Oneiro One: Welcome

62 2 0
                                    

Phab's POV

Blanko. 

Iyan ang nakikita ko kapag pilit ko pang sinisilip ang nakaraan ko. Wala pa ring kwenta. Sumasakit lang ang ulo ko! 

Mga panahong masaya kaming naglalaro ng mga kaibigan kong si Hyat at Tia lamang ang tanging lumalabas sa paningin ko. Mayroon pang may kalabuang pangyayari na tatlo kaming kinuha ng mga malalaking mama na balot na balot ng itim na tela. Mata lamang ang nakikita ko. Pagkatapos noon ay malabo na ang lahat.

Nandito ako sa tuktok ng bundok para pilit na alalahanin ang nakaraan ko, ngunit limitado lang ang nakikita ko. Ako si Phab (fab), isa akong kabilang sa mga bata na na-kidnap noong limang taon pa ako at isinanay para isabak sa labanan.

Kung papansinin nyo ang itsura ko ay mukha talaga akong sundalong babae na malinis. Maputi, matangkad, katamtaman lang ang hubog ng katawan, at may mahabang buhok pero nakatali gamit ang sanga ng puno. Mabuti nalang at matibay ito at halos isang taon ko na itong ginagamot. 

Dinilat ko na ung mukha ko at nadismayang tumitig sa malayo na may kunot ang noo. "Tsk. Pang pitong libong subok ko na ito at labing pitong taon na akong paulit-ulit na pumupunta rito sa mahangin at tahimik na bundok na ito. Ang ending ay hindi ko pa rin nakikita ang gusto kong makita. 

Ang makita ang mukha ng magulang ko. 

Base sa nadiskubre ko sa aking sarili ay mayroon akong kakayahang makita ng malinaw ang hinaharap at ang nakaraan. Malinaw ko ring nararamdaman ang mga bagay bagay. Kaya kong makakita ng mga elemento, kulay ng energy field, maging ang mga bagay na hindi kayang makita ng isang ordinaryong tao (Clairvoyance) . Kaya ko rin makaintindi ng iba't ibang linguwahe (Aligist) at nakakakuha agad ako ng impormasyon o ideya at karanasan kahit hindi ko pa ito nararanasan (Claircognizane).

Tumayo na ako at nagpagpag dahil sa damo lang ako umupo. Nagsimula na akong humakbang pababa ng bundok papunta sa kuta nang makasalubong ko si Tia. 

"Phab!" Tumatakbong tawag sa akin nito palapit. "San ka na naman ba pumupunta?! Tapos na ang break natin. Halika na!" singhal niya sa akin sabay hila.

Walang ungat-ungat ay nagpa-anod ako sa hatak niya.

Kita ko pa sa mukha ni Tia ang pagkakunot na may halong pag-aalala lalo na at baka sa kauna-unahang pangyayari ay mahuli akong tumatakas sa kuta. Tanda ko pa noon unang araw na malaman ko ang kakayahan niya. 


Flashback

"Tia, Hyat, nakita niyo ba si Mingming? Iyung alaga kong daga. Nawawala siya, huhu." wika ko sa dalawang tulala habang ako ay halos maiyak na.

"Sandali, Phab. Huwag ka muna maingay, shh. Mukhang naririnig ko ang daga mo." sagot ni Hyat na kinabuhayan ko ng loob.

"Talaga?!"

"Siyempre biro lang! HAHAHA!"

"Ano ka ba, Hyat. Tumigil ka nga, umiiyak na nga itong kaibigan natin. Ako nalang maghahanap, Phab para sa iyo at kay Mingming," singit ni Tia at tumango-tango lamang ako.

"Ano, Tia, nakita mo ba?" wika pa ni Hyat makalipas ang isang minuto.

"Ayun!" Tumuro pa sa kagubatan si Tia na kina-taka namin.

"Ha? Saan?"

"Ayun oh! Ang lakas ng yapak niya. Mukhang papunta siya sa direksyon--- papuntang kuwarto ng mga lalaki!"

"Waaahhh? Ano? Saan? Tara na habulin natin!" tarantang wika ko rito. 

Makalipas ng ilang minuto ay nakita ko na si Mingming. Ang galing ni Tia. Paano niya agad nalamang papunta roon ang alaga ko?

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon