Oneiro Twenty One

8 1 0
                                    


Hyat's POV



Nakaupo ako sa isang puno na bagsak na habang napapalingon kay Ischyros mula din sa malayo at nagiisa. 


Tahimik lang ako at pinakikiramdaman ang nararamdaman ngayon ni Ischyros kahit na tahimik lang ito. napansin kong napalingon siya sa gilid nito kung saan nandoon karamihan ang iba't ibang grupo.


Sinundan ko ang tingin niya at napagtantong si Phab ang pinagmamasdan niya. Si Phab nga naman, simpleng babae pero kinahuhumalingan ng marami, tsk tsk tsk.


Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Naiinis ba o naiinggit o--nagseselo---hahaha, anong klaseng utak to!. Pinagiisipan ko ng masama ang sarili ko, pshh!


Ang pangit pangit naman ng ugali ni Ischyros, ih. Pshhh!


"Oh, napapakunot ka ng noo diyan.."


Napalingon ako kay Bin na lumapit saakin at tumabi sa inuupuan ko. Napakunot naamn ako ng noo sa ginawa niya.


"huwag mo nga akong istorbuhin!, pshh". taray ko dito.


"hindi naman ah, nagtatanong lang". kunot noong sambit nito saakin. 


Napatahimik nalang ako at hindi na nakipagtalo. Pero maya maya ay nagsalita na naman ang isa.


"alam mo, hindi ko alam kung bakit ang sungit mo saakin?". seryosong sambit nito habang nakatingin sa malayo.


Napalingon naman ako sa kanya at napaitig nalang. "Huwag mo kong titigan, nakakailang". seryoso paring sambit nito.


Ang daldal naman ng lalaking to, psh!


Magsasalita na sana ako at ibubuka na ng bibig nang bigalng may tumawag kay Bin. 


"Bin!"




"oh, Lity!"



Sigawan nilang dalawa, psh!


Napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka. Magkakilala sila? Kailan pa?


"bakit?". masiglang ngiti ni Bin kay Lity na kinakunot ko. Magkakilala nga. Psh!


Napatingin muna saakin si Lity habang binigyan niya ako ng pagkadigusto ng mukha bago sinagot si Bin.


"wala lang. Nakita kasi kita kaya lumapit ako". masigla ring tugon nito sabay singit sa gitna namin ni Bin kaya napatayo na ako lalo na't muntikan na akong mahulog. 

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon