Oneiro Forty: Ang Simula

2 1 0
                                    

"Hi, Kuile!". Maligayang wika ni Kristine 

"Anong ginagawa mo dito? A-at ano 'yang suot mo?". Nahihiyang tanong ko dito.

Tinignan niya ang sarili niya at tumigil ito sa dibdib nito habang dahan dahang inangat ang tingin sa akin. Binigyan niya ako ng nangaakit na tingin dahilan upang mapaiwas ako.

"Hindi mo ba nagustuhan?". Inosenteng tanong nito.

"A-ano ba k-kasing ginagawa mo dito?".

"Gusto ko lang naman na makita ka. Ano bang masama doon?".

"A-a-alam mo, Kristine. May pupuntahan kasi akong mahalagang tao kaya kailangan ko nang umali---".

"Si Phab ba?".

"P-paano mo nalaman ang pangalan niya?".

"Sinabi mo sa akin---".

"Wala akong naaalala na may pinakilala na ako sa'yo, Kristine". 

"K-kilala rin kasi si Phab sa bayan ng Sireba at usap usapan na magkaibigan lang daw kayong dalawa".

"At kanino mo naman nalaman ang usapan na iyan na walang katotohanan?".

"Sa mga kapwa ko din Sireba". Kampanteng sagot niya.

"Sige". Huminga ako ng malalim at nagpaalam. "Kung wala ka nang ibang sasabihin ay mauuna na ako". At nilagpasan na siya.

"Teka lang, Kuile!". Hila niya sa akin na nagbigay ng kuryente sa katawan ko.

Hindi ako nagsalita at hinayaang hilain niya ako pabalik sa pwesto ko ngunit iba ang inaasahan ko dahil hinila niya ako palapit sa kaniya. Palapit sa dibdib niya!

"A-ano ba?!". Gulat na layo ko dito nang bigla na namang nanguryente ang katawan ko nang dumikit ako s-sa k-katawan niya.

"Alam kong nagustuhan mo rin 'yon". Inosente na naman niyang wika na kinapikit ko at kinahinga ng malalim.

"K-kristine, tama na, pakiusap. Kailangan kong puntahan si Phab". Naiiritang wika ko at naglakad na papalayo nang biglang.

"Tsk! Tao po!". Sigaw niya sa tapat ng bahay namin.

Agad akong kinabahan at mabilis na bumalik sa kinalalagyan ni Kristine at tinakpan ang bibig nito ngunit nandiri ako nang dilaan niya ang palad ko kaya naitanggal ko ito. 'Takte!'

"Yuck! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, ha?!". Sigaw ko na dito.

Kita ko ang gulat sa mata nito na tila iiyak na ngunit dahan dahan itong napunta sa ngisi. 

"Anong kailangan mo, iha?". Pormal na wika ni Mama sa nakatalikod na Kristine.

Humarap ito at nagsalita. "Hello po, Tita!". Masiglang wika nito.

"Hindi kita kamag-anak, iha". Bara ni Mama.

"Ayos lang po iyon, magiging kamag-anak niyo palang po kasi ako". Makapal na mukhang sabat ni Kristine.

"Sa pagkaka-alam ko, hindi ganiyan ang itsura ng babaeng unang idinala dito ni Kuile".

"A-ah, Tita---".

"Karen nalang".

"Sige po, Tita Karen".

Kita kong napapikit si Mama sa ginawang kakulitan ni Kristine kaya napayuko nalang ako. 'Ano ba kasing binabalak ng babaeng ito?!'

"A-ah, Ma. Kailangan ko na pong umalis, ikaw na po ang bahala sa babaeng iyan---". Nagmamadaling usal ko.

"Ay, teka! H'wag mong iwan magisa ang bisita mo dito! Nako anak! Ang mabuti pa, isama mo nalang siya sa paglabas mo".

Oneiro WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon