CHAPTER 2: WORST DAY

6.1K 276 9
                                    

CHAPTER 2: WORST DAY

Samantha POV's

Unang araw ko palang pumasok sa eskwelahan na 'to, sira na agad ang araw ko. Ikaw ba naman ang tapunan nalang ng juice bigla. Wala akong ginawang masama sa babaeng impokreta na 'yun, kung tutuusin nga ay hindi ko sya kilala.

Ano bang trip niya?

Pumunta ako sa locker para kunin ang extra uniform kong' tinago kanina. Kay bago palang ng suot ko, nadumihan na agad. Pagkasara ko ng pinto sa locker ay bumungad sa gilid si Alexa na presenteng nakasandal.

Pinasadahan niya ang kabuuan ko. Nang ibalik ang tingin sa akin ay ayon na ang mataray niyang muka.

"Anong nangyare sa uniform mo?" masungit niyang tanong na pinasadahan ulit ng tingin ang aking suot.

"Asan si Zoe?" tanong ko din, hindi agad sinagot ang unang tanong niya.

"Nasa bahay. Hindi siya makakapasok, masama daw pakiramdam."

Unang araw palang ng pasok namin ay absent na agad siya habang ako, ito, minamalas na agad.

"Ah..."

"Anong nangyare sayo?" pag uulit nya sa tinanong kanina.

"Nadapa lang." inilagay ko sa bag ang uniform na ipangpapalit ko mamaya. Binalik ko ang tingin sa kanya na mukang hindi pinaniwalaan ang sinabi ko.

"Nadapa ba talaga? Matagal na tayong magkaibigan, Sam, kaya never ko pang narinig o nakitang naging lumpo ka para madapa lang. Yung totoo, ano talagang nangyare sayo?"

See? Kilala na niya talaga ako.

Napapabuntong hininga akong isinukbit sa balikat ang bag. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin na agad niya namang sinunod.

"Kailangan ko ba ikwento lahat ng nagyare?"

"Of course, Sam. Late lang ako pumasok, naging ganyan na agad ang postura mo." magkakrus ang braso niyang tinignan ulit ang uniporme ko at napailing.

Hindi ko naman expected 'to. Hindi din sumagi sa utak ko na ganto pala ang mga estudyante dito, akala ko kasi mababait. Nakakapangsisi tuloy na nag tranfer pa kami ditong tatlo.

Sa SLRS na pinasukan namin ay iba ang topak ng mga estudyante. Bigla silang naghahamon ng away kahit nanahimik lang ang tao sa sulok. Pareha din dito, bigla nalang akong inaway at ang dahilan ay ayaw niya daw makakita ng tulad ko.

Takpan niya kasi ang mata. Ang laki masyado ng problema, siya ang mag adjust dapat. Tss!

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now