Oneiro Nineteen: Kasamaan

13 1 0
                                    


Third Person's POV



Habang ang lahat ay dumadaan sa pagsubok, ang nakatataas naman na si Binibining Isley ay pinapanood sila.

Kunot ang noo at tutok si Binibining Isley kay Ischyros na dahan dahang humiwalay sa kumpulan na eksena kung saan ay ginagamot ni Hyat si Fia.

Kita nito ang pagupo ni Ischyros at pagsandal sa likod ng puno maski ang pagpikit nito. Ginawa ni Isley ang kaniyang makakaya para makita niya ang nasa isip ni Ischyros at hindi nga siya nagkakamali dahil sinusubukan nitong makatakas sa ilusyon na ginawa nila. 

Mas pinabuti ni Isley na patatagin ang ilusyon para mas maituon na nya lang ang sarili sa labanan at hayaan na lang ang ama nito ang gumawa ng pagsubok.

Sa kabilang dako ay hapong hapo at nagpupuyos sa galit si Morti na ama amahan ni Ischyros. Hindi na siya mapakali at mas piniling lapitan na lang ang kapatid nito para magtuos. Matagal na itong nagtitimpi at gusto na niyang pasabugin ang galit na matagal na niyang inipon. 

Sinira na niya ang matagal na dapat nasira ngunit tiniis niya ang lahat para lang konsensyahin ang nakatataas na si Ginoong Tiust ngunit parang wala lang itong pakielam. 

Walang guwardia ang pumigil sa kanya na ikinataka niya ngunit ang totoo ay iniutos ito ni Isley para makasugod na sa puder nilang magkakapatid.

Nagpatuloy si Morti sa paglalakad pagkatapos sirain ang limitasyon dahilan upang mabigyan ng malinaw na pangitain si Phab sa nagyayari. 

Habang abala ang lahat na kabataan sa pagtanggap ng pagsubok ay siyang pagpapatuloy ng magaganap na alitan sa pagitan ng magkakapatid.

Habang naglalakad si Morti ay sinimulan niya ang paglalaho o teleportation para mabilis na makapunta sa dati niyang trono, tss.

Nakita niya dito si Isley na nakangiti at masaya dahil nakita na niyang muli ang kuya niya (bunso si Isley at pangalawa si Morti habang panganay si Tiust). "masaya akong makita kang muli, kuya". at niyakap ni Isley si Morti. 

Napatigil si Morti panandalian at nawala ang pagkakaunot ng noo dahil sa yakap ng kapatid nito. Mabuti at palangiting kapatid/bunsong babae si Isley kaya alam niyang hindi ito pagbubuntungan ng galit ng kuya niya dahil sumusunod lamang ito sa mga kuya niya.

Ngunit ng maalala ni Morti ang kuya nila ay napahiwalay ito at inilibot ang paningin. "kuya...". tawag ni Binibining Isley kay Tiust bilang paalam na nandito na ang isa pa nilang kapatid.

Biglang lumitaw si Tiust sa pintuan at seryosong tinignan si Morti. "bakit ka nap---". hindi nito natuloy ang nais isambit dahil agad na nasapak ni Morti si Tiust. Sa pagsapak na iyon ay parang tumigil ang mundo ng mga lumalaban na kabataan sa pagsubok dahil nabitawan ni Tiust ang kakayahan nito na pagalawin ang ilusyon sa loob ng ginagalawan nila Phab. 

Nagulat ang lahat ng kabataan dahil parang nawala ang harang sa bawat grupo at nakita nilaa ng isa't isa dahil nga nawala ang ilusyon. Napunta ang lahat sa loob ng gubat at pansamantalang natigil ang labanan. Natutuwa man ang iba ay nagtataka naman si Phab kaya agad itong umupo at hindi pinansin ang kaibigan nito. Napayakap nalang tuloy sila Tia at Hyat nang hindi na dinamay si Phab.

Sa pagkaupo nito at sinimulan niya ang pagmemeditate at sinubukang makita nag nakaraan at nagawa niya nga.

Sa kabilang banda. Napangisi si Tiust at parang walang sakit na pinunasan ang dugo mula sa labi nito. "hindi mo parin ba tanggapp?". parang nangaasar na sambit nito habang nagpupuyos na naman sa galit si Morti dahil parang walang nagbago dito at masama parin hanggang ngayon.

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon