Oneiro Three: Ang Mga Nakaligtas

34 2 1
                                    

Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito hanggang sa biglang bumukas ang ilaw at lumiwanag ang buong paligid, dahilan upang Makita ko ang loob ng kwarto. Isang malawak na putting kwarto at malalaking itlog ng...¡¦.butiki. Sa kabila ay katabi nito ang isang maliit na lawa na may malalaking mga butete (anak ng palaka) na masayang lumalangoy satubig nito.

Hindi parin ako makagalaw dahil ramdam ko parin ang isang malaking nilalang na nasa likod ko. Tulala lang ako at hindi alam ang gagawin. Paanong nalaman nila ang kinakatakutan ko?.

Dahandahan akong lumayo sa pader at sa unang hakbang palang ay naramdaman ko na ang lagkit ng sahig nito kaya napatingin ako sa baba ko.

Napatigil na lang ulit ako at hindi na alam ang gagawin. Bigla nalang akong kinilabutan at unti unting nawawalan ng hininga. Nakatingin lang saakin ang mga palakang maliliit pa namay ibat ibang kulay.

kailangan ko taong harapin.

.

kailangan ko taong harapin.

.

kailangan ko taong harapin.

.

Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko na nagbigay saakin ng lakas upang lumingon sa bawat sulok ng kwartong ito na mas nakapagpalala ng pangingilabot ng katawan ko.

Kitang kita ko ang naglalakihang isang palaka na sa tingin ko ay nanay ng mga buteteng lumalangoy at palakang nasa paahan ko, at dalawang malalaking butike. Ang isang butike ay iyong nasa pader kanina at ang isa ay nasa kisame. Napalingon ako sa pinto at---- nasaan na ba ang pinto!?.

.

Kinakabahan na ako!

.

Mas natatakot ako dahil lahat sila ay nakatingin saakin. Hanggang napansin ko sa mata ng isang butike na nasa pader ay isang makinang na ginto at may hugis susi. Biglang pumasok sa isip ko na kailangan kong makuha iyon kaya nagisip na agadako ng paraan.

Paano kaya nila nalamang butike at palaka ang kinakatakutan ko?. Ang mas nakakainis ay pinalaki pa nila ang mha hugis nito. Takte!. Kaya lang naman ako natatakot doon dahil masyado silang malambot hawakan at madumi kapag pinatay at malikot kapag may naputol na buntot sa butik-----.

Sandali!, kaya lang naman ako natatakot ay dahil malambot ang mga ito at madumi kapag pinatay--tama!. Nandidiri lang naman ako sakanila. Makakahugas naman ata ako ng kamay kapag katapos ko silang ubusin diba?.

Napangisi nalang ako sa naiisip at nilibot na ang paningin kung may makitang kahit anong bagay at Nakita ko nga ang isang kutsilyo at baril na may dalawang bala pagkalapit ko dito. Katabi lang ito ng butike na nasa kisame. Mas natuwa ako nang makitang lumalayo ang mga ito kapag gumagalaw ako. Ganun naman lahat ng mga hayop, kapag pinakita mo sa kanilang malakas ka, matatakot sila sayo.

Kinuha ko ang kutsilyo at tinaboy ang mga palakang nasa paligid ko na tumatabi naman. Buti nalalng at walang tumatalon sa paanan ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung may bigla na lang dumikit saak---"waaaa!".

Malakas na sigaw ko sabay takbo kahit saan habang nanginginig na tinatanggal ang isang hayop na lumipad nalang sa braso ko. Tinapik ko ito at napag alamang isa itong maliit na butiki. Bumalot saakin ang panandaliang kuryente sa katawan at nahimasmasan pagkatapos.

Huminga Mona ako ng dalawang beses bago kumilos. Tinaboy ko ang mga palaka at kusang lumayo ang mga butiki, maliban na lang sa tatlong malaki.

Palapit sila ng palapit kaya pinutukan ko ng baril ang palaka na malalaki tumalon na lumilikha ng dagundong sa sahig palapit sakin.

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon