CHAPTER 9: APOLOGIZE
Samantha POV's
Dinilat ko ang mata ng makarinig ng kalabog sa pinto ko. Kanina pa may katok ng katok at parang sirena ang boses sa labas. "Sam, gising ka naba?!" mas malakas ang boses na sigaw nito.
Irita akong bumangon. "Oo!" pasigaw ko din na sagot kay Alexa. Siya ang panay putak sa labas ng kwarto ko daig pa niya ang pag atungol ng manok.
Umalis na ako sa higaan at inihanda ang mga susuotin. Isinampay ko ang tuwalya sa braso saka pumasok sa banyo. Ilang minuto lang tumagal ang ritwal ko sa banyo at nag aayos na ako ng sarili.
"Sam, pababa kana ba? Nakahanda na 'yung almusal." katok ulit ni Alexa. Binuksan ko ang pinto na ikinagulat niya. "Nakakagulat ka naman!" sapo sapo niya ang dibdib habang pinanlalakihan ako ng mata.
Umawang nalang ang labi ko sa inakto niya. "Tara na." nauna akong bumaba sa kanya. Nakita ko si Zoe, nakapwesto na sa hapagkainan.
Pumunta kami sa magustuhang banko at nag umpisang kumain. Habang kumakain ay biglang pumasok sa utak ko ang mga nangyare kagabi sa island bar. Hindi ko inaasahang makita ang tatlong lalake doon na pinagtitilian palagi ng mga babae sa campus.
Idagdag mo pa ang halos pagtitig sa akin ni Carl. Siya 'yung nakasagutan ko 'nang unang tapak ko palang sa BCU. Hindi ko inaasahan ang mga napanood kagabi sa pagitan nila 'nung babae. Kung paano humalik ito sa leeg niya na hinayaan niya lang 'nong una. Pati ang paghawak sa alaga at paghalik sa kanya sa labi ay nasaksihan ko.
Hindi naman ako nandidiri dahil sana'y na akong makakita 'nang ganon kapag minsan ay pumupunta ng island bar. Kaya wala akong pakielam sa mga nangyare na iyon. Madali ko lang maalis sa isipan.
"Anong plano natin?" ngumunguyang tanong ni Zoe. Inabutan siya ng tubig ni Alexa, baka kasi biglang mabilaukan.
"Ang alam nila ay nasa SLRS pa tayo pumapasok kaya tahimik muna tayo." sumang ayon naman sila sa sinabi ko.
Mahirap kasi kung kami ang unang susugod gayong wala akong ideya kung ilang miyembro ba sila sa isang grupo. Baka kami pa ang matalo sa dulo ng laro.
"Paano kung malaman na nilang lumipat tayo sa BCU." si Alexa ang nag tanong na ngayon ay naghuhugas na ng kamay sa gripo.
"Simple lang, maging handa tayo." sinubo ko ang huling pagkain sa plato. "Hindi natin kailangan maging problemado ng sobra. Madali lang sa atin ang gantong trabaho. Ngayong maliit lang naman ang kanilang grupo."
"May punto ka naman." kinuha ko ang mga ginamit ko at hinugasan na 'yun sa lababo.
"Handa ka na, Sam, sa bigla nilang pagsugod?" pinunasan ko ang kamay ng matapos ako sa ginagawa. Tinignan ko si Alexa na nakasandal sa refrigerator.
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanfictionThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...