"Miss".
Mabilis kong itinanggal ang braso ko sa pagkakahawak ng lalaking tumawag sa akin. Gulat na may halong kaba ako na tinignan ito.
"Sino ka?". Matapang na wika ko.
Hindi ito sumagot at seryosong tumingin sa akin. Hinanda kong umatras nang pinagmasdan ako ng lalaki mula ulo hanggang talampakan na nagbigay sa akin ng takot. Sana hindi gaya ng nasa isip ko ang mangyayari. Ayaw ko nang maulit ang pangyayari noon.
"Anong kailangan mo sa akin?". Tanong kong muli.
Sa tanong na iyon ay mabilis itong tumingin sa mata ko at ngumiti dahilan upang lumabas ang naninilaw at matutulis nitong ngipin. Malalaki ang mga mata nito at madungis ang pananamit. May kayumanggian ang kulay at may katangkaran. Kung pagmamasdan ay mukha itong mabaho at nakakadiring nilalang. Tila hindi pinaliguan o nilinisan ng isang taon ang imahe nito. Hindi pa din ito nagsasalita at nagsimula nang naglakad papalapit sa akin.
"Anong gagawin mo?!". May kalakasang wika ko dito dahilan upang huminto ito.
"Hehe". Wika nito habang nakatabingi ang mga ulong minamasdan ako.
Tila huminto ang paligid at mabilis itong tumakbo palapit sa akin na may nakakatakot na ngiti. Mabuti nalang at mabilis akong gumalaw at umiwas dito.
"Pagbigyan mo na ako, miss". Wika nito na tila lasing o lulong sa ipinagbabawal na gamot.
"Umalis ka na! Hayaan mo na ako!".
"Isa lang miss, hehe". Wika nitong muli at hinabol ako ng mabilis.
Wala na akong magawa kundi ang gamitin ang lakas at kapangyarihan ko.
Napaatras ito na tila natakot ngunit hindi nito napigilan ang paghabol sa akin at nahawakan ako nito sa braso. "Isa beses lang, papalayain din kita, pagbigyan mo lang ako". Nagmamakaawa nitong wika.
"Manahimik ka!". Nandidiring wika ko sabay gamit ng protekta at binigyan ito ng malakas na kuryente sa katawan.
Natumba ito ngunit hindi ko aakalaing makakabangon pa ito. Nakita kong may nilabas itong cultro (matulis na bagay gaya ng kutsilyo). "Hindi ako natatakot sa kapangyarihan mo, h'wag ka ng manlaban. Pagbigyan mo na kasi ako". Wika nito habang dahan dahang lumalapit sa akin.
"Lumayo ka, kung hindi ay baka mapatay kita!".
"Hehehe!". Demonyong tawa nito.
Gulat akong napaatras nang biglang iwinasiwas ng lalaki ang cultro nito dahilan upang madaplisan ako sa braso. Mabilis akong napatingin sa daplis at agad ding binalik ang atensyon sa lalaki ngunit nawala na ito sa paningin ko.
Inilibot ko ang panignin ko at hinanap ito ngunit hindi ko na siya masumpungan ni anino nito. Sinubukan kong muli na alamin ang mangyayari mamaya ngunit napahiyaw ako sa inis nang walang akong makita. 'Peste!'
Nanggigigil akong sumuntok sa puno at hinayaang magkasugat ang kamao ko. Naghintay lang ako ng ilang saglit at naglakad na. Sana ay hindi na bumalik ang lalaki. Ayaw kong maulit muli ang nakaraan. Bumalik sa akin ang panginginig. Huminga nalang ako ng malalim habang naglalakad.
*Bogsh!*
Sa kalagitnaan ng paglalakad ay biglang may tumulak sa akin dahilan upang mapahiga ako sa lupa. Akmang tatayo na ako nang biglang sumampa sa ibabaw ko ang isang lalaki. Hindi ako nagkakamali! Ito ang lalaki kanina!
"Paisa lang ako, Miss. Hehe". Naghihingalo na tila hayop na wika nito.
Nagpumiglas ako ngunit malakas ang kapit nito. Natatakot na ako lalo na nang may maramdaman akong cultro sa leeg ko. Binabaon niya ito sa tuwing gumagalaw ako.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...