KABANATA 27

61 2 0
                                    



The Picture

Kinabukasan nang magising ako Wala na si Eathan at panigurado pumasok na ito sa trabaho niya.

Tanghalina at Kanina pa ako hindi mapakali dito sa sala dahil naiisip ko pa din ang mga nabasa ko kagabi sa cellphone ng asawa ko.

Buti na lang At natutulog ngayon si Liam. Kaya Malaya akong maka pagisip.

Imposible kasing may kabit si Eathan dahil kagabi nga Lang May nangyari pa sa amin.

Pero ang tanong ko Lang Ano yung nabasa ko na text message sa kanya ay Babe pa ang tawag nito sa asawa ko?

Hinilot ko ang sintido ko dahil medyo sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. "Hay.. ano ba?" Sabi ko sa sarili ko.

"Oh? Bat ka nag sasalitang mag isa diyan?" Napalingon ako sa may likod ko At nandoon si Shiela.

"Oh? Tititigan mo na lang ako?" Pasmado nitong sabi. Nag lakad ito At umupo sa upuan na nasa harapan ko.

"Bakit parang may problema ka? Ay hindi. mali yung tanong ko, anong problema?" Nakataas kilay nitong tanong sa Akin.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Well bebs. Kasi last night may nabasa ako sa cellphone ni Eathan e." Nag aalinlangan kung sabi dito.

Tinaas lalo nito ang kilay nito At nakatingin Lang sa Akin. May iniintay pa ata siyang may sabihin ako.

"Nabasa ko doon ang isang text message sa kaniya ng isang babae-." Pinitol nito ang saaabihin ko At napahawak sa gilid ng sofa.

"W-wait isang babae?" Napalakas ang sabi nito kaya't nagising ang anak kung natutulog.

"Shiela? Wag kang sumigaw nagising tuloy si Liam." Aniya ko dito saka tumayo para kunin si Liam para patahanin sa kakaiyak.

"Shhhh... anak tahan na.." patahan ko dito habang hinehele.

Naramdaman kung Tumayo si Shiela At nag lakad paharap sa Akin. "Pasensya na kung Napalakas ang boses ko nagulat kasi ako sinabi mo e."

Tumango lang ako dito at humarap habang buhat pa din si Liam. " ayos lang.. ikaw naman kasi dimo man lang pinatapos ako pinatapos sa pag sasalita At sumigaw agad? Nag gising tuloy ito."

"Pasensya na." Sincere nitong paghingi ng tawad.

Tumango lang ulit ako dito at itinuon ko na ng pansin ang Anak ko na ngayon ay tumahimik na At unti unti nang nakakatulog.

"Jenny, tuloy mo yung Kinukwento mo tungkol sa asawa mo?" Pag putol nito sa katahimikan sa aming dalawa.

Tumingin ako dito para mag kaharap kaming dalawa. "Ayun nga.. nabasa ko ang isang text message ng isang babae sa kaniya. Na ang isinasabi Babe bakit hindi ka nag memessage sa akin? Nag tatampo na ako... see you tomorrow I love you." Naramdaman ko na lang na nabasa ang pisngi ko dahil naluha na pala ako ng hindi ko man lang na mamalayan.

Lumapit ito sa akin at pinunasan ang luha sa aking mga mata. "Gusto mo bang pasubaybayan ko yang si Eathan para malaman natin yung totoo?" Naawa nitong sabi sakin.

"Paanong pasusubaybayan?" Takang tanong ko naman dito.

"May kakilala ako. Give me one week para malaman natin.." anyaya nito sa Akin.

"Paano kapag wala naman kayong nakita?"

"Edi saka mo komprontahin ang asawa mo tungkol sa nabasa mo."

Tama nga si Shiela. Kapag wala kaming nalaman tungkol sa kay Eathan kokomprontahin ko na ito tungkol sa nabasa ko.

Pero May mga katanungan pa ding gumugulo sa isipan ko na. Paano kung totoo? Anong gagawin ko? Pakiramdam ko mababaliw ako kapag totoo ang hinihinala ko kay Eathan.

One Mistake Of Eathan Go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon