KABANATA 17

37 2 0
                                    

Start of work

Lumipas ang isang buwan ng aming honeymoon ni Eathan na mas madalas ay sa kama na uuwi imbes na mamasyal sa lugar na magagandang pasyalan.

At syempre balik trabaho na kaming mag asawa. At dahil lumipat na kami dito sa Manila sa iisang kumpanya kami mag tatrabaho.

Tinanong ko si Eathan kung bakit dito kami sa Manila maninirahan At Hindi na sa nueva ecija. Ang sabi niya Lang Dahil siya ang C.E.O ng kumpanya nila kaya kailangan nilang manirahan sa Manila saka marami daw sa Manila na pwede kung applayan Pero mas gusto niya sa kumpanya nila ako mag trabaho kaya pumayag na lang din ako. Kay sa makipag talo lang sa kaniya.

Kakatapos lang namin maligo na mag ka sabay At syempre nag aayos na ako para sa new work ko dito sa Manila.

Nanghihinayang nga ako sa dati kung kumpanya na pinag tatrabahuan dahil halos lahat doon ay malalapit na sa Akin. Kaya lang no choice ako dahil asawa ko na si Eathan.

Ginusto ko din na mag trabaho dito sa Manila alam kung maraming opportunity dito. Kaya lulubos lubusin ko na.

Tapos na akong mag suklay At mag lahad na kaunti Lang naman na lip tint sa labi At pisngi ko At saka mag polbo.

Mag ka sabay kaming pumasok ni Eathan sa kumpanya na siya muna pansamantala ang C.E.O

"Hon naiilang ako." Habang nakatingin sa mga kamay namin na mag kahawak.

"Bakit ka naman naiilang? Ayaw mo ba na kasama ako?"

"Gusto syempre kaya Lang pinag titinginan tayo oh." Aniya ko saka tumingin sa palagid.

"Wag mo silang pansinin. Alam na nilang asawa Kita Okay?"

Tumingin ako dito saka tumango. Sumakay na kami sa elevator at nag tungo kami sa fifth floor.

Hinatid ako ni Eathan sa table ko at sinabihan na puntahan ko na lang daw siya sa office niya kapag lunch break na.

Unang araw palang andami ko nang ginawa. Puro type sa computer at pirma dito pirma doon. Sa ngayon nag piprint na ako ng mga tinype ko kanina. At dadalhin ko ito pagkatapos sa office ni Eathan.

Inii-stapler ko na ang mga na print na habang iniintay pa ang iba ng may tumigil sa gilid ko.

Hindi ko ito pinansin dahil busy ako masyado sa ginagawa ko. "Lunch break na hindi ka pa mag la-lunch?" Tanong sa Akin ng hindi ko naman ka kilala.

Humarap ako At ngumiti Lang saka umiling. Bumaling ulit ako sa ginagawa ko At kita ko pa din sa peripheral vision ko ang lalake.

"Ako si Lancey... At ikaw si Jenny bago ka dito diba?"

"Yes.." humarap ako dito nang matapos ko ang ginagawa ko saka umalis sa harap nito.

Hinawakan nito ang braso kung kaya't napatigil ako sa pag lalakad. At bumaling dito ng tingin ko. Saka tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso ko.

"Hindi pa ako nag la-lunch sabay na tayo?" Aya sa Akin nito Pero umiling Lang ako At Iniwan na ito doon.

Akala ko ba alam na ng mga empleyado dito na mag asawa kami ni Eathan bakit may ganon pang kumakausap sa Akin At Pakiramdam ko type ako nun.

Hindi ko na lang pinansin At dumaretso na sa office ni Eathan. Kumatok muna ako bago ako tuluyan pumasok.

Nakita ko ang asawa ko na busy sa pag pipirma At pag babasa ng kung ano man yung nasa desk nya.

Lumapit ako dito at pinatong sa desk niya yung mga ginawa ko kani-kanina Lang.

"Hindi kapa mag la-lunch?" Tanong ko dito na nag pa tigil sa pag babasa niya.

One Mistake Of Eathan Go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon