KABANATA 1

80 5 0
                                    


The first meet

"Iha mag Kano ang kilo nitong repolyo mo?" Tanong sa akin ng matandang babae. Bibili siguro kaya tumayo ako at nilapitan ito.

"150 po ang isang kilo Nay." Aniya ko sa matanda habang nakangiti dito. Inabot nito sa akin ang isang pirasong repolyo at syempre tinimbang ko para malaman ang presyo nito.

"46 po Nay." Aniya ko sa matanda. Tumango naman ito na ibig sabihin ay kukuhain niya. Pinalastik ko na ito at iniabot sa kaniya.

Pag ka abot sa Akin nito ng kaniyang bayad biglang dumating naman ang matalik kung kaibigan na kaagad na umupo sa may tapat ng upuan ko.

Feel na feel na niya talaga dito At parang dito na talaga nakatira. Ngumiti lang ako dito at inayos ang mga gulay at prutas kung tinda.

Bakasyon kasi ngayon at syempre sakin nakatoka ngayon ang pag bantay ng tindahan namin dito sa palengke.

Syempre naman noh salitan kami ng kuya ko sa pag babantay dito. Tuwing M W F sa akin na ka toka sa pag babantay ng tindahan at syempre sa kaniya ang dalawang T ng isang buong week.

Masyado akong nalamangan ni kuya ng kaunti. Kaunti Lang naman palibhasa kasi lagi siyang kasama ni Tatay sa pagbili at pagbuhat ng paninda ni Nanay.

Hindi naman kasi kami mayaman simple lang ang buhay. Nabibigay naman ang mga luho namin kaya tama lang ang pamumuhay na meron kami ngayon At masaya ako kung anong meron.

Kaya heto kaming buong pamilya at nag tutulungan mag bantay sa tindahan dahil ayaw naman ni Nanay kumuha ng kasama niya dito sa Tindahan kasi daw maraming malilikot ang kamay ngayon.

Kaya kami na lang buong pamilya ang nagtutulungan para sa maliit na negosyo naming ito.

"Uyyy Jen.. nakausap ko nung isang araw si Tita ang sabi niya hindi ka pa daw bumibili ng school supplies mo." Aniya nitong kaibigan kung si Shiela. Na Nag patigil sa malalim kung iniisip.

Yan si Shiela kababata ko at matalik na kaibigan. Elementary palang ako mag kaklase na kami hanggang nung high school.

Pero nung nag college kami dun lang kami nag ka hiwalay. Nag iba kasi siya nang kurso. Gusto daw niyang mag tourism kaya Hindi kami naging mag kaklase.

Palagi ko yang kasama kahit san ako pumunta kaya heto at nakatambay siya sa Tindahan namin ngayon.

"Ito na po Nanay.. balik po kayo ah." abot ko sa matandang babaeng sa kaniyang biniling gulay. Bumaling naman ako ng tingin sa kaibigan kung si Shiela na naka taas pa talaga ang mga paa sa aking upuan.

Ibinaba ko naman iyon at umupo ako. Syempre hindi na ito umangal pa At baka masapak ko lang ito. Hehehe syempre biro lang mabait naman ako noh. Umupo siya ng maayos at humarap sa akin matapos kung ibaba ang paa niya.

"Hindi ko pa muna iniisip yun kasi mabilis Lang Bumili ng mga gamit sa eskwela..... dito kasi sa Tindahan walang tutulong kay Nanay kaya ito muna uunahin ko kaysa sa gastos gastos na iyan." Sagot ko naman sa tinanong niya sa akin kanina.

Tumango na lamang ito sa sinagot ko at ibinaba niya ang phone niya sa lamesa at biglang tumayo. Sinundan ko naman siya ng tingin at napansin ko na bigla itong nag suklay at nag ayos ng sarili.

"Ahmmm.. Shiela bat ka nag aayos? Aalis kana ba?" Pag tataka kung tanong sa kaniya. Bat ang bilis naman ata?

Humarap agad ito sa akin at ngumiti. "Malamang hindi No! Pupunta kasi dito yung boyfriend ko na si Pao."Aniya sa akin habang nakangiti na abot hanggang tenga.

Hayyy... kaya naman pala... Eh? Teka tama ba ang narinig ko boyfriend? May boyfriend na siya?

"Ang bilis mo naman mag ka boyfriend? Saka Hindi ko nakitang niligawan ka nun ah. 3rd year college pa nga Lang tayo ngayong pasukan May boyfriend kana agad."Aniya ko sa kaniya. Na may pag tataka.

One Mistake Of Eathan Go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon