CHAPTER 36: PROM NIGHT 1
Samantha POV's
Kanina pa ako nalilito kakatitig sa mga gown na nasa harap ko. Hindi ako makapili na babagay sa gust ko. Lahat naman ay maganda pero masyadong labas ang kalahati ng balat ko.
"Hoy, Samantha Villanueva. Ano na?! Tapos na kami mamili ng gown. Aabutin pa ata tayo ng pasko dito bago ka makapili!" malakas na sigaw sa akin ni Zoe kaya napalingon sa pwesto namin yung mga staff at ibang costumer.
"Wala akong mapili." ngiwi ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga gown. Wala bang titino pa sa mga gown na ito para magustuhan ko.
"Ako na pipili ng gown sayo. Si Alexa nasa fitting room, sinusukat yung gown na napili niya."
"Hindi ko naman tinatanong kung nasaan si Alexa."
"Yan, d'yan ka magaling. Pagpili lang ng gown hindi ka matapos." napailing ako ng pagalitan niya na naman ako. Sumunod ako sa kanya na nag uumpisa ng pumili ng gown para sa akin. "Ito bagay sayo." Pinakita niya sa akin yung gown na makikita yung clevage ko.
"Ayoko niyan."
"Ito!" pinakita naman niya yung gown na hanggang hita ko lang. Cocktail dress ata tawag dito.
"Ayoko masyadong maiksi."
"Oh, ito bagay na talaga sayo." pinakita niya naman yung gown na off shoulder type. Kumikinang ito dahil sa mga dyamanteng bato na desenyo. Ang kulay ay itim na paborito ko.
"Okay na 'yan." usal ko na hindi pa din inaalis ang tingin sa gown.
"Sa wakas nakapili din." sarkastikong salita niya."Susukatin mo pa 'ba?" umiling ako.
"Hindi na. Mukang kasya na sa akin yan." tamad kong salita. Ayoko maghirap pang suotin yung gown na 'yan ngayon.
"Miss, excuse me, ito ding gown." kausap ni Zoe sa isang staff.
"Okay po, Ma'am Zoe."
Sa kaibigan ni Aleina itong botique ng gown. Sinabi niya na dito nalang kami mamili ng susuotin at kakailanganin sa prom. Bukas na ang prom night pero wala pa kaming nabibili kaya ngayon na namin naisipan. Napilit lang ako nung dalawa, wala naman talaga akong balak sumama dito.
"Bagay ba?" tawag pansin ni Alexa kaya napatingin kami sa kanya. Napangiti ako dahil lalong lumitaw ang ganda ni Alexa sa suot niyang gown.
"Ang ganda mo, Alexa Kate!" reaksyon ni Zoe.
Nag bow siya na parang prinsesa kaya napangisi ako. "Mag papalit na ako." pumasok siya pabalik sa fitting room.
Umupo muna ako sa sofa para magpahinga at antayin yung dalawa. Tumingin ako sa mga taong nasa labas na namamasyal dito sa mall. Habang nakamasid sa labas nakita ko si Venice na may kasamang lalake. Nasa tagong lugar ako kaya hindi ako ganon makikita agad.
Pinaghihinalaan ko si Venice na kasali sa dark bladders gang. Dahil napansin ko ang tattoo niya sa batok na katulad sa mga tattoo nung nakita kung lalake sa fottage ng cctv sa parking lot.
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanfictionThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...