Phab's POV
Kita ko pa ang huling luha na tumulo sa mga mata ni Hyat bago ako mawalan ng malay.
Ito na ata ang katapusan ko.
Nagulat ang buo kong katawan na kinataas ng buong kalamnan ko nang bigla akong napamulat.
Agad akong umupo at tinignan ang paligid.
Nasaan ako?
Nagulat ako nang makita ko ang mga kasamahan ko na namatay na. Ibig bang sabihin nito ay patay na din ako? Pero nasaan nga ako?
"Phab"
Napatignin ako sa babaeng nasa harapan ko. Si Binibining Isley.
"nasaan po ako?". tanging naisagot ko nalang.
"nasa Terrarum ka". nakangiting sambit ni Binibining Isley saakin. "ito ang pinupuntahan ng mga kasamahan niyo na inaakalang namatay na. Alam mo ba ang ibig sabihin ng Terrarum?". Umiling ako.
"Repeat".
"Repeat?".
"If you lose, Repeat. Always remember that. Kapag natalo ka o namatay ka sa labanan, mapupunta ka dito upang danasin mo ang paulit-ulit na paghihirap".
"Patay na po ba ako?".
"Hindi kayo patay. Kung mapapansin niyo, hindi nagkakaroon ng sugat ang mga namamatay bagkus ay naglalaho lang ito. Ang mga naglalahong iyon ay napupunta dito. May dahilan ang lahat nang bagay kaya papagnaglaho ka na doon sa pinagpasukan mo ay ibig sabihin, tapos na ang misyon niyo". pagpapaintindi ni Binibining Isley saakin.
"eh, paano po nila makukuha ang susi kung lahat po sila ay namatay dahil tapos na ang misyon nila?".
"kadalasan sa napupunta dito ay namamatay talaga dahil sa kabobohan nila kaya maswerte ka na din kung hindi ka namatay doon dahil makakasama mo pa ng matagal ang mga kasamahan mo ngunit mas masaya naman dito sa Terrarum". nakangiting sambit nito.
"bakit po?".
"siyempre, diretso ka na agad sa pagkukuhanan mo ng susi ngunit maghihintay pa kayo ng matagal dahil kailangang sabay ang lahat na makuha nila ang susi ng bawat isa. Kaya ilang araw na ang tinagal ng iba dito na naunang mamatay kasabay noon ng pagsasanay nila. Tignan mo". sabay na imunuwestra saakin ni Binibining Isley ang dapat kong tignan sa likod nito.
Kita ko ang pagpupunas ng pawis ng mga kasamahan ko at ang iba pang bayan habang nilalabanan ang Pere na walang kapaguran.
"iyan lang ang paulit ulit na ginagawa nila dito bilang ganti sa pagka-aga aga nilang maglaho". sambit niya.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...