Phab's POV
Tulala lang ako sa kwarto ko habang nakaupo at nakatitig sa pader kahit na libreng araw parin naming ngayon. Sila Tia at Hyat naman ay bumalik ulit sa hardin kaya ako nalang magisa ditto kasi pati ang ibang babae ay nasalabas din. Niyayaya nila ako pero di ako sumama kasi kanina pa ko o matagal na akong na cucurious sa pader na nasa tapat ko katabi ng pintuan palabas. May kakaiba kasi akong nararamdaman ditto.
Nilapitan ko ito at pinagmasdam ng maigi habang hindi mapigilang himasin kung may kuryenteng pumapalibot ditto at hindi nga ako nagkakamali. Humanap ako ng paraan para malaman kung ano nga ba ang pader na ito. Alam ko hindi ito basta lang pader. Katulad din siguro ito ng pader sa labas na may mga pintuan.
Sinubukan kong ipadulas pakanan kung mabubuksan pero pader parin sya. Sinubukan ko naman pakaliwa ngunit ganoon din. Ang huling naiisip ko na lang ay patulak at pahila kaya inuna ko muna ang patulak at nakangisi akong naghintay itong bumukas dahil mabagal itong gumalaw.
Namangha akong pumalibot ng tingin sa paligid at wala kang makikita kundi ay malawak ngunit maraming libro na nakasalansan. Sinubukan kong hawakan ito ngunit para lamang itong ilusyon na tumatagos ang kamay ko ditto. Hindi ito isang library.
Kung ganoon ay isa itong sikretong kwarto ng mga Sireba. Sa paglilibot ko ay may nakaagaw ng atensyon ko at iyon ang nagliliwanag na papel na nananatiling nakapatong sa isang lamesa ng librarian. dali dali ko itong nilapitan at hinawakan ngunit pagkahawak ko ay nagiba ang paligid at nagging isa itong tahimik at nawala lahat ng gamit maliban sa nilalapagan ng papel na nagbago ng anyo at napunta sa isang simpleng lamesa na lamang at upuan.
Umupo ako at siyang pagbago ulit ng paligid. Nagliwanag at umaliwalas ang kaninang tahimik at maypagka dilim na lugar. Ngunit nananatili paring walang laman ang lahat. Binasa ko na ang sulat at napataka ng hindi mabasa sa una nag nakalagay ngunit dahan dahan itong pumorma at nagging isang alpabeto na mababasa at maiintindihan ko.
~*~
Para sa susunod na lebel,
Anak ko sa hinaharap,
Ito'y isang babala
Intindihin ang lahat ng isasalin.
Hahabulin sila ng mga demonyo,
Sila'y magtatago sa damo,
Mahahabol ng kabayo.
May kakapalan na halaman,
Magiging lakaran,
May sangang kakapitan,
May kubong gagalawan.
Ngunit kayo'y malilinlang,
Ng isang mangmang,
Isang ilusyon lamang.
~*~
Hindi ko alam kung para saakin ba ito pero malaking tulong ito para saamin kahit na edyo malabo pa sa akin ang mangyayari. Sinubukan kong alamin ang hinaharap pero wala akong makita. Bunga parin iton ng isang limitasyon. Ang kaya ko lang malaman ay ang mangyayari mamaya, kanina, at bukas sa ngayon. Hindi ko p alam kung kelan kami talanggalan ng limitasyon. Bwiset!
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasíaIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...