Oneiro Four: Ang Kaaway

28 2 0
                                    

Tia Sireba's POV

Pabalik na kami ng naisipan kong magpahangin at libutin ang buong paaralan. Base sa Nakita ko sa pader na katabi ng pintuan papasok sa kwarto namin, nandoon nakasulat ang blue print ng paaralan. Kung papansinin mo ay kalahati lang nito ang nakaprinta ditto habang ang iba ay puro itim na.

Napataka nalang ako sa sarili ko. Siguro isa iyong portal kung saan pag pinasok mo ay napaka lawak katulad ng sa Bhagit na sinakyan naming. Kani kanina lang ay sinabihan kami ni Kuya na kailangan na nya kaming iwan kasama ang alagad nito dahil kailangan na daw naming matutong tumayo sa sarili naming mga paa kaya simula ngayon daw ay kailangan naming maging maayos at huwag masyadong maalam sa mga bagay bagay (curious).

Napunta ako sa taas ng paaralan kung saan ay kalahati lang bukas at may bubong sa taas ko.  Makikita mo dito ang malawak na paligid at parang wala kang masusulyapan ni isang mga bahay o ano mang nakatayo sa palibot nito kundi isang malawak lang na lupain na may mga tabas na, na damo.

Napangalumbaba nalang ako sa harang na nakaprotekta sa bukana para walang mahulog (grill). Dahan dahan kong pinikit ang aking mata at pinakiramdaman ang presensya ng isang lalaki na nakatingin sakin at nananatili paring nasa likod ko.

Anong balak nya dyan!, titingin lang?. Tsk!

Hindi na ko nakapigil kaya ni lingon ko na ito ngunit nagtaka ako dahil wala naman akong nakita. Pero nararamdaman ko sya ngayon. Nakatingin parin ako sa direksyon katapat ng pinto kung saan ko sya naramdamang sumusulyap sakin.

Nanatili akong walang kahit na anong pinapakita ng emosyon hanggang sa maramdaman kong naglalakad ito palapit sakin at nang maramdaman kong may malamig na hangin na nagpalipad ng mahina sa buhok ko ay nalaman kong dinaanan nya lang ako.

Bigla ko nalang ito sinakal sa kung saan ko sya ma hawakan. Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko na naka hawak sa kung saan mang parte nito at mabilis nyang tinanggal. Hahawakan ko sana sya pabalik kung saan pero hangin nalang ang na hawakan ko. Para tuloy akong bulag na naghahanap ng ano.

Nagsalita na ko dahil sa inis. "maduga ka kung makipaglaban lalaki!... Magpakita ka!". Tamang sigaw ko sa kaharap ko na alam kong sya lang ang makakarinig. Baka kasi may makakita sa amin at may umawat. Pshhh!. Mahirap na...

"at bakit ko naman gagawin yang sinasabi mo, babae?, huh!". Singhal nito sakin kahit di parin ito nagpapakita.

"anong kailangan mo?".nakakunot ang noo ko habang nagpapalingon lingon dahil nararamdaman kong naglalakad ito habang nakatingin sakin. Tsk!

"wala naman... Nakita lang kita kaya sinundan kita. Di ko alam na mandarama ka, Haha.."

"magpakita ka na kasi!—siguro pangit ka kaya nahihiya kang magpakita noh?..." nakangisi kong pangaasar. Bat ayaw mo pa kasing lumabas, lalaki?!. Tsk!

"a-a-ano?!... Huh!, baka pag nakita mo ko... Bigla ka nalang tumalon dito sa harang dahil sa sobrang kilig, huh!". Rinig kong tugon nya na may pagka hangin.

"Tsk!, aminin mo na kasi...". Nakangisi kong pangaasar. Sakay an lang ng pambibiro mo, lalaki. Tsk! (smirk*)

"aba't..". Biglang amba nito na ikinagulat ko dahil bigla nalang itong lumitaw sa harap ko.

B-b-bakit... Ang gandang lalaki naman nito?!. "haiisst!... Sabi ko na mabibighani ka sa ka gwapuhan ko, eh. Tsk Tsk Tsk!".

Napaawang nalang ang bibig ko dahil sa pinagsasabi nitong lalaking to. Tsk!. Dahil sa wala akong magawa ay hinablot ko ang leeg nito at si bakal gamit ang kaliwang kamay ko.

Nagulat man ito sa ginawa ko ay mabilis naman syang naka ganti. Parang hangin lang kanya ang paghawi sa braso ko na konektado sa pinanghahawakan ko ng leeg nya. Sabay tusok ng dalawa nyang daliri sa noo ko. Na inilagan ko naman.

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon