CHAPTER 41: INSURGENT GROUP
Carl Phol POV's
Ito na ang isa sa pinakahihintay ko. Ang laging bumabagabag sa akin dahil sa pag iisip ng malalim. Sa wakas nagkusa na siya magsabi tungkol sa pagkatao niya.
Hindi ko nagawang magsalita para sumagot. Inaantay ko ang bawat ibabagsak niyang salita at papakinggan iyon ng mabuti para maintindihan. Kung magtatanong 'man ako, siguro 'yun ay ang hindi ko maintindihan at gusto ko pa intindihin ng malinaw.
Tumingin siya sa kisame at malalim na bumuntong hininga. "Nagawa mo na 'ba yung inutos ko sayo?"
"Buksan mo."
"Bakit may picture ka nila?"
"Ayan yung unang tulong na kailangan ko sayo."
"Bigyan mo ako ng impormasyon tungkol sa kanilang tatlo. Pero, sabihin mo na ngayon kung ano ang pangalan nila."
"Kilala mo na sila di 'ba?"
"Yung isa hindi ko kilala. Sabihin mo yung buong pangalan nila sa akin."
Napapikit ako ng maalala kong hindi ko pa nahanap yung mga information nung tatlo. Nawala sa utak ko ang usapan naming iyon.
Umiling ako. "Hindi pa, sorry." nakayukong sagot ko. Ayokong salubungin ang tingin niya baka kasi ay galit siya o naiinis dahil hindi ko nagawa ang hinihingi niyang tulong sa akin.
"Sila Carmella at Vanessa nalang ang hanapan mo ng impormasyon." inangat ko ang tingin sa kanya at agad ring iniwas ng mamataan na nakatingin siya sa akin.
"Pano 'yong kay Venice?"
"Sinabi mo naman kanina di 'ba na patay na si Venice?" tumango ako bilang tugon. "Kaya hindi ko na kailangan yung impormasyon tungkol sa kanya. Kailangan ko nalang yung kay Carmella at Vanessa." hindi pa naman ako nag uumpisa pero bakit parang nahihirapan na ako sa mga gagawin ko.
Humugot ako ng malalim na hininga ng maalala si Venice. Kung paanong nandoon siya sa warehouse at kung ano ba talagang meron kay Venice gayong mukang may alam naman siya.
Tinignan ko si Sam na seryosong nakatingin sa kamay niya. "Yung tungkol kay Venice—?"
"Kasali si Venice sa grupo ng dark bladders gang." pagpuputol niya sa akin na mukang alam na yung tatanungin ko. "Ang dark bladders gang ay fraternity group. Pati mga illegal na gawain ay ginagawa nila. Naalala mo ba yung may mga lalakeng nagpapaputok ng baril sa BCU?" tumango ako habang nakatingin sa kanya. "Ang bladders ang may gawa no'n. Mata nila si Venice sa BCU, binabantayan niya rin ang mga galaw namin nila Zoe at Alexa."
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanfictionThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...