Ilang araw ang ginugol ng lahat na naatasang kabataan upang mapaghandaan ang panibago nilang misyon. Unti-unti nang natututo si Phab sa pagkontrol ng kapangyarihan niyang hindi inaasahan sa tulong ni Daumier.
Si Tia ay isa sa sasama pati na din si Hyat at Ischyros maliban kay Hid. Si Bin ay pinapanatiling payapa ang buhay sa bayan ng Honan ngunit isinama siya sa misyon. Si Lity at Zach ay sabay na nagsasanay para din sa misyon. At ang iba pa. Walang nakakaalam kung sino-sino ang mga kasama nila sa misyon, ang pageensayo at pagpapalakas ay ang tanging ginagawa nila.
Si Tiust ay muling itinatayo ang paaralang sinira ni Ikrisha. Pinatatag niya ito at nilagyan ng mas makabagong proteksyon upang hindi basta-basta makapasok ang ibang taong hindi naman hangad ang magaral.
"Tang--- tang tong tong pakitong kitong, alimango~". Kanta ni Letsio na tila hindi tinuloy ang pagmumura sa harap ni Zona habang nagsasanay sila.
Napacross-arm nalang si Zona sa pagkadulas ng nobyo nito. Sa ilang taon na panliligaw ni Letisio ay naging sila na din.
"Handa na ba ang lahat? Tandaan, If you lose, Repeat! Kung matatalo kayo sa labanan,maaari kayong mabuhay muli ngunit sa ibang katawan naman. Uulitin ko, handa na ba ang lahat?!".
"Opo, Ginoong Tiust!".
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...