Third Person's POV
Napatingin lang si Phab kay Kuile na napagulong gulong hanggang sa makatayo ito ng napapahiya ngunit mabilis naman naiiwas ni Phab naiwas ang kanyang paningin kay Kuile nang lumingon ito sa kanya.
Napalingon si Phab sa kasamahan nito na nahuli kaya nakita niyang tumatakbo na at napapatalon na din ang iba pababa dito ngunit nagulat siya nang sunggaban ng kabayong nangangalit ang lalaking nahuhuli mabuti nalang at natulungan ito ni Seneca.
Maski si Korise ay napatingin din kay Seneca at hindi nito mawari kung bakit nakaramdam ito ng inis, kung inis nga ba talaga ito. Napaiwas nalang si Korise ng pabalang at sinabi sa sariling mamaya na kakausapin si Seneca kapag nakakuha siya ng tiyempo.
Pinauna na ni Phab ang lahat na tumakbo pagkababa nila sa kanina nilang ginagalawan habang siya ay nagpahuli para masubaybayan nito silang lahat. "bilisan niyo!". sigaw niya dahil nagulat siya nang makatalon ang mga kabayo pababa dito.
Nakaramdma na ang lahat ng kaba nang panandaliang yumanig ang tinatapakan nila pagka baba ng mga kabayo.
Sinubukang gamitin ni Phab ang kapangyarihan nito kaya napaatras ang nangunguna sa limang kabayo. Sumabay na rin itong tumakbo para hindi na mahabol pa. Hindi niya alam kung anong klaseng kabayo ito ngunit nakakaramdam ito na lahat ng hayop dito ay mapanganib kahit na mababait kung tingnan. Maski insekto o ano pang nilalang nakaya kang pabighaniin sa kagandahan nitong katauhan.
Habang tumatakbo si Phab ay ramdam na niya ang hininga ng kabayo sa likod nito habang may nailalabas na usok kaya mas binilisan nito ang pagtakbo at pinangunahan ang lahat para makita ang sunod naming daraanan.
Nang makalayo na si Phab ay doon lamang naglabas ng apoy ang kabayo mula sa ilong nito. Mabuti nalang at nakaya pa ni Phab na agad na tumakbo.
Sinubukan ni Phab na silipin ng panandalian ang kahaharapin nila sa dulo ng daanan na ito. Nabigla siya dahil bangin na ulit ang dulo nito kaya wala na silang choice kundi ang labanan ang nangangalit na kabayo.
Tumigil ito sa pagtakbo pagkamulat ng mata at hinintay ang lahat na makalapit sa kinatigiln nito. Napataka man ang lahat ay napatigil nadin sila.
"bakit tayo tumigil?". sambit ni Res Sireba (lalaki).
Napalingon muna si Phab sa mga kabayo na papalapit na sa kanila bago ibaling kay Res ang tingin. "tanungin mo sarili mo". pabalang na sambit ni Korise dito.
Tinarayan nalang ito ng ibang babae kasama si Seneca dahil sa kasungitan. Ito (Res Sireba) kasi ang kinaiinisan niya kanina dahil sa pagligtas ni Seneca dito. Hindi nalang din ito nag salita at nanahimik na dahil naalala niyang hindi sila naglalaro kaya umayos na ito.
"kailangan na nating lumaban". seryosong sambit ni Phab. "hindi natin ito malalagpasan kung hindi na tayo lalaban".
"eh, paano, puro naiisip mo ay takbo!". singhal ni Kuile.
Napataray nalang ito at napa "tss".
Habang abala ang lahat ay tahimik na lumapit paharap si Gerald Honan papunta sa kabayo at dahan dahang iniangat ang kamay. Ang iba ay napalingon dito at hanggang sa nakuha na ng lahat ang atensyon nito.
Nagtataka man ang lahat at napangisi nalang si Phab dahil alam na niyang mangyayari ito kaya hinintay na niya lang si Gerald na tapusin ang kabayo ngunit mas napangisi pa ito at napa cross arm nang lumitaw sa tabi din nito ang isang babae na seryosong tumulong kay Gerald.
Pagka angat ng mga kamay ni Gerald ay siyang paglabasan ng mga tubig mula sa mga damo sa paligid at halaman. Habang si Renatus Sireba (babaeng tumutulong kay Gerald) ay nakikuha ng kalahati sa tubig na inilabas ni Gerald upang gawing yelo.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...