pumasok ka ng maaga, paglabas mo ay maliwanag pa din.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakikita ko. Mukha lang akong kalamado pero hindi ako kagaya ni Phab. Halata sa mukha ko ang pagkainis sa hindi malaman na dahilan.
"Go, Sireba!".
"Talunin mo 'yang adynamos (mahihina) na iyan! Woohh!".
"Takte, hindi na 'yan makakatayo! Talo na! Obus! Obus! (sumuko ka na o susuko na 'yan)".
"Hoy, paniguradong Covah ang mananalo! Umuwi na kayo!".
"Kayo ang umuwi, mga baghit! (Mabaho or madungis)".
Rinig kong sigawan ng dalawang magkakabilang panig habang tahimik lang kaming mga babae sa tabi at nanunuod. Kung titignan ay mananalo ang Sireba. Bakit? Kasi doon kami nakataya. Malaking datong ang makukuha namin kapag nagkataon.
"Sa tingin mo, sino mananalo?". Biglang tanong ni Tia sa akin habang nakatingin pa din sa laban.
"Covah".
"Ha? Bakit? Eh, nanghihina na nga siya, oh". At tinuro niya ang lalaking nagrerepresinta ng bayan ng Covah.
"Puwede pa siyang bumawi. Malay natin, hindi pa niya nilalabas ang pinakamlakas niyang kapangyrihan". Pagngisi ko.
"Hmm, sa bagay. Eh, bakit ka sa Sireba tumaya?".
"Kasi sa tingin ko, makakabawi ang Sireba". Ngising sagot ko.
"Bin". Bigla kong tawag dito.
"Oh, bakit, Hyat?". Lingon nito sa akin na kinaiwas ko ng tingin. Bigla akong nailang.
"K-kilala mo ba ang manlalaro ng Covah?".
"Hindi, eh. Pero kilala siya ni Lity".
"Pinsan ko". Singit ni Lity sa usapan namin.
"Eh? Bakit ang tanda naman?". Singit ni Hid.
"Tsk! Malamang, she's disguising, duh". Taray pa nito.
"She? Babae".
"Yes".
"Eh, bakit mukhang lalaki?!".
"Kaya nga disguise diba?! Duh!".
"Sabi ko nga".
Saglit tumigil ang usapan at tumutok na kami sa naglalaban. Kitang kita ko ang biglaang panghihina ng Sireba na kinagulat ng lahat. Maski ako ay nabigla at naabala. Sana naman ay hindi matalo ang Sireba. Sayang talaga ang tinaya naming sampung pilak.
Natumba ang Covah nang biglang makatayo ang Sireba ngunit kita ng lahat ang pagangat ng kamay ni Covah na nakatutok kay Sireba. Naglabas ng isang maitim na usok ang kamay ni Covah hanggang sa matakpan ang buong labanan nila dahilan upang hindi namin masubaybayan ang susunod na pangyayari.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...