Tia's POV
Oras ng pahinga bago ang ika-apat na lebel, ay nandito kami sa isang hardin. Magkasama na ulit kaming tatlo.
Masaya kaming kumakain nang biglang pumunta sa upuan namin si Ischyros na may dalang pagkain.
"oh, Ischyros! Tagal mong hindi nagparamdam ah!". bati ko sakanya.
Ngumiti ito bago inilapag ang mga pagkain sa maliit na hapag namin. "paupo". sambit nito.
"osige lang!". ganadong sambit ko.
Kahit naka ngiti ako sa kanya ay ramdam kong may kakaiba dito ngunit isinantabi ko muna ito. Napalingon ako kay Hyat ng may pagtatanong nang mapansin kong nananatili parin siyang titig kay Phab na tahimik lang.
Ako na nag nagbuwag sa katahimikan. "saamin ba iyang dala mo?!". sambit ko habang inaayos ang paglalagay ng pagkain sa lamesa.
"oo". ngiting sambit nito.
"salamat naman!". sambit ko sabay kuha ng pagkain malapit sa tapat ni Phab ngunit biglang hinarang ni Ischyros ang kamay nito. Napakunot ang noo ko sa kanya bilang usal na nagtatanong.
"para lang ito kay Phab". ngiting sambit nito bago bumaling ulit kay Phab at inilahad ang pagkain sa harap nito.
Alanganing tinanggap ni Phab ang pagkain, "s-salamat". naguguluhang tugon nito bago napilitang kainin ang pagkain na nasa harap niya.
Parang kanina lang ay ayaw niyang kumain pero nang si Ischyros na ang nagbigay ay kakain na siya. Ito na ata ang nararandaman kong kakaiba. Kinikilig ako!
"wag". malamig na pigil ni Hyat kay Phab nang susubo pa ng isa si Phab.
Napalingon ako sa kanya maski si Phab na binawi ang pagka nganga at si Ischyros na napakunot na ang noo. Biglang bumilis ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit.
"bakit?". seryosong sambit ni Phab. Wala akong mabasa sa iiisip ni Phab kaya tahimik lang ako at sinusubay bayan ang susunod na mangyayari.
Hindi na nagsalita si Hyat pero sumingit si Ischyros. "sige na, kumain na kayo". bilik na ngiti ni Ischyros saamin bago ulit inasikaso si Phab.
Nang susubo na ako ay biglang tinulak ng malakas ni Phab ang lamesa na kinagulat ko kaya agad akong napausod at napatayo para hindi maipit at matapunan ng pagkain. Tahimik lang kami habang napansin kong napalingon ang iba saamin.
"bakit?..."
Nakakunot na noong sambit ni Phab habang nakikitaan mong may pagkadismaya ito sa mukha.
"akala ko....nagtiwala ako sayo....kaibigan ka namin.....ta's ito ang igaganti mo saakin?". pagpapatuloy nito na kinakunot namin ng noo.
Lahat kami ay nakatayo na kaya nasinsinan na nakaharap si Phab kay Ischyros. Nakikitaan mo naman si Ischyros ng pagtataka sa mukha pero hindi ko alam kung bakit parang may kaakiba talaga sa mukha nito.
"sumagot ka---!". galit na sigaw nito ngunit nagulat kami nang bigla nalang itong napahawak sa ulo nito bago bumagsak. Mabuti nalang at nasalo ko ito. Tinulungan na din ako ni Hyat habang malakas na bumaling kay Ischyros na may galit na tingin.
"ako na ang tutulong--"
"tumigil ka!". sabat ni Hyat kay Ischyros. "umalis ka na dito, bago pa kita mapatay". galit na pagpapatuloy nito. Nagtataka parin ako hanggang ngayon.
"anong nangyayari?". nagaalalang sambit ko dito.
"kailangan natin siyang gamutin..... nalason siya--ay hindi, nilason siya..". galit na sambit nito kahit na nakikitaan mo ng pagaalala sa mukha.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasíaIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...