"Paumanhin sa mga nangyari nang mga nakalipas na ilang taon dahil hindi namin agad nasulusyonan ang usaping ito dahil na din sa takot na mahaluan ng mga walang kapangyarihan ang mga batang isisilang sa iba't ibang bayan maliban sa bayan ng Hatib na mas kilala na mga Adynamos dahil sa mga walang kakayahayan pati na din sa kahinaan ng katawan". paliwanag ko sa mga bubuyog na nasa harapan ko habang dahan dahan silang nakikinig sa akin dahil sa pagpapatuloy ko.
"Huwag na nating ibalik ang nakaraan, pakiusap. Nandito kami para makipagkasundo sa namumuno ng bayan ng ito upang bigyang pansin ang mga bata pati na din ang matatanda sa isasagawa naming programa upang makahabol kayong lahat sa mga nangyayari sa maunlad na bayan kagaya ng Sireba at Honan". pagpapatuloy ko.
Nagkaroon ng katahimikan sa lahat habang kita mo sa mga mata nila ang pagdadalawang isip sa pagbigay ko ng punto. Ang iba ay nagtila bubuyog na naman ngunit mahina lamang hindi kagaya ng kanina.
"Nais ko lamang na kuhain ang inyong mga pagsangayon bago kami tumungo sa inyong pinuno". sambit ko pa.
"Sandali lamang. Ano ang nais mong isagawa saamin? Nais mo bang gawin ding maunlad ang bayan namin?". sambit ng kaninang lalaki.
"Kung iyon ang inyong nais". maotoridad na sambit ko.
"Kung ganoon, sangayon ako!". tugon nito na kinangiti ni Morti.
"Kami din!".
"Para sa pagbabago!".
"Tama, para sa pagbabago ng bayan ng Hatib!".
"PAGBABAGO!".
***
Ischyros Hatib's POV
"Magbibilang ako ng tatlo at buksan mo na, hah".
"Sige, sige".
Rinig kong usap nila sa loob. Pucha, hindi na naman sila siguro makapaniwala na nandito na ako, hugh!
"Isa".
"Dalawa".
"Tatlo--Buksan mo na!".
Nakita kong bumukas muli ang pinto at bumunga saakin ang mga tropa ko na dilat na dilat ang mata. Tahimik lang ang paligid nang lumapit saakin si Xion. Dahan dahan akong ngumiti na kinaatras niya.
"Pre, siya ba talaga to?". may katakutan sa mukha ng mga kaibigan niya habang sinasambit ito ni Xion.
"Oo, siya ata yan. Magkamukha sila, eh". Sabat ni Carl.
"Pucha ba't may ata?!".
"Eh, hindi ako sigurado, eh". napapakamot ulong suhestiyon ni Carl.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...