He want me to be a House Wife
Habang nasa kotse kaming dalawa ni Eathan At pauwi na. Tahimik Lang itong nag da-drive At Hindi man lang ako pinapansin.
Alam ko naman na nag seselos pa din ito sa emplayado niya kaya hinahayaan ko muna na tumahimik ito ngayon.
"Hon kain tayo." Pag tigil ko sa katahimikan na nababalot sa aming dalawa dito sa sasakyan.
Humarap ito sa Pero saglit Lang at humarap ulit sa kalsada. "Okay."
Itinigil ni Eathan ang sasakyan sa tapat ng jollibee. Hindi ko na inintay na pag buksan pa niya ako ng pinto ng kotse dahil sumabay na ako sa pag baba niya.
Humawak kaagad ako sa braso nito At dumaretso na kami sa loob.
Habang umoorder siya ng pagkain namin nasa Akin lahat ang gamit. Binuksan ko ang bag nito At Hindi ako mapakali kung bakit Gusto kung kalkalin ito.
Parang May hinahanap ako na hindi ko maintindihan. Nakita ko ang phone nito At kinuha iyon.
Hawak ko na ang phone ni Eathan ng sakto dumating ito At dala dala ang inorder nitong pag kain namin.
Nakita doon ang paborito kung garlic pepper beef at isang bucket ng chicken na puro ma aanghang At isang regular fries at May dalawang drinks na coke.
Ibinaba ko sa Mesa ang phone ni Eathan At kinuha ang garlic pepper beef na paborito ko At nilantakan kaagad iyon.
Naubos ko kaagad ang garlic pepper beef ko At kumuha ako ng isang fried chicken At Kanin At kumain ulit.
"Hon anlakas mong kumain ngayon ah."
"Baka Gutom Lang ako?" Palusot ko dito. Pero nag tataka lang talaga ako anlakas ko Lang talaga kumain kanina pa ako. Pakiramdam ko mayat maya ang Gutom ko.
"Gutom ka Lang? Andami mo ngang nakain kaninang lunch break."
"Andami mong pina dala e. Bawal mag aksaya nang pagkain."
"Opo Opo... quiet na ako."
Nang matapos kaming kumain pina take out ko sa kaniya ang natirang fried chicken At nilalantakan ko ngayon sa kotse.
"Hon may sasabihin ako."
Humarap ako dito habang patuloy sa paglantak ng fried chicken. "Ano yun?"
"Gusto ko sana na stay ka na lang sa bahay. Wag ka nang mag work. Sapat naman yung sahod ko e."
"Ano naman gagawin ko sa bahay? Tutunganga?"
"Madami hon. Manood ka ng Movie. Kahit Ano... mag swimming ka sa pool."
"Hay nako Eathan ayoko pang tumigil sa trabaho."
"Hon naman..."
"Ano ba eathan? Nag seselos ka pa din dun sa empleyado mo?" Naiinis na ako ditong tumingin.
"Hon.. Hindi ko kasi kaya na makita yung lalake na yun na lalapitan ka."
Umirap ako sa hangin At itinigil ang kinakain ko. "Alam mo.. Hindi na yun lalapit sa Akin dahil alam na niya na asawa mo ako. Saka wag ka nang mag selos Okay? Alam mo naman na mahal na mahal kita e."
Itinigil nito ang sasakyan nang nasa tapat na kami ng bahay At humarap ito sa Akin, ganun din ako sa kaniya.
"Wag ka nang mag selos dun okay? Saka ayoko pa hon tumigil sa pag tatrabaho mababagot ako dito sa bahay. Saka gusto ko din na palagi kang nakikita."
