"I-ikaw?". Turo ni Kuile sa babaeng pumasok sa Silong namin.
Napakunot ang noo ko nang mamukhaan ko ang mukha nito.
"Anong kailangan mo sa amin". Wika ko dito na may ngisi sa mukha.
Hindi ito sumagot kaya nabahala kami lalo na ang dalawa pa naming kasama. Humakbang ito ng isa na kinaatras ni Kuile ngunit hindi ako gumalaw. Naramdaman ko nalang ang paghila sa akin ni Kuile na kinainis ko dahil ayaw ko talagang gumalaw sa kinatatayuan ko.
Nagmatigas ako at hinantay na magdikit ang mukha namin ng babaeng hindi ko alam ang pangalan.
"Ikaw ang anak ni Maren Sireba, tama ba?". Maarte ngunit may awtoridad na wika nito sa harap ko.
Amoy ko ang hininga niyang hindi matukoy ang amoy kung mabango o mabaho. Hindi ako sumagot at hinayaan siyang magsalita.
"Tinatanong kita". Pilit na ngiti nito sa akin.
"Kapag sinabi ko bang hindi, maniniwala ka?". Seryoso kong sagot dito.
Kita ko sa mukha niya ang pagpipigil ng inis nang hablutin niya ang kamay ko at tumingin ng marahan sa akin na sinundan ng ngisi at ang pagturok ng marahan ng kuko nito sa likod ng palad ko. Wala akong naramdaman ni isa na kinataka ko at mukhang kinataka din ng babae.
Agad akong humakbang patalikod at hinablot ko pabalik ang kamay ko upang makalayo sa kaniya at gumamit ng protekta sa aming lahat nang bigla itong naglabas ng itim na kidlat mula sa mga daliri niya. Ramdam ko ang kuryenteng bumalot sa likod ko nang gawin niya iyon ngunit kinaya ko naman.
Agad na gumalaw si Renatus at pinilit na patigasin ang kamay ng babae upang mapigilan ang patuloy na paglabas ng itim nito. Ngunit hindi ito sapat.
Ang mga mata'y tumungo sa likod ng babaeng kinakalaban kami. "Kambal?". Rinig kong mahinang singhal ni Kuile.
"Awit talaga, baka magtulungan sila!". Singhal na naman ni Kuile.
"Ikrisha!". Sigaw ng babae sa likod.
Tumigil ang babaeng Ikrisha ang ngalan sa pagatake sa amin at humarap sa kambal niya.
"Epal ka din talaga, noh?". 'Hmm... Bata ang mukha, mukhang isip bata din'.
"Itigil mo na 'yan!".
"Manahimik ka d'yan!".
"Argh!". Agad pinatalsik ni Ikrisha ang kambal nito sa kung saan man malayo gamit ang maitim niyang kapangyarihan.
Buong akala namin ay tutungo na itong muli sa amin ngunit agad itong lumabas sa Silong na sinundan namin. Nakita kong may sinakal siya sa hangin at biglang nagpakita ang kambal nito ngunit agad na naglaho.
"Hindi mo ako matatalo sa laro mo, Akisha. Huwag kang duwag! Kung gusto mo nang mamatay, magpakita ka!".
Nakita namin ang paglitaw ni Akisha sa likod ni Ikrisha. Kita ko ang marahang paghaplos niya sa buhok ng kambal nito at agad naming nakita ang epekto nito kay Ikrisha. Agad itong napaluhod at napalingon kay Akisha na may galit sa mukha.
"Matagal na sana kitang pinatay dahil sa una pa lang, alam kong ikaw ang sasagabal sa akin!".
"Wala akong pakialam sa kapangyarihan, Ikrisha. Ang gusto ko lang ay mahalin mo ako bilang kapatid at hindi kaaway". Inilahad ni Akisha ang kamay nito sa kambal niyang nakasandal sa lupa.
Ano pa nga bang aasahan ko, agad na hinablot ni Ikrisha ang kamay ni Akisha at kita ko ang pagpiga nito sa kamay ng kambal niya.
"Aaaahh!". Tili ni Akisha na tila naghihingalo na.
BINABASA MO ANG
Oneiro World
FantasyIt is hard to choose from duties over love. Phab keeps seeking behind the big walls covering the world she's been up to by giving her best averting her duties that she was forced to do to achieve her goal. It is to escape, but Kuile refrains Phab's...